CHAPTER 3

4.7K 124 1
                                    

Isa isa ko na ngayong inilalagay sa bag ko yung mga gamit ko dahil kakatapos lang ng pangatlong klase ko kaya lunch break na.Kagaya kanina sa una't pangalawang klase ko medyo nahirapan akong makalabas agad dahil pinagkumpulan ako ng mga kaklase ko. Lalo na yung mga lalaki.

"Hey, Eva.Wanna join us for lunch?" Tanong nung isang lalaki na humarang agad sakin nang akmang tatayo na ko mula sa upuan ko.

"Oo nga, Eva. Sumabay ka na samin please." Singit nung babae sa kaliwang side ko. Hindi ko alam kung paano ko sila tatanggihan. Its not like I don't want to be friends with them or any of my classmates. Syempre gusto ko din sila makasundo lahat pero sobrang naiilang kasi ako sa ginagawa nila na pagkumpol sakin.

Maya maya bigla akong may naramdaman na mabigat na braso ang may umakbay sa balikat ko. "Come on, beautiful. Sakin ka nalang suma-"

"Get your fricking arm off her, you dumbass. Hindi siya sasabay sa inyo dahil sakin siya sasabay. So get out of my way." Natahimik yung mga kaklase kong nakapalibot sakin nang sumulpot si Laura sa harapan ng pinto. Mabilis siya nagmartsa palapit sa pwesto ko at marahan niyang tinanggal ang braso sakin ng kaklase kong lalaki mula sa pagkakaakbay sakin at hinila na ko paalis doon sa silid. Hay salamat.

"Gosh! First day na first day mo palang dito pero grabe kung pagkaguluhan ka agad ng mga tao." Sabi niya nang makarating na kami sa cafeteria at nakahanap kami ng mauupuan dito. Nasa bandang dulo kami nakapwesto at medyo malayo sa ibang tao. Hanggang dito ay pinagtitinginan pa din ako ng mga tao na dumadaan sa table namin. Bahala sila.

"Huh? Paano mo naman nasabi?"

"Duh. Pati sa klase ko pinaguusapan ka ng mga kaklase ko. Ang sabi nila may bagong transferee daw na galing Italy at nagiisang anak daw ng nagmamayari ng multi billion euros na kompanya. At kulay asul daw ang mga mata. Ikaw lang naman yung estudyante dito na may asul na mata eh."

"Malay mo ibang tao pala yun tapos nakacontact lens." After what I said, I saw how she rolled her eyes on me as if I'm that clueless.

Umiling siya. "Ikaw nga yun. Alam nga nila yung tungkol sa negosyo ng pamilya mo e."

Totoo naman yung sinabi ko ah. Malay nga naman baka ibang estudyante pala yung tinutukoy nila diba? Ayoko naman mag assume na porket ganon nga kalaki ang kinikita ng negosyo ng family ko ay ako agad yun.

Pansin ko kanina pa ang panay paglingon nang lingon sa paligid namin si Laura. Sino kaya hinahanap nito?

"Sino hinahanap mo?" Tanong ko.

"Sila Lucas. Tinext ko na sila kanina e para pumunta na sila dito. Nasaan na kaya yung dalawang mokong na yun?"

Ako naman ang tanging iniisip ko ay kung ano masarap na pagkain na pwede bilhin dito? Nung huling punta ko kasi dito nakita ko na madaming pwedeng pagpilian na pagkain. Hindi naman siguro mauubusan agad ng mga pagkain dito kahit gaano pa karami yung estudyante diba? Sana nga hindi. Ang haba kasi ng pila doon sa cashier.

"Teka lang, Laura. Bibili lang ako ng makakain natin. Hintayin mo ko dito."

Tatayo na sana ako mula sa upuan ko para bumili ng pagkain kaso pinigilan niya tapos may tinuro siya. Nang sundan ko ng tingin yun ay nakita ko yung dalawang babae na halatang dito nagtatrabaho sa Cafeteria at may dala dala silang tray ng pagkain.

Eh? Pinagseserve sila ng pagkain dito? Hindi mismo ang estudyante ang lalapit dun para bumili ng lunch?

Cool!

"Pinagse-serve talaga lahat ng estudyante dito? Akala ko ikaw mismo pipila doon para bumili ng pagkain e." Sabi ko pagkatapos ko sumubo ng isang beses ng prime ribs steak. Grabe! Ang sarap naman nito. Dito din kaya niluto 'to o inoder pa sa restaurant?

The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon