CHAPTER 20

2.4K 60 0
                                    

Eva's POV

Magkahawak kamay kaming naglalakad ni Christian dito sa hallway ng school. Hindi namin pinapansin ang bawat taong nasa paligid namin na kung ano-ano yung sinasabi tungkol samin. Lalo na sakin. Sa tagal ko na din dito kaya nasanay nalang ako. Kung noon ay lagi akong naiilang sa atensyon na nakukuha ko pero ngayon ay parang naging normal nalang sa akin.

Nakita ko din na sinasamaan sila ng tingin nila Lucas at Christian pero mas intense yung tingin sa kanila ni Bestie. Natigilan si Christian sa paglalakad nang saktong nasa tapat na kami ng pintuan sa classroom ko.

Sa mga tingin niya sakin ngayon, parang ayaw niya akong papasukin sa loob dahil nandoon na din si Tyler sa tabi ng upuan ko. Nakaupo siya habang nakakabit balikat at ang earphones na nasa magkabilang tenga tapos nakapikit siya.

Subalit naramdaman niya siguro na nakatingin sa kanya si Christian kaya napamulat siya. Gusto kong ipakita kay Tyler na hindi ako natatakot sa kanya pagkatapos ng ginawa niya sakin. At gusto ko naman ipakita kay Christian na hindi kami dapat magpaapektado sa lalaking yan.

"Chase.. Papasukin mo na siya. She'll be fine." Biglang saad ni Lucas. Nabasa niya siguro yung iniisip ko kaya nasabi niya yun. Ngunit hindi kumibo si Christian at nanatiling nakatingin sa pinsan niyang nasa loob ng silid. Humigpit pa lalo ang hawak ko sa kamay niya sanhi para sa akin bumaling ang atensyon niya.

Nagdadalawang isip pa si Christian kung papasukin niya ba ako sa loob o hindi. But I gave him a reassuring smile.

He held both of my hands and looked straight in my both eyes. "Just call me if something happens, okay? Darating agad ako para sayo." After that he kissed my forehead before he lets go of my hand.

Sinusundan ako ng mga tingin nilang tatlo habang papaupo ako sa tabi ni Tyler. Hindi muna sila umalis doon sa labas hanggang sa tumunog ang bell. Halos hilahin pa nila Laura si Christian para umalis sila doon.

"Protective Boyfriend eh?"

Hindi ko siya pinansin at kinuha ko lang yung libro ko at nagsimulang magbasa. Mas mabuti nang wag ko siya pansinin ko kausapin para walang mangyari. Ito lang ang tanging paraan para umiwas ako sa kanya.

"Eva.."

Don't look at him Eva.. Wag kang titingin!

"Eva.."

I still didn't bother to look at him and pretended that I didn't heard anything. Ilang minuto palang ang nakakalipas pero pakiramdam ko ay oras na.

"Kapag hindi mo ako pinansin, mapipilitan akong saktan si Chase."

Kusang bumaling ang tingin ko sa kanya. Pucha1 Lakas nitong mang-blackmail. Alam niya na ayaw kong mangyari iyon kaya yun ang ginamit niya panlaban sa akin.

"Ano bang problema mo?!" Galit na tanong ko. Iniiwasan ko na hindi mapataas ang boses ko dahil sa mga kaklase namin. I don't want to cause a scene here.

"I'm sorry. Hindi ko ginusto yung ginawa ko sayo kahapon. Si Chase dapat yung nasaktan at hindi ikaw." Parang nawala bigla yung galit ko sa tono boses niya. Malumanay ang mga tingin niya sa akin at nakaawang ang bibig sa akin. He's apologizing for what he did?

But is he really being sincere?

"I don't expect you to forgive me. Gusto ko lang talaga mag-sorry sayo. Sayo lang at hindi sa boyfriend mo." Giit niya. pagkatapos nun ay bigla siyang tumayo habang bitbit ang bag niya atsaka lumabas ng classroom. Ilang beses siya sinubukan tawagin ni Professor ngunit wala itong pakielam kahit magmukhang bastos sa lahat.

The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon