CHAPTER 23

2.5K 63 0
                                    

Parang ang layo ng tinakbo ko sa sobrang bigat ng pakiramdam ko. Aray ko! Ang sakit ng buong katawan ko. Mula sa mga braso ko hanggang sa mga binti ko. Lalo na yung female part ko! Napakagat labi ako nang maalala ko na inabot na kami ng umaga nang matapos kami.

Grabe. Talagang hindi nauubusan ng energy si Christian kagabi. Nahirapan ako tumayo dahil masakit talaga nga yung 'ano' ko kaya mabagal akong naglakad para pulutin isa isa yung mga damit ko na nagkalat sa sahig.

Ay! Hindi ko na nga pala magagamit 'to dahil pinagpupunit ni Christian sa sobrang pagkasabik. Lalo na yung blouse ko na nagkalat na din sa sahig yung mga butones.

Nagigil talaga siya sakin.

Hindi ko alam kung bakit pero napangiti nalang ako nang makita ko na may mantsa ng dugo sa bed sheets. He took almost everything from me and I didn't regret giving it to him.

Hiniram ko muna yung puting polo shirt ni Christian at kumuha ako ng boxers niya sa closet na nandito. Nagmukha lang shorts sa akin yung boxers niya. Sakto naman bumukas ang pinto pagkatapos kong magbihis.

"Good afternoon, babe." Masayang bati niya sa akin at hinalikan agad ako sa noo tapos sunod sa labi.

Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Afternoon? Anong oras na ba? Hala! 3:27pm na?

"You look sexy on my shirt." He said while grinning.

Napaiwas tingin ako nang mapansin kong nakatakip lang siya ng towel sa ibabang bahagi niya lang at walang pangitaas kaya kitang kita ko ang abs niyang mapangakit. Narinig ko siyang tumawa.

"Don't tell me that you're still shy seeing me like this? Eh kagabi nakita mo naman na 'tong katawan ko pati na rin yung—"

"Hep hep! Stop it, wag mo na itutuloy." At muli na naman siyang tumawa ng malakas. Sabay kaming nag-toothbrush dito sa bathroom tapos nauna siyang lumabas para magsuot nang boxers.

Napansin niya atang nahihirapan akong maglakad kaya nagulat ako nang bigla niya akong buhatin sa mga bisig niya hanggang sa makababa kami. Hinila niya muna yung high stool sa may kusina at doon ako pinaupo.

"What do you want to eat?"

"Anything will do."

"Okay. Wait here. I'll make you something."

Nanatili lang ako dito at pinagmamasdan siya na magluto. Nakasandal sa palad ko ang mukha ko at ina-admire lamang ang kagwapuhan ng boyfriend ko. What did I do to deserve a man like him? Sasabog na yata ang puso ko sa sobrang saya sa mga nangyayari.

He's my first in everything. First love, first boyfriend, first heartache. Literally everything. Lahat nalang nang bagong experience siya lamang ang dahilan.

"How are you feeling?" Tanong niya habang sinusubuan ako.

"Feeling sore at medyo mabigat lang yung pakiramdam ko pero okay lang." Sagot ko at muli niya akong sinubuan ng ham. "Anong oras ka nga pala gumising?"

"Hindi ako natulog." Saad niya habang hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi niya.

"Hindi ka natulog? Eh anong ginawa mo buong gabi?"

"Making love with you." Malakas ko siyang hinampas sa braso pero parang wala lang sa kanya at ako ata yung nasaktan. Demonyo nga pala itong lalaking 'to kaya hindi nasasaktan kapag hinahampas ko. Loko loko talagang kausap. Tinatanong ko ng maayos e.

"Seryoso kasi babe!" Inis na sabi ko.

"What? I'm saying the truth. We did make love from last night until dawn."

The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon