Buong gabi kong kasama si Chase kagabi. Wala naman nangyare sa amin at sobrang na-appreciate ko kung paano ako nirespeto ni Chase. Kung ibang lalaki lang si Chase tapos ganon din na kaming dalawa lang sa kwarto, may chance talaga na baka pilitin pa ko makipagtalik. Pero siya? Hindi talaga. Pinaramdam niya sakin na wala akong dapat ipagalala.
Nagusap lang kami tapos nanood ng movie sa laptop ko habang magkayakap kaming dalawa. Napansin ko din yung pagiging maingat niya sakin kasi hindi pa nga totally okay ang katawan ko. Hindi siya umalis sa tabi ko hangga't hindi pa ako nakakatulog.
Ang bilis noh? Hindi ko inakala na aabot kami sa ganito na mahuhulog kami sa isa't isa.
Napatingin ako sa pintuan ng may biglang kumatok. Syempre si Bestie lang naman yun.
"Ready ka na?" Tanong niya kaya nakangiti akong tumango sa kanya. "Tara na."
Kinuha ko lang yung bag ko at sabay kaming dalawa na bumaba sa parking lot. Mamaya pa ang klase namin. Vacant kami nang 3hrs pero maaga pa din ako umalis. Napagdesisyunan ko kasi na magpasama kay Laura na magpa-checkup sa family doctor nila. Hindi ko nga lang natanong kung demonyo din ba iyon o hindi.
Nagulat kaming dalawa nang makita namin na may isang magarang familar na sasakyan ang nakaparada sa tabi ng kotse ni Bestie. Nakangisi ang lalaki nang mahuli niya ang tingin ko sa kanya habang casual siyang nakasandal sa kotse niya
Sino ang lalaking iyon? Syempre, walang iba kundi ang nagiisang gwapo kong boyfriend kong na si Chase!
"Good morning, ladies." Bati niya samin tapos pasimple siyang kumindat sakin.
Kumunot ang noo ni Bestie sa pagtataka. "Oh? Bakit nandito ka?"
"Sinusundo kayo."
Nakita ko naman na tinaasan siya ng kilay ni Laura tapos nagkabit-balikat. "Sinusundo kami o sinusundo si Eva?""You already know the answer to that." Nakangising sagot niya.
"Mga galawan mo talaga, Chase."
Iba yung kotse na dala niya ngayon kaya talagang makakasabay sa amin si Laura. Pinagbuksan muna ako ni Chase ng pintuan sa passenger's seat bago siya lumipat papunta sa driver's seat. Binuhay niya muna ang manika ng sasakyan atsaka pinaandar ito.
"Dumaan muna tayo sa ospital, Chase."
"Hospital? Why? What's wrong with you?"
"Hindi ako. Si Bestie. Kailangan niya magpa-checkup. Baka kasi mamaya may fractures na pala siya."
Tinignan niya ko na may pagaalala. "Does it got worst?"
"Hindi naman. Medyo sumakit lang lalo yung ilang parte sa katawan ko kanina pagkagising ko." Sagot ko sa kanya.
"Why didn't you tell me?"
"Kanina ko nga lang nalaman pagkagising ko."
Narinig namin siyang napabuntong hininga at ibinalik ang tingin sa daan.
"At bakit mo naman naisipan na sunduin kami?" Mataray na tanong ni Bestie ulit habang ang dalawang kamay niya ay nasa magkabilang bewang niya.
"Actually, si Scarllet lang naman talaga ang balak kong sunduin eh. But I didn't know that you're coming along with her so, sabi ko i-sasabay na din kita."
Nakita kong umangat ang kilay ni Bestie sa rear mirror. "Anong sabi mo? Bakit si Bestie lang ang balak mong sunduin at hindi ako?" Pagkatapos lumipat ang tingin niya sakin. "Bestie, mayroon ka bang hindi sinasabi sakin?"
BINABASA MO ANG
The Demon
Mystery / Thriller[ROSS SERIES #1] Si Scarllet Eva White, ay isang bagong Transferee sa West Stone University, kung saan makikilala niya ang tatlong magpipinsan na sina Laura Ross, Lucas Ross, at si Christian Chase Ross. Sa unang pagkikita pa lamang ay may maramdaman...