Chapter 2
Sooyoung's POV
"Oh kung sino man unang tapatan ng bote siya unang magpapakilala ah." Sabi ni Suho at sinimulan niya ng ikutin yung bote. Bigla naman ako napaisip, ano kayang sasabihin ko dito sa mga to? Eh, sabi kasi nila maayos na description daw at allowed ang mga nakakakilala sayo magsalita.
"Baekhyun!!" Sabi ni Suho at lahat sila'y napasigaw. Nang tumayo si Baekhyun, para akong biglang napaisip, bakit parang wala akong matandaan masyado sa pagkakaibigan namin?
"Annyeong haseyo! I'm Byun Baekhyun of E.X.O! Madaldal na talaga ako simula ng bata pa--" Bigla siyang na-interrupt.
"May nagdi-disagree ba?" Biglang sigaw yung lalaking unang yumakap sakin kanina.
"WALA!" Sigaw nilang lahat pati yung dalawang babae na kasama namin ni Min-Ah. Nagtaka naman ako, kasi bakit lahat sila sumagot? Kilala na ba nilang lahat si Baekhyun?
"Min Ah. Anong pangalan niya?" Tinanong ko si Min Ah kung anong pangalan nung lalaking yumakap sa akin kanina.
"Chen ata? Di ko sure, pero magpapakilala naman sila isa-isa." Sabi sakin ni Min-Ah at bumalik na ulit ang atensyon niya kay Baekhyun na ngayon ay nagsasalita na ulit.
"Oo na! Hindi ko na nga pinagkakaila diba? Ehem, at tska syempre, gwapo! Childhood friend ko si Suho at si Sooj-young!" Sabi niya at ako napaisip na naman kasi muntik niya akong matawag na Soo-jin. Bakit ba nila ako natatawag na Soo-jin? May kamukha ba ako na ang pangalan ay Soo-jin? Kailangan kong malaman kung sino man yung Soo-jin na tinutukoy nila.
"Okay, next." Sabi ni Suho at pina-ikot niya na ulit yung bote.
"Jiyoon!" Turo ni Suho dun sa babaeng katabi ni Min Ah.
"Naglolokohan lang tayo dito Suho! Kilala na natin ang isa't isa. Bakit hindi nalang tayo magpakilala ng deretsahan kila Sooyoung?" Sabi ni Ji-yoon na ikinagulat ko kasi ang bilis niya mag salita at ang astig niyang kumilos. Para siyang lalaki na may magandang mukha, sexy na katawan at maiksing buhok.
"Huh?" Sabi ko sakanya.
"Hi! I'm Jiyoon." Sabi niya.
"Sohyun." Sabi naman nung matangkad na babaeng katabi niya.
"Lahat kami magkakaklase simula pa noong high school kami sa Korea. Nag-decide lang kami na bumalik dito sa Pinas, kasi maganda ang school na 'to." Pagpapaliwanag sa akin ni Jiyoon, pagtapos ay ngumiti siya sakin pati kay Min Ah.
"Ohhh, nice to meet you." Sabi ko sa kay Jiyoon at Sohyun. Naalala ko bigla yung iniisip ko kanina! Kaya pala alam nilang madaldal si Baekhyun kasi magkakakilala na sila noong High School palang. Nang umupo na ulit sila Jiyoon at Sohyun tsaka naman nagsipagtayuan ang mga lalaki. Saan pupunta 'tong mga 'to?
"We are EXO!" Bigla silang sumigaw lahat at nag-bow ng sabay-sabay. Nakapila sila ng maayos sa harap nami. Magpapakila siguro sila sa amin ng isa-isa. Pero sino daw sila? EXO? Anong pangalan 'yun? Bakit sila may pangalan na ganun?
"EXO?" Tanong ko.
"Ah, pangalan na ng grupo namin simula ng magkasama-sama kaming lahat." Sabi ni Suho.
"Xiumin ang pangalan ko, ako ang pinakamatanda sa grupo pero onting taong agwat lang naman. Mahilig ako sa steamed buns!" Sabi ni Xiumin. Napatingin ako sa mga pisngi niya, ang taba kasi para ngang steamed buns! Hindi mataba ang pangangatawan niya, sadyang pisngi niya lang yung mataba.
![](https://img.wattpad.com/cover/15033804-288-k341339.jpg)
BINABASA MO ANG
Inlove with a Wolf?! (EXO FANFIC)
FanfictionNainlove ka na ba? Sa tamang oras pero sa maling tao? Kahit na alam mong hindi siya para sayo, ano ang gagawin mo? Ipaglalaban mo ba siya, kahit may malaman ka ding kakaiba sakanya? Ipaglalaban mo ba siya hanggang dulo?