Pagtingin ko sa calendar na nakasabit sa dingding ng kuwarto ko, biglang nanlaki ang mga mata ko. A-kinse na ng Hunyo. Shit! Hindi pa ako nadadatnan ng para sa Mayo ko! Ba't hindi ko agad napansing delayed na pala ako nang sobra? Susko! What to do? What to do?
Nagitla ako sa tatlong sunud-sunod na katok sa pinto ko. Sinundan ito ng malakas na boses ni Kuya Tarquin. Sasabay raw ba ako sa kanya sa pagpasok sa upisina o ano? Kanina pa raw siya naghihintay.
Tiningnan ko ang sarili ko. Ni hindi pa ako nakapagsuot ng undies. Nakabalot pa rin sa tuwalya ang hubad kong katawan. Hindi ko pa nga nasusuklay ang basa kong buhok. Nawindang kasi ako sa realisasyong maaaring pinagbubuntis ko na ang panganay namin ni Lukas.
Nang maalala ko ang hudas kumulo ang dugo ko. Siya ang may kasalanan nito, e. Kung bakit kasi pumayag akong hindi siya mag-condom! Kinatok ko ang noo. Ang tanga mo talaga, Zyra!
"Zyra, ano ba? Sasabay ka pa ba sa akin?" Bulyaw ni Kuya mula sa labas.
Tumayo na ako mula sa kama at mabilis na naghanap ng maisusuot.
"Saglit lang, Kuya. Five minutes!"
Makaraan ang kalahating oras ay heto na't handang-handa na akong pumasok ng upisina. Paglabas ko ng kuwarto nakahalukipkip na ang Kuya Tarquin ko at ang sama-sama na ng tingin sa akin.
"'Lika na! Male-late na tayo!" sabi ko sabay hila sa kanyang braso. Hindi ko na pinansin ang tiger look niya. Alam ko namang hindi naman niya ako matitiis, e. Kunwari pang galit.
"Tingnan mo nga ang hitsura mo. Papapasukin ka ba niyan sa office n'yo sa get up mong iyan?" puna niya. He looked at me lazily. At napailing-iling siya.
"Maulan. For sure mataas na ang tubig sa labas. Mabuti nang handa sa paglubog. Tsaka bongga naman ang bota ko. Sa Hong Kong mo pa kaya binili ito, di ba?"
"Ewan ko sa iyo, cowgirl! Ang baduy mo!"
Nauna na siya sa akin sa ibaba ng bahay. Matapos makahalik sa pisngi ng mga magulang ko'y dali-dali na rin akong bumaba. Pilit kong pinapasigla ang kilos para hindi ako pagdudahan ni Kuya. Malakas ang radar nito, e. Baka mabasa niya ang pinag-aalala ko't masumbong ako kina Mama't Papa. Pugot-ulo ako kung magkataon.
"Ba't hindi na nagagawi sa bahay ang anak-araw mong nobyo? Nauntog na ba?"
Inasiman ko siya ng mukha at pinagkurus ang mga braso sa dibdib. Dahan-dahang ngumiti si Kuya habang pinapaatras ang sasakyan niya mula sa maliit naming garahe. Bago niya tuluyang nilabas sa bakuran namin ang kotse ginulu-gulo muna niya ang buhok ko. Ngumawa ako agad. Kay tagal-tagal kong inayos ang coiffure ko kanina tapos guguluhin lang ng kumag na ito?
"Nakita ko pala ang kaibigan mo kahapon. Lumabas siya sa klinika ni doktora."
Natigil ako sa pag-aayos-ayos ng buhok. Si Leigh ba?
"Sinong doktora? Iyong doktora mong ubod ng arte?"
Ngumiti uli ang kumag. He looked boyish now. Ang layo sa nakatatakot na hitsura nang lumabas ako ng kuwarto kanina. Hindi na niya sinagot ang tanong ko, pero napaisip ako sa sinabi niya. Ang doktora kasing dini-date niya sa ngayon ay ob-gyne. Ano naman ang ginagawa ni Leigh sa ob----Hala!
Pagdating sa upisina si Leigh agad ang hinanap ko. Gaya ng nakagawian nagbeso-beso kami nang magkita sa hallway papunta sa working area namin. Pasimple kong tiningnan ang balakang niya't puson. Mukha namang flat na flat. Pero bakit siya nagpuntang ob-gyne?
"Ano na naman ang nangyari at iniisnab mo na naman ang text messages ni Lukas sa iyo?"
"Nagsumbong na naman ba sa boyfriend mo?" naiinis kong balik-tanong.
BINABASA MO ANG
WHEN I LOVE (ZYRA'S STORY - COMPLETED)
RomanceNORDIC SERIES #4 (ZYRA CASTILLO'S STORY) Cover from WattpadPabalatPH in collaboration with Wattpad Stars Program PH ********** Chubby at hindi kagandahan. Iyon ang laging pagsasalarawan ng mga kaanak at kaibigan ni Zyra sa kanya. Paano ba naman, min...