Ilang oras na nakakalipas at hindi pa rin nagigising si Laura hanggang ngayon. Naoperahan na din siya ng mga demonyo dito na doktor para matanggal yung bala sa katawan niya. Medyo kumalat na kasi sa katawan niya yung chemicals ng Death Bullet kaya nahihirapan na humilom ang sugat niya.
Dito na namin siya dinala sa Underworld. Hindi namin siya pwede dalhin sa ospital dahil magtataka ang mga doktor kung bakit kakaiba yung bala na tumama sa katawan ni Bestie. At kagaya nga ng sabi ko, may mga demonyo naman dito na doktor kaya walang problema.
"Who the hell would do this?!" Galit na tanong ni Lucas.
Kailangan kong malaman kung sino ang may gawa nito. Hindi ko pwedeng palagpasin ang pangyayaring 'to.
"Hindi kaya si Tyler na naman ang may gawa nito?" Singit ni Christian.
Pwede din. Siya lang naman ang alam namin na gustong pumatay sa tatlong 'to. Atsaka siya lang din ang huling nagutos na patayin sila gamit ang Death Bullet. Sabay kaming napatingin nang biglang gumalaw ang kamay ni Laura kaya dali dali ko siyang nilapitan.
"Bestie..?" Nakita na namin na unti unti niya nang minumulat ang mata niya tapos sakin siya unang napatingin.
"Sino... Ka...?" Tanong niya sakin. Halos pabulong niya nalang naisabi ang mga salitang iyon mula sa bibig niya. Nanlaki naman yung mata ng dalawa na nasa likod ko pero ako nakangisi lang.
Ganyan pala gusto mo ah. Kulit mo talaga.
"Ako 'to, Bestie, si Eva. Girlfriend ni Andrei. Ang Bestfriend mo." Pagbibiro ko. Ayun effective, bigla siyang napaupo na para bang wala siyang nararamdaman tapos akmang sasabunutan ako. Buti nalang nakalayo agad ako.
"Anong girlfriend ni Andrei?! Ako lang ang girlfriend ng lalaking yun! Lumapit ka dito, Eva! May fiancé ka na tapos mangaagaw ka pa ng boyfriend ng iba!" Bulyaw niya. Nakakatuwa talagang asarin 'tong babaeng 'to kahit kailan. Ang saya kasing makita na napipikon siya. Ganyan yan e, kapag siya nangasar tuwang tuwa siya. Pero kapag siya ang inasar, mananakit yan.
Pero kung aasarin mo siya, I suggest na lumayo ka ng kahit three meters kundi makakalbo ka sa kanya. Hinila ko yung isang upuan sa gilid para makaupo ako sa tabi niya.
"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong ni Lucas sa kanya.
"Okay lang naman. Kaso bakit ang hapdi ng sugat ko?"
"Death Bullet nga kasi ang tumama sayo." Paliwanag ko sa kanya. Tinulungan ko naman siya para makaupo ng maayos. Inangat ko yung unan para magsilbing sandalan niya sa likod niya. Pinaghandaan ko din siya ng pagkain kasi nagrereklamo siya na gutom na daw.
Lagi naman gutom e.
"Pwede mo bang ipaliwanag sakin yung nangyari kanina?" Tanong ko sa kanya habang kumakain siya.
Tumango siya sakin tapos huminga muna siya nang malalim. "Napadaan lang ako sa gym tapos si Lucas nagpaalam sakin na may pupuntahan lang daw saglit. So, habang naghihintay ako sa kanya, biglang may tatlong babaeng dumating sa gym. Lahat sila may baril. Sa tingin palang nila, alam ko na ako ang target nila kaya mabilis ko din silang nalabanan. Napatay ko yung isa, pero pinaputukan pa rin ako ng mga kasama niya."
Tatlong babae? Walang mga tauhan si Tyler na babae. At sigurado ako doon dahil nakita ko na silang lahat. Puro sila lalaki. Mga mortal na tao pa. Ilan lang siguro yung mga demonyo. Wala pa nga yata sa lima yung demonyo na tauhan niya.
Walang pasabi kong hinawakan ang kamay ni Bestie kaya medyo nabigla din siya sa ginawa ko. Mariin akong napapikit nang makita ko ang nakaraan niya.
BINABASA MO ANG
The Demon
غموض / إثارة[ROSS SERIES #1] Si Scarllet Eva White, ay isang bagong Transferee sa West Stone University, kung saan makikilala niya ang tatlong magpipinsan na sina Laura Ross, Lucas Ross, at si Christian Chase Ross. Sa unang pagkikita pa lamang ay may maramdaman...