Tumunog na ang bell at tapos na ang klase. Nakatanggap din ako kanina ng text mula kay Chase. Magkita daw kami sa parking lot. Kanina pa siguro natapos ang klase niya o hindi na naman siya pumasok.
Kaya ito naglalakad na ko papunta doon. Agad din naman nahagip ng paningin ko ang tatlong magpipinsan na nakasandal sa tabi ng mga kotse nila.
Nang makita ako ni Chase agad niyang tinapon ang stick nang sigarilyo na hawak niya at naglakad palapit sakin para salubungin ako ni Chase ng yakap at nang isang matamis na halik sa labi. "What took you so long? I missed you." Bulong niya.
Mahina ko nga siyang hinampas sa braso. Namiss daw. Eh kanina magkasama pa kami.
Ngumiti lang sakin si Lucas at ganun din si Bestie tapos kumaway din siya. Naramdaman kong hinawakan ako ni Chase sa bewang at inalalay ako patungo sa kotse niya. Kagaya ng lagi niyang ginagawa, siya na ulit ang nagkakabit ng seatbelt ko tapos lilipat na siya sa tabi ko.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.
Hinawakan niya muna yung kamay ko at hinalikan iyon. "Sa mansyon kung saan tayo pumunta noon. Gusto ka kasi makita ulit nila mom at dad. Sinabi ko kasi sa kanila na girlfriend na kita."
Agad akong nakaramdam nang excitement at tuwa. Namimiss ko na din sila eh. Nakabalik na pala ulit sila mom at dad.
Habang nasa byahe kaming dalawa. Nakikita ko sa rear mirror niya at side mirror yung kotse nila Lucas at Laura sa likod. Pinahiram sakin ni Chase yung cellphone niya upang tawagan yung dalawa para sabihan na dadaan muna kami sa McDo para mag-order nang pagkain sa drive thru. Ginugutom kasi ako.
Nauna kami na dumaan sa drive thru para mag-order atsaka sumunod yung dalawa sa likod namin dahil sinabi ni Chase na sagot niya daw yung bayad. Hinayaan ko na din siya na mag-order nang pagkain ko.
"Ba't ang dami nito?" Tanong ko nang ibigay niya sakin yung tatlong paperbag na malaki. May tatlong burger doon, dalawang large fries ganon din sa soda, dalawang Oreo McFlurry tapos meron pang one piece chicken na may kanin.
"You need to eat. Hindi ka pa kumakain mula kanina. Kahit nung lunch wala."
"Pero ang dami nito. Bahala ka dyan, susubuan din kita. Hati tayo dito."
"Alright. I love you."
Napalabi ako sa kanya. "I love you too. Ang dami talaga nito." Nang tumigil kami sa tapat nang traffic light bigla siyang lumapit tapos siniil ako nang halik sa labi.
Kanina nagrereklamo ako na madami itong mga pagkain na binili niya kaya maghahati kami dito pero sa bandang huli halos ako pa din pala ang nakaubos. Tinatawan niya tuloy ako. Wala e, nagutom din talaga ako kaya naubos ko talaga lahat. Maliban sa soda kasi masyadong mabigat sa tiyan.
Inayos ko agad yung mga basura ng pinagkainan ko. Isa-isa ko iyon pinaglalagay sa loob ng mga paperbag tapos maayos kong nilagay sa gilid nang paanan ko. Itatapon ko nalang agad 'tong mga basura kapag nakarating na kami sa kanila.
Pagkalipas nang ilang minuto, na inip na ko sa kakakalikot sa cellphone ko at kakatingin sa social media ko kaya nakaramdam ako nang antok. Hinayaan naman ako ni Chase at sinabi na ibaba ang likod ng upuan ko para makatulog ako nang maayos.
Chase's POV
I parked my car in front of our home. I smiled as I looked at my girlfriend sleeping comfortably on the passenger's seat beside me.
I felt my heart pounding again as I caress her beautiful face. I can't explain the feeling how f*cking happy I am when she told me that she loves me too. That night was the best night of my life. Para akong nananaginip sa mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
The Demon
Mystery / Thriller[ROSS SERIES #1] Si Scarllet Eva White, ay isang bagong Transferee sa West Stone University, kung saan makikilala niya ang tatlong magpipinsan na sina Laura Ross, Lucas Ross, at si Christian Chase Ross. Sa unang pagkikita pa lamang ay may maramdaman...