PROLOGUE

9.8K 218 1
                                    

Eva's POV

"Siguradong magugustuhan mo dito anak." Sambit ni mama. Napatingin ako sa bintana sa side ko. Mukha nga magugustuhan ko dito. Tahimik kasi at mas masarap ang simoy ng hangin dahil sa maraming puno sa paligid.

Napangiti ako nang makita kong pa-simpleng hinawakan ni daddy ang kamay ni mama habang ang isang kamay nito ay nasa manibela..

While dad was driving, I was just looking through the window while listening to some music from my phone. I never felt so relaxed. It really gave me the feeling that this the right place where I truly belong and not in Italy. Its not that I don't like being in Italy. Italy will always be my first home pero alam ko kasi sa sarili ko na hindi ko nakikita yung sarili ko na mag-settle doon. That's why I decided to talk to my parents about me wanting to transfer here in The Philippines and they totally supported me with my decision.. I really am so greatful to my parents because I get to be open to talk with them about something and they get to listen to anything to what I gotta say. Atsaka kahit alam kong lagi silang busy sa kakasikaso ng mga negosyo ng pamilya namin ay nagagawa pa din nila na maglaan ng oras para sakin.

After few minutes, we've finally arrived at the new school I'll be transferring.

Not bad. This university is kinda similar from my old school in Italy. "Good afternoon, Mr. and Mrs. White. Welcome to West Stone University." The lady said as they greeted each other. She must be the Director. "I'm Mrs. Arya Jones. The director of this university." Yeah. My guess was right.

"Good afternoon, Mrs. Jones, this is my daughter, Scarllet Eva White." Mom said. I kindly smiled at her and didn't think twice to greet and accept her handshake.

"Please have a seat."

Tinuro niya yung sofa sa gilid namin at doon kami pinaupo. Kinalabit ako ni mommy at nang lumingon ako ay inilapit niya ang kanyang mukha sa kaliwang tenga ko.

"You can head outside and explore your new school. Me and your dad can handle this."

Buti nalang talaga kilalang kilala ako ni mama kaya alam niya na mabobored lang ako dito sa office habang pinaguusapan ang mga bagay na hindi ko naman masyadong maintindihan. Naexplain naman na sakin through email lahat ng kailangan kong malaman about sa mga magiging klase ko.

I made sure to excuse myself first before heading out of the office. The campus seems to have lesser students around this time. They're probably in class.

Wow. Hindi ko inaasahan na ganito kaganda ang University na ito. Nakakasilaw ang kintab ng tiles sa hallway. Yung uniform ng mga students hindi siya kagaya ng mga uniform sa ibang school. Parang school uniform siya gaya sa mga foreign countries. Malalaki din ang mga lockers at hindi padlock ang ginagamit doon kundi digital na deadbolt lock.

I decided na bumili na din ng gagamitin kong uniform since nandito naman na ko. Nakailang tanong na ko sa mga nakakasalubong ko na professors at staffs para alamin kung nasaan yung room dito na pwede pagbilhan ng school uniform. Muntik pa ko maligaw dahil sa laki ng school na 'to. Jusko, hindi pala 'to kasing laki ng school na pinapasukan ko noon sa Italy. Five times ang laki nitong West Stone University kesa sa dati kong school.

After few minutues nahanap ko na yung room dito kung saan yung mga uniform nila dito. Finally! Bumili muna ako ng tatlong pair ng skirt, blouse at necktie tapos dalawang pair ng jogging pants at tshirt. Meron din daw swimsuit dahil required daw ito kapag nagkaroon ng klase sa swimming kaya bumili din ako nun ng dalawang pair para sure. Saka na ko bibili ulit ng uniform kapag alam kong kukulangin. Isa isa niya nilagay sa paperbag yung mga binili kong uniform tapos tinuro niya sakin na lumipat sa may cashier para doon daw ako magbayad. Sumunod agad ako.

Naeexcite na tuloy ako pumasok. A fresh new start on a new school! Excited na ko maging independent dahil bukas lilipat ko sa tutuluyan kong dorm. Sa pagkakaalam ko may ka-roommate ako. Sana mabait siya para magkasundo kami. Ang panget naman kung titira kami sa iisang bubong tapos hindi kami okay diba?

Napadaan ako saglit sa gym area at nakita ko na may mga cheerleader doon sa may gilid na nagpapractice. Yung mga varsity ng kalalakihan sa basketball naman ay naglalaro. May isa doon na napatingin sakin at kumaway pa. Tumingin ako sa paligid ko kung ako ba talaga yung kinakawayan niya. Ako nga yung kinakawayan niya. Pilit akong ngumiti at umalis nalang. Sunod naman akong pumunta sa cafeteria.

Woah. Cafeteria ba talaga 'to? Bakit napakalaki? This is definitely a school for privilege students. Ang daming options ng pagkain na pwede pagpilian. From what it looks, they're all definitely made fresh which are rare in schools. Bumili ako lang ako ng tubig tsaka naghanap ng pwesto pero medyo nailang ako nang sakin bumaling ang tingin ng iilang estudyante dito kaya umalis agad ako doon.

Saan kaya ako pwede pumunta at tumambay muna kahit saglit? Sa library kaya? Hinanap ko yung sign ng library nila dito. Buti nalang madali lang mahanap kaya nakarating agad ako doon. As expected pati ang library ay napakalawak. Sa 2nd floor ako pumunta dahil mas konti ang mga tao doon. Oh my! Meron din sila dito ng isa sa mga favorite kong book! Pwede naman siguro umupo sa sahig dito diba? Wala namang tao e kaya pwede na yan. Saglit lang naman ako dito.

Kinuha ko ulit yung cellphone ko at earphone sa bulsa bago ako magbasa. Now this is what I like. Listening to some music while reading feels great!

Pagkalipas ng kalahating oras, nakatanggap na ko ng text message mula kay mommy.

Mommy:

We're almost done. You can head back now here.

Sinara ko ang librong hawak ko bago ako tumayo at ibalik sa shelves ang ginamit ko. Napapatingin na din sakin yung ibang mga estudyante habang naglalakad pabalik sa hallway pero hindi ko nalang sila pinansin. Papasok na sana ako nang Director's Office nang maagaw ng pansin ko ang dalawang lalaki at isang babae na magkausap sa tabi ng mga lockers.

Nang mapatingin sakin yung isang lalaki deretso sa mga mata ko, hindi ko mapaliwanag ang pakiramdam na dumaloy sa katawan ko. Is it just me or may kakaiba talaga sa kanya?

The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon