CHAPTER 32

2.1K 49 0
                                    

Kinuha ko ang pulang marker at minarkahan ang mukha nung lalaking pinatay ko kahapon. One down, four more to kill.

Kung ako sa inyo, magpakasaya na kayo habang hindi ko pa kayo nahahanap. Dahil, once na nahanap ko na kayo, hinding hindi ko na kayo pagbibigyan mabuhay pa. Kahit anong pagmamakaawa na gawin niyo, maliligo pa din kayo sa sarili niyong dugo.

Nang maka-receive ako ng text mula kay Tyler, bumaba na ako para sabay salubungin siya na kasalukuyan nang naghihintay sa akin. May usapan kasi kami na sabay kami papasok ngayong araw kaya sinusundo niya ko.

Sinalubong niya ako na may ngiti sa kanyang mga labi at nang makalapit ako sa kanya, hinapit niya ako sa bewang at sinandal sa kotse niya atsaka ako hinalikan sa labi.

"Good morning, Hon." He said after I broke the kiss.

"Morning. Looks like you're on a good mood today."

"I'm always on a good mood whenever I get to taste those sweet lips of yours."

Pilit akong ngumiti sa kanya. Pinagbukas niya muna ako ng pinto sa passenger's seat atsaka kami umalis. Naiilang pa din talaga ako sa tuwing nasa binti ko ang kamay niya habang nagmamaneho siya. Gusto kong tanggalin yun pero binabalik niya din.

"Hindi na ba masakit ang ulo mo?" Tanong niya.

"Hindi na. Effective yung binili mong gamot sakin kagabi. Thank you for that." Pagsisinungaling ko. Hindi ko naman talaga ininom yung gamot na binili niya. Tinapon ko lang din naman agad yun.

Wala pa siyang kaalam alam tungkol sa pagiging Diablo ko. Ang alam niya lang ay isa pa rin akong normal na tao. Wala din akong balak na sabihin sa kanya ang totoo. Mas gusto ko na ganon lang ang alam niya kaya iniiwasan ko din na magkamali. Lahat ng ito parte sa plano ko.

Nang makarating na kami sa West Stone University, magkahawak kamay kaming dalawa naglalakad sa hallway. Tumigil kami sa paglalakad nang makasalubong namin sila Laura, Lucas at Chase.

"Hello, my dear cousins." Sabi ni Tyler sa kanila.

"Buhay ka pa pala." Medyo sarcastic na sagot ni Bestie sa kanya.

"Bakit, dapat ba patay na ako sa inyo ngayon? Too bad, I'm still living the best days of my life." Bumaling ang tingin niya kay Chase. Ramdam na ramdam ko ang intense sa mga mata nilang dalawa. Kung nakakamatay lang ang tingin ni Chase ngayon sa kanya, baka kanina pa nakahandusay 'to sa sahig.

"Chase, gusto ko palang ipakilala sayo ang "girlfriend" ko." Diin niya talaga yung salitang 'girlfriend'. Nakita kong napasara ang kamao ni Chase dahil doon. Gusto niya talaga sumabog sa galit si Chase ngayon kaya niya ginagawa 'to.

"Alam ko. Ang girlfriend mo na inagaw mo sakin noon." Pambabara ni Chase. Napangisi ako doon.

Halatang napipikon na si Tyler kaya hinila ko na siya paalis doon. Ngunit nakakailang hakbang palang ako ay may humawak na sa kabilang kamay ko.

"Bitawan mo ang girlfriend ko, Chase." Galit na sabi ni Tyler kay Chase. Hihilahin din sana ako ni Tyler pero hinila din ako ni Chase sa kabilang side.

Jusko! Kailangan ba talaga nila akong hilahin na para akong manika?

Bumitaw ako sa kanilang dalawa at sabay ko silang sinamaan ng tingin. "Ano ba?! Nasasaktan ako sa inyo eh." Well, hindi naman talaga ako nasaktan eh. Pagiinarte ko lang yun. Nakakairita din kasi. Kung pagagawan nila ako akala niyo manika. Parang mga bata.

Tumingin ako kay Tyler. "Mauna ka na. Sasabay na ko kay Chase. Pareho lang naman kami ng klase eh."

"But, Hon—"

The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon