Halos wala kaming kibuan ni Lukas sa loob ng kotse maliban sa manaka-nakang, "Are you okay?" sa tuwing kumukulog. Napapakislot kasi ako at halos ay magtago na sa ilalim ng upuan sa takot. Pakiramdam ko kasi'y parang matatamaan kami ng kidlat.
Binabaybay na namin ang papunta sa bahay nang biglang nag-text si Kuya Tarquin. Kung magkasama pa raw kami ni Leigh ay do'n na lang daw muna ako sa kanila dahil hanggang baywang na ang baha sa street namin. Magre-reply na sana ako nang kumulog nang pagkalakas-lakas at gumuhit ang nakasisilaw na kidlat. Naitapon ko ang cell phone sa kabiglaanan. Nasapol sa noo si Lukas bago ito lumanding sa kanyang kandungan.
"I'm so sorry," paghingi ko ng paumanhin sa awkward na boses nang makita ko siyang napahilot-hilot ng noo. Namula pa ito kaya lalo akong na-guilty.
"That really hurts, babe," nangingiti na nitong sabi. Sinulyapan niya ang cell phone na prenteng nakahimlay sa kanyang kandungan. Napatingin din ako ro'n. Gusto ko sanang kunin pero nahihiya naman ako kasi of all places doon pa mismo tumuntong.
"Could you pick it up for me?" pakiusap ko habang nakatingin sa cell phone.
Without looking at me he said, "You can reach it. I'm driving." Then, I saw him stifle a smile.
Hayop na ito. I knew he was aware of what I was thinking so he wanted to make me feel more uncomfortable. And maybe he wanted to tease me.
Napakagat-labi ako at nanahimik. Napatingin ako sa labas. Sa bandang unahan, nakita kong halos hanggang tuhod na ng mga anim na taong batang nagtatampisaw sa ulan ang tubig sa highway. Palagay ko nakita rin iyon ni Lukas dahil napa-"Oh" ito at lalo pang binagalan ang sasakyan. Nang balingan ko ito, nawala na ang pilyong kislap sa kanyang mga mata. Napalitan na ito ng pag-aalala. Binuksan niya ang bintana sa gilid niya't tumingin sa paligid.
"I don't think the car can pass by that road. The water's too high," sabi niya sa akin. No'n ko naalala ang text ni Kuya Tarquin.
"Can we go back?" tanong ko. Mapipilitan nga akong makitulog muna kina Leigh. Kailangan ko siyang matawagan. Kagat-labing dinampot ko ang telepono, pero dahil bigla kong nilayo ang tingin doon nasagi ko ang pinakaiiwasan kong masagi. Awtomatikong nag-init ang mukha ko! Kahit malakas ang aircon sa loob ng kotse pinawisan ako lalo pa nang mapagtantong ang tigas ng nakanti ng mga daliri ko. Sinikap ko na lang magpatay-malisya. Kunwari busy na lang ako sa kada-dial ng number ni Leigh, pero bigla akong natigil at napatingin sa kanya nang marinig ko siyang tumawa.
"What's funny?" nangungunot ang noong tanong ko.
Umiling siya sabay sabi ng, "Nothing." Pero ang tamis pa rin ng ngiti ng loko. Hindi ko na lang iyon pinansin. Naging abala ako sa pagkontak kay Leigh. Nakailang attempt ako bago ko narinig ang sagot.
"Wala pa ako sa amin. Ang sabi nila Kuya ang taas na rin ng tubig sa kalye namin," sabi agad ni Leigh.
"Paano na iyan? Saan ka matutulog?" tanong ko.
Hindi na nakasagot si Leigh dahil bigla na lang naputol ang linya. Nang tawagan ko ulit cannot be reached na siya. Naisip ko si Ysay. Kaso lang, mas malala ang kanila. Kaunting ulan lang ay halos taga-dibdib na ang tubig sa barangay nila. Napakamot-kamot ako sa ulo. Sina Kuya naman hindi ko na makontak. I was beginning to worry when I noticed that we were heading towards a different direction.
"Where are we going?"
"Home."
Makailang sandali pa nga'y nakita ko na ang pamilyar na mga gusali malapit sa condo niya. Kinabahan ako nang husto. Hindi ako pupwedeng makitulog sa unit niya. Ayaw kong makita ang babaeng iyon. Tiyak na rambol ang magaganap kapag makita ko pa ulit ang bruhang iyon.
BINABASA MO ANG
WHEN I LOVE (ZYRA'S STORY - COMPLETED)
RomanceNORDIC SERIES #4 (ZYRA CASTILLO'S STORY) Cover from WattpadPabalatPH in collaboration with Wattpad Stars Program PH ********** Chubby at hindi kagandahan. Iyon ang laging pagsasalarawan ng mga kaanak at kaibigan ni Zyra sa kanya. Paano ba naman, min...