CHAPTER TWENTY-THREE

12.3K 441 26
                                    

Nang umiyak na ako, napabuntong-hininga ang mga kuya ko at kapwa napatalikod sa akin. Nagbulungan ang dalawa at tila nagtalo pa. Mayamaya'y hinarap na naman nila ako at sa mahinang tinig ay pilit na pinaamin kung may nangyari na nga sa amin ni Lukas. Lalo akong napahagulgol. Nainis si Mama sa akin. Parang gusto na niya akong kutusan. Do'n na napagitna sa kanila si Papa. Sinaway silang lahat at pinapasok na ako sa kuwarto ko. Kailangan daw nilang makausap si Lukas ng lalaki sa lalaki. Nilingon ko ang kumag. Napalunok ito nang ilang beses. Pilit ko sanang hinuhuli ang kanyang tingin para ma-warningan na kahit ano'ng mangyari ay huwag siyang umamin na may nangyari na nga sa amin dahil tiyak na maghahalo ang balat sa tinalupan, pero ang gunggong ni hindi man lang sumusulyap sa akin. All eyes siya kina kuya at papa. Hindi na ako nakatiis. Sinipa ko nang bahagya ang isa niyang paa. Saka lang siya napatingin sa akin nang nagtatanong ang mga mata.

"Go to your room!" singhal agad sa akin ni Kuya Tarquin. Hindi ko na tuloy nagawa ang plano ko. Tumakbo na lang ako sa kuwarto pero ang isip ko'y nasa kay Lukas.

Bahagya ko lang pininid ang pintuan para mapakinggan ang usapan sa labas. Hindi pa ako naka-limang minuto sa kuwarto narinig kong nagtaas ng boses si Kuya Tarquin. Sinundan ito ng malakas ding boses ni Kuya Marvin. Napahawak ako sa dibdib. Shit! Binisto ako ng damuho! Natatakot na tuloy ako kung ano ang gagawin nila sa akin pagkatapos nilang makausap si Lukas.

Mayamaya nang kaunti, wala na akong narinig sa labas. Nilakihan ko ang siwang ng pintuan. Nandoon pa rin naman silang lahat maliban kay Mama, pero halos nagbubulungan na lamang ang mga ito. Nalito ako. What's going on?

Nang makita kong tumayo na si Kuya Tarquin, dahan-dahan kong pininid ang pintuan at dumapa sa kama. Nagkunwari akong umiiyak pa rin. I heard the door clicked. Tingin ko may pumasok. Lalo kong binaon ang unan sa kama. Ayaw kong harapin ang sino man sa mga kapatid ko.

"Hey," masuyong bulong sa akin ng pamilyar na tinig. Hinaplos-haplos pa niya ang buhok ko. Napabalikwas ako agad.

"Lukas?! Ano ka ba? Ba't ka pumasok? Papatayin ka ng mga kuya ko!"

Tumawa siya. "It's all right. I've explained everything to them already." Hinagkan niya ang tungki ng ilong ko. Bababa na sana ang mga labi niya sa mga labi ko nang tinulak ko siya. Umupo ako nang matuwid at pinaningkitan ko siya ng mga mata.

"Did you tell them the truth?" tanong ko sa mahinang tinig. Takot na takot na marinig ng kung sino man sa labas.

Ngumiti si Lukas. Hindi agad sumagot. Nainis ako sa patumpik-tumpik niya.

"C'mon! What?"

"Yeah," sabi niya sa mahinang tinig at biglang nagseryoso ang mukha.

"Why did you tell them?!"

"Because it's the truth. I promised to be honest with you from now on. I want to be the same with them. No more secrets."

"Hindi ka ba nag-iisip? D'you know the implication of your confession to them?"

Tumangu-tango siya at ginagap pa ang isa kong palad.

"I'm ready," sabi niya sabay halik sa isa kong palad.

**********

"Leigh!" Tili ko nang makita siya sa corridor ng gusali ng kompanya. Lumingon lang siya at kumaway. Wala ang maharot ding bati. Ano ang nangyayari sa babaeng ito?

"Mukhang parang Biyernes Santo lagi ang pagmumukha mo this past few days. Ano? Hindi ka ba natawagan ni Nikolai?" nakangisi kong pang-aasar.

Bigla ang pagguhit ng pait sa mukha niya. Napakagat-labi ako. Shit! I hit the nail on the head!

WHEN I LOVE (ZYRA'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon