A/N: Pasensya na kung it took me a century bago ma-update ito. Busy lang talaga sa work.
**********
Nawili kami ni Leigh sa mga sarili naming love affair kung kaya hindi namin agad napansin na kakaiba ang tinginan nila Ysay at Engineer Knudsen. Habang pinagmamasdan ko sila ngayong nag-uusap sa hindi kalayuan, mayroon akong napagtanto. Tingin ko hindi lang katulad ng sa amin ni Lukas o ni Leigh at Nikolai ang namamagitan sa kanilang dalawa. Palagay ko mas higit pa roon. Magkakilala na kaya sila noon pa? Ang alam ko nagtrabaho si Ysay noon sa Oslo. Maaari kayang magnobyo na sila dati pa na nagkahiwalay lang kung kaya naisipan ni Ysay na bumalik na lang sa Pilipinas? Pwede!
"O, ano'ng atin? Ba't mukhang umilaw ang utak mo?" nakangising bati sa akin ni Leigh habang pinapatong ang isang makapal na folder sa desk niya.
Inakbayan ko siya at inginuso sina Ysay at Engineer Knudsen na nag-uusap sa labas lang ng conference room. Pinangunutan ako ng noo ni Leigh.
"Hindi mo ba nakikita ang nakikita ko?" pabulong kong tanong.
"Siyempre, nakikita. Ano naman ang bago kina Ysay at Engineer Knudsen? Lagi naman silang nag-uusap kapag nagkita sila rito."
"Tumigil ka na. Huwag ka nang magmaang-maangan pa. Alam ko na marami kang alam sa kanila. Mas close kaya kayong dalawa ni Ysay."
Nagtaas ng kilay si Leigh. "Maraming alam as in---?"
"Alam mo na dati silang may relasyon, ano?"
Lalong nangunot ang noo ni Leigh. Napasulyap siya sa akin bago napatingin muli kina Ysay at Engineer Knudsen.
"Oo nga, ano? Posible. Ba't hindi ko agad naisip iyon?" sagot niya makaraan ang ilang sandali na para bang sa sarili lang nakikipag-usap. Ikinuwento na nito ang mga napansin niyang interactions ng dalawa sa upisina ni Boss Dave. May kakaiba nga raw. Tapos madalas pa silang nag-uusap sa Norwegian, lalo na kapag may mga tao sa paligid. Malamang daw na magkakilala na sila noon pa.
"As in walang sinabi sa iyo si Ysay kung mag-ano talaga sila dati?"Ayaw ko pa ring maniwala. Madalas kasing nauutusan ni Boss Dave sina Ysay at Leigh to do some things together kaya naisip kong may mga kinuwento na sila sa isa't isa na hindi nila sini-share sa akin.
"Wala nga! Ang kulit! Ba't naman napakaimportante sa iyo kung mapatunayan mo ngang dati na silang magkakilala at naging magkasintahan pa?"
"Siyempre! Gusto kong magtanong kay Ysay how is it like to have a Norwegian boyfriend!"
Napangisi nang malawak si Leigh.
"Hindi pa ba sapat ang experience mo with Lukas? Kailangan mo pang magtanong sa iba?"
Bigla kong naalala ang nasagot kong tawag sa telepono niya noong isang araw. Malakas ang kutob kong international call iyon. At malamang mula sa dad niya.
"Tingin mo racist ang mga Norwegian?" bigla na lang ay natanong ko kay Leigh. Kapwa na kami nakaupo sa harap ng mga mesa namin no'n.
"Ba't mo naman naitanong?"
"Wala lang. Curious. Ikaw ba hindi naku-curious tungkol diyan? Hindi mo ba naiisip na ano kaya kung magkatuluyan kayo ni Nikolai at dalhin ka niya sa bansa nila?"
Tila nag-isip si Leigh at mayamaya'y napangiti ito.
"Tingin ko, hindi. I mean they're not racist. Kasi kung racist sila e di hindi sana nila tayo pinatulan, di ba?"
"Si Lukas at Nikolai, oo. Maging si Engineer Knudsen din siguro. Pero ang ibang kalahi nila? Ang pamilya nila?" At kinuwento ko kay Leigh ang tungkol sa phone call. Iniurong niya palapit sa akin ang upuan niya't pinisil ang aking balikat.
BINABASA MO ANG
WHEN I LOVE (ZYRA'S STORY - COMPLETED)
RomantizmNORDIC SERIES #4 (ZYRA CASTILLO'S STORY) Cover from WattpadPabalatPH in collaboration with Wattpad Stars Program PH ********** Chubby at hindi kagandahan. Iyon ang laging pagsasalarawan ng mga kaanak at kaibigan ni Zyra sa kanya. Paano ba naman, min...