CHAPTER 44

1.9K 47 3
                                    

"Honey, finally you're back!" Bungad sakin ni Tyler nang makababa ako mula sa kwarto ko.

Wala na kong nagawa nang lapitan niya ko tapos sabay halik sa labi ko. Paano siya nakapasok dito sa bahay? Eh kabilin bilinan ko sa mga katulong na wag magpapapasok ng kahit sinong bisita dahil gusto ko magpahinga. Tss!

"Paano ka nakapasok?"

"From the backward." Sabay turo niya sa likod. Anak n ! Dapat pala dinagdagdagan ko pa lalo yung security dito sa bahay.

"So. how's Italy?" Tanong niya sakin nang hilahin niya ko papunta sa sala.

"It was fine." Maikling tanong ko. Since wala akong gana na kausapin siya, naisipan ko nalang na buksan yung TV para 'di siya magmukhang tanga dito sa tabi ko.

"May natagpuan na naman isang bangkay dito sa lumang storage room sa building na ito. Walang makuha na kahit anong epidensya ang mga pulis na naging dahilan ng pagkamatay ng biktima, ngunit napansin nila na parang may kagat ito sa leeg ng biktima at sa ibang parte ng katawan." Sabi ng reporter sa TV.

Yup, looks like nagsimula nang umatake ang mga bampira. Mukhang hinahanda na nila ang mga sarili nila bago sila muling isa isahin ng mga tauhan ko.

"That's just another demon who attacked a human." Napatingin ako kay Tyler nang bigla ulit siyang magsalita. Trying to convince me with that huh?

"Kung demonyo nga ang may gawa nun, sa tingin mo sino kaya?" Nag-shrug lang siya ng shoulders tapos inakbayan niya ko. Ano ba yan, ang bigat bigat ng braso niya tapos ipapatong niya pa sa balikat ko.

Halata naman na bampira ang may kagagawan nun eh, dahil sabi nung reporter na may dalawang butas na kagat yung biktima sa leeg. Wala namang demonyo na ganun umatake sa biktima eh, deretsong sa katawan na kung umaatake sila.

Naramdaman ko na naglakbay ang kamay ni Tyler sa kanang binti ko kasabay nun ang paghalik niya sa leeg ko. Geez! Para akong kinilabutan sa ginagawa niya. Ang kulit niya, ilang beses ko na sinubukang tanggalin yung kamay niya at ilayo siya sakin pero talagang bumabalik pa rin.

Gusto mo pala makipaglaro ah? Sige, pagbibigyan kita.

"Whoa.." Sambit niya ng pumangibabaw ako sa kanya. Ganitong laro pala ang gusto mo, Tyler? Sige ba, basta hahayaan mo kong manalo.

Hinalikan ko siya deretso sa labi niya kaya nang akmang ibabalot niya na sana yung mga braso niya sa bewang ko pero pinigilan ko na siya tapos kinuha ko ang pulso niya at pinatong ko yung magkabilang kamay niya sa tabi ng ulo niya.

Maya maya, nagulat ako nang bigla niya akong tinulak ng mahina tapos tumayo siya at inayos yung damit niya.

"I-I gotta go, Hon. N-nakalimutan ko na m-may gagawin pa pala ako." Pagkatapos niyang sabihin yun, mabilis niya lang akong hinalikan sa labi atsaka siya nagmamadaling umalis.

Napangisi nalang ako sa inasal niya. Mukhang may iba pa siyang pinagkakaabalahan ah? Pinagpapawisan kasi siya tapos medyo namumutla pa.

Sa tingin ko, may kinalaman yun sa nangyari ngayon lang. Bigla kasi ako may naamoy na kakaiba sa kanya eh. Di ko ma-describe yung amoy pero familiar siya sa akin.

Ay nako! Bakit kasi 'di ko binasa agad yung iniisip niya bago siya makaalis! Aish! 'Di bale, malalaman ko naman agad yun.

"Ms. White."

Napatingin naman ako sa isa kong katulong nang bigla siya dumating habang hawak hawak niya yung cellphone ko na nagri-ring pa. "Salamat."

Oh, si Bestie lang pala. Ano na naman kaya ?

The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon