Chapter 27: She's Sooyoung, not Soojin (part 2)
I dedicate this chapter to ShikShin01! ♥
Suho's POV
Nandito ako ngayon, naghihintay sa labas ng ICU. Kasama ang buong EXO, nalaman kasi namin agad ang nangyari kay Soojin.
"Sehun, calm down." Sabi ni Kris kay Sehun.
"Kung kayo kaya niyo, pwes! Ako hindi. Tsaka bakit ba kayo nandito? Maayos na ba yung grupo ha?" Sabi ni Sehun in his most serious tone at ang tingin niya sa M ay kala mo papatayin niya na lahat.
"Wag kang bastos! Kasi lahat naman tayo nababahala sa nangyari-"
"Luhan, tama na!" Sigaw ko kay Luhan at hindi ko na siya pinatapos. Nakatingin ng masama sakin lahat.
"Napaka-selfish mo, Suho." Sabi sakin ni Xiumin.
"Hindi ako selfish! Gusto ko lang maayos ang grupo natin. Ayaw niyo bang mag-ayos tayo pagkagising ni Soojin?" Sabi ko sakanila.
"Gusto syempre." Sabi ni Baekhyun.
"Oh yun naman pala eh, pwede bang limutin na natin lahat ng alitan at intindihin nalang natin ang pamilya ni Soojin ngayon?" Sabi ko sakanilang lahat.
Pero walang kumikibo...
"Pwede ba?" Sigaw ko sakanila.
"Sorry pre." Sabi ni Kris. Buti nalang at siya nag simula.
Maya-maya onti yumakap nadin yung iba at napag pasyahan namin na hindi naman na namin kailangan mag hiwalay dahil iisang tropa kami at wala na dapat makakapaghiwalay pa samin.
"Sehun? Luhan?!" Sigaw ko sakanila.
"Bakit?" Sabi ni Sehun.
"Hindi ba kayo magbabati?" Tanong ko sakanilang dalawa. "Ang tataas naman ng mga pride ninyo!" Sabi ko sakanila.
"Sorry. Ayan na? Okay na?" Sabi ni Sehun, pero masama padin ang tingin niya kay Luhan.
"Sa totoo lang, 70-30 na ang lagay ni Soojin. 30% para mabuhay siya. Kung mabubuhay siya, syempre gusto niya magkabati kayo. Pero kung hindi niya na talaga kakayanin, ayaw niyo bang matahimik ang kaluluwa niya dahil sa inyong dalawa?" Paliwanag ko sakanila at sa lahat.
"Huy? Ano na?" Sigaw ni Chen sakanilang dalawa.
"Ayaw." Sabi ni Luhan.
"Ayaw mo naman pala eh. Ano pang hinihintay niyo? Pasko? Bati na!" Sabi ni Chanyeol sakanila.
Nagyakapan na silang dalawa at nag sorry na sa isa't isa. Hindi ko na alam gagawin ko, baka panandalian lang tong bati na to, dahil baka mag away ulit sila pag tuluyan ng nawala si Soojin...
Maya-maya, lumabas na yung doctor with a sad face.
"Mr. Kim Joon Myeon?" Tanong nung doctor.
"Ako po yun." Sabi ko sa doctor.
"Come with me." Sabi sakin ng doctor kaya sumunod ako. Pumunta kami sa loob ng ICU at nakita ko...
nakabalot na ang katawan ni Tito, pero si Soojin...
She survived.
"You might want to read this." Sabi ng doctor sakin at iniabot ang isang papel na may mga dugo.
"Okay." Sinabi ko at pinaupo ako ng doctor.
Joonmyeon,
Sorry I have to be formal. But I want you to take care of my daughter. I've foreseen this day and I knew that this would happen, I couldn't stop it. If I will try to, mas worse ang kakalabasan. I better sacrifice myself and my wife said so, than to sacrifice our daughter.
I knew that she would survive but she won't be able to remember everything. Wag mo ng ipaalala sakanya lahat, and if I say lahat, LAHAT LAHAT, including Sehun.
Sorry I have to be harsh, but I have to do this. I've talked to Sammy, and he will be the new father of Soojin. He will explain to you everything...
One more thing, I hope that you won't tell this to anyone, especially, EXO. Only you and sammy will know about this, Promise?
Lalo na ang sooner transformation ni Soojin into a wolf, wala munang magsasabi, until she reach the right age. Basta always look after her, okay?
Sorry for giving you a hard task Joon myeon, but I will thank you forever, even in after life.
Sincerely speaking,
Tito Samuel,
Soojin's Dad.
P.S: She is now, Sooyoung.
To be clear, Tito Samuel is a pure blood wolf at namana talaga ni Soojin yun. Tinawag din ako ni Tito ng Joon myeon, so lahat ng nakasulat dito, seryoso...
Napatingin ako kay Doc, "My bestest wish to you, I hope you can do the task well. He trusts you so much..." Sabi ng Doc.
"Thank you din po for trusting me" Sabi ko sa Doctor at napangiti siya sakin.
"Everybody knows that the whole Choi family died, but Soojin survived, but she is now Sooyoung. So wala ng nakakaalam. Only you, me and sammy." Sabi sakin ng Doctor. Oo nga pala, walang makakaalam ng LAHAT LAHAT.
"Okay po." Sabi ko.
"Oh and she will wake up in one or one and a half month, because she's in comma right now." Nagulat ako sa sinabi ng Doctor, hindi ko alam na comma si Sooji- Sooyoung, pero I can bare this, I will take care of her...
1 month after~
"Hello pre? Mamaya ka na nga tumawag, sinabing nasa ospital pa ko, naaksidente yung family friend namin diba? Pupunta pa din ako dyan, mamaya, hahabol ako." Sabi ko kay Chanyeol sa phone. Ang kulit kasi nila, pinapasunod na agad ako sa dorm, nandun daw kasi silang lahat, maglalaro ng Poker!
Mga walang magawa sa buha-
"Ahhh-"
Nakatingin ako sa bintana pero napalingon agad ako kay Sooyoung, nakarinig kasi ako ng boses ng babae.
Minumulto na ba ako?
"Ahh- ah-" Gumagalaw na si Sooyoung.
Pinindot ko agad yung button para tawagin yung mga nurse at doctor.
"Sooyoung?"
Biglang dumilat ang mga mata niya at parang litong-lito. Napatingin siya sakin.
"Si- si- sino k- ka?"
"Wag ka muna magsalita, pagod ka pa." Tumitingin talaga siya sakin na sobrang taka at gusto niyang malaman kung sino talaga ako.
"Ako si Suho, btw. Welcome back, Sooyoung."
~~~~~~~~~~~~
UD ulit! Sorry di nakapag post kagabi, nawalan ng net eh! Hehehe. Anyways, sana nagustuhan niyo tong chapter ;)
Awoot! Pasulyap ulit sa nangyari sa nakaraan ;) Medyo malinaw na ba ang ibang pangyayari? :)
Enjoy reading!
Btw, nabalitaan niyo ba na nagcomment na si Sooyoung sa current issue ng GG? yung pag-alis ni Jess. Grabe, ang tapang talaga ni Soo. :) Sana bumalik si jess :( isa kasi siya sa bias ko eh. Haaayyy.
![](https://img.wattpad.com/cover/15033804-288-k341339.jpg)
BINABASA MO ANG
Inlove with a Wolf?! (EXO FANFIC)
FanfictionNainlove ka na ba? Sa tamang oras pero sa maling tao? Kahit na alam mong hindi siya para sayo, ano ang gagawin mo? Ipaglalaban mo ba siya, kahit may malaman ka ding kakaiba sakanya? Ipaglalaban mo ba siya hanggang dulo?