Gulat na gulat ako nang makita ko si Leigh sa bungad ng hotel. Ang akala ko kasi'y ako lang ang pinatawag ni Boss. Malinaw kasi ang text niya. May importante raw siyang sasabihin sa akin. Kinabahan ako. Bago ko pa mausisa si Leigh kung ano ang pakay niya sa pagpunta rin doon, dumating si Ysay. Hindi ko na nakontrol ang kyuryusidad.
"Hoy! Ba't kayo narito?" halos ay sabay naming tanong na tatlo sa isa't isa.
"Pinapunta ako rito ni Boss," sagot ni Ysay.
"H-ha? Ikaw rin?" tanong ni Leigh. Napanganga na lang ako. Ibig sabihin ay tatlo nga kaming pinatawag. Iyong tinginan namin sa isa't isa, nakatatakot na. Pareho yata kami ng iniisip. Awtomatikong napahawak-kamay kami. Hindi ko na gusto ang pa-suspense na ito ni Boss. I have a gut-feeling na sisisantehin niya kaming tatlo.
"Gosh. Kinakabahan na ako rito. Huwag namang sabihin ni Boss na magreretiro na siya at ipapaubaya na lahat kay Engineer Perez," sabi ko na lang. Si Engineer Perez ay isa sa mga senior engineers ng upisina at siyang ginagawang kanang-kamay ng bosing namin. Nitong nakaraan ay halos siya ang namumuno sa mga mitings at mga aktibidades ng kompanya dahil lagi na lang nao-ospital ang presidente namin. May alta presyon kasi at ang hilig pa sa mamantikaing pagkain.
Pinagalitan ako ni Leigh dahil sa sinabi ko. Lalo ko raw sila pinapakaba. Nakita kong mas nalungkot si Ysay. Malapit kasi si Engineer Perez kay Architect Ramirez at kamakailan ay napagsabihan pa yata si Ysay dahil sa misunderstanding nila ni Evil Twin. Si Engineer Perez din ang nagsabi sa kaibigan namin na kung hindi raw pananagutan ng ama ng bata ang pinagbubuntis niya'y mainam na mag-resign na lang siya kaysa patalsikin pa ng pamunuan.
Hindi na ako mapakali. Gusto ko mang kontrolin ang nasa loob ko, hindi ko kinaya. Before I knew it, I blurted it out.
"Hindi kaya pinatawag ni Boss ang lahat ng may mabababang rating para sabay na sisantihin?"
"Ano ka ba?" asik ni Leigh sa akin. "Tinatakot mo na naman kami ni Ysay niyan, e."
May lumapit sa aming receptionist at sinabing bukas na ang bulwagan kung saan idadaos ang party ng kompanya namin. Gulat na gulat na naman kami. Lalong nanlaki ang mga mata namin nang makita roon ang iba pang empleyado ng upisina. No'n ko napagtanto na wala iyong kinalaman sa ratings namin. Sinabi ko sa mga kaibigan ko na baka turnover ceremony nga iyon. Tiyak magreretiro na si Boss at ipapasa na kay Engineer Perez ang pamumuno ng construction firm. Inangilan na naman ako ni Leigh pero hinuli niya ang isa kong kamay.Nanlalamig siya. Naghawakan kaming tatlo.
Mayamaya pa, nang nakaupo na lahat ng mga kasamahan namin sa kani-kanilang mesa, biglang nagsidatingan ang mga Norwegian engineers and architects. Lahat sila'y naka-suit. Nagmukha tuloy kaming mga yagit na Pinoy employees. Nang magtama ang paningin namin ni Lukas, kinindatan niya ako. Awtomatikong nagrigodon ang puso ko. Wala na akong pakialam kung para saan ang pagdaraos na iyon. Excited na ako dahil nandoon din si Lukas. Kanina kasi'y pinakaba niya ako nang sabihin niya sa akin na may importante siyang lakad na hindi maaaring kanselahin kung kaya hindi kami puwedeng magkita. Ngayong alam ko na ito lang pala ang sinasabi niyang very important event na dadaluhan, nawala na ang mga agam-agam ko.
Pagpasok ni Engineer Knudsen, Boss Dave, at Engineer Perez nagbulong-bulongan ang mga tao. Excited ang lahat na hindi maintindihan. Kahit hindi namin alam kung para saan ang pagtitipong iyon, natuwa na rin kami. Paano kasi'y nalalanghap na namin ang bango ng padating na pagkain.
Unang nagsalita si Boss. Binati nito ang lahat at nagbigay-hudyat siya para magsipasukan na ang mga matitikas na waiter para magdala ng inumin. Hindi ako maka-concentrate sa mga nangyayari sa paligid dahil panay ang kindat sa akin ng damuhong Lukas. Ilang beses na akong nasiko ni Leigh. Tigil-tigilan ko raw ang paghagikhik na parang timang. Mayamaya'y si Ysay naman ang pinagsasabihan niya kasabay ng tawa. Paano kasi'y para rin silang mga high school sweethearts ni Engineer Knudsen na panay ang palitan ng nakaw na tingin.
BINABASA MO ANG
WHEN I LOVE (ZYRA'S STORY - COMPLETED)
RomanceNORDIC SERIES #4 (ZYRA CASTILLO'S STORY) Cover from WattpadPabalatPH in collaboration with Wattpad Stars Program PH ********** Chubby at hindi kagandahan. Iyon ang laging pagsasalarawan ng mga kaanak at kaibigan ni Zyra sa kanya. Paano ba naman, min...