CHAPTER 25

2.2K 60 0
                                    

"Easy lang, Bestie. Tignan mo yung dinadaan mo baka madapa ka." Usal ni Laura habang inaalalayan akong bumaba ng hagdan. Ang O.A ng konti ah. Kanina pa yan eh simula nang makalabas kami ng kwarto sa OB. May mga binilin sa akin si doktora tapos binigyan niya din ako ng flyers about sa pregnancy. Tapos binigyan niya din ako ng schedule para sa susunod na check-up.

Meron na din akong unang copy ng ultrasound ko. Pero ngayon, 'di ko hawak iyon kasi tuwang tuwa si Laura. Nakailang take na nga siya ng litrato doon.

Nandito na kami ngayon sa mall kasi may bibilhin kami ni Laura. Sakto, may gusto pa naman ako kainin. Parang gusto ko kasi ng matamis at maalat. Unang pumasok sa isip ko na matamis ay ice cream tapos yung maalat naman ay potato chips na salt flavor.

Normal lang naman na isawsaw ko yung chips sa ice creams diba? 'Di naman yata sasakit tiyan ko don. Nagugutom lang talaga ako.

"Nope. Wag tayo dumaan dyan." Aniya at hinila ako palayo sa section na may iba't ibang colognes.

Oo nga, dapat lang talaga na wag na kami dumaan dun at baka maduwal na naman ako. Nakailang iling ako sa ginagawa ni Bestie. Halos mapuno na niya yung shopping cart dahil sa junk foods. Nakailang suway na din ako pero talagang matigas ang ulo kaya wala na kong nagawa.

"Yan talaga kakainin mo?" Medyo nandidiri na tanong niya. Tinutukoy niya yung pinili kong olives atsaka mustard. Dinagdag ko 'to sa gusto ko kainin mamayang gabi e. Para kasi ang sarap kapag iniisip ko na isawsaw din yung green olives sa mustard sauce.

"Oo. Bakit? Gusto mo din?"

"Hell no. Buntis ka nga talaga, bestie. Jusko, nakakadiri naman yang cravings mo."

Habang nakapila kami sa cash register, pangatlo lang kami pero nakakaramdam na ko nang sobrang pagod. Inaantok na nga din ako e. Pero ang aga pa naman. Wala pa nga yatang ala sais ng hapon. Hindi din naman nagtagal nakapagbayad na kami. Pinapagalitan pa ko ni Laura na wag na daw ako tumulong sa pagtulak ng push cart at mauna nalang ako. Hindi niya din ako hinayaan na tumulong na ilagay sa likod ng kotse niya yung mga pinamili namin.

Naalala ko tuloy yung unang beses na sinamahan ako ni Christian na mamili ng groceries. Ayaw niya din ako hayaan na tumulong sa kanya. Kung kinakailangan na itulak niya ko papasok sa loob ng kotse niya para maghintay gagawin niya talaga para hindi na ko mamilit.

Namimiss ko tuloy bigla yung gwapo kong boyfriend na yun.

Nakailang hikap ako sa byahe hanggang sa nakaidlip ako ng konti. Ginising lang ako ni Laura nang nasa parking lot na kami sa dorm. Ayaw niya talaga pumayag na tulungan siya magbuhat ng mga pinamili e.

"Ang kulit mo, Bestie. Sabing kaya ko nga lahat ng 'to. Duh, imortal ako kaya kahit isang sako pa ng bigas kayang kaya ko. Alam mong buntis ka tapos gusto mo magbuhat."

"Kahit yung magaan lang ibigay mo sakin." Ngunit sinamaan niya lang ako ng tingin. Nakakatakot pala tumingin 'to kapag galit. Kaya ayun, bandang huli hindi na ko namilit at kahit labag sa loob ko hinayaan ko nalang siya na buhatin lahat ng plastic bags tapos ako itong bag naming dalawa lang bitbit ko.

Nakahinga ako ng maluwag nang pagkaupo ko sa sofa. Pinatong niya lang muna yung mga pinamili namin sa lamesa tapos tumabi siya sakin. Hindi ko napigilan na mapahawak sa tiyan ko. Napangiti ako nalang ako ng kusa.

"Hi baby." Sabi ko sa sarili ko.

"Kailan mo balak sasabihin kay Chase na buntis ka?" Tanong niya sakin.

Gusto ko na sabihin kay Christian mamaya pero parang mas maganda siguro kung susupresahin ko siya tungkol dito. Napaisip ako ng konti kung kailan ko pwede isurpresa si Christian.

The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon