CHAPTER 33

2.1K 64 0
                                    

Eva's POV

Parang kagat lang ng langgam ang pagtama ng mga bala sa likuran ko pagkatapos akong putukan ng ilang beses nung lalaki.

"S-Scarllet.." Nauutal na anas ni Chase nang mapagtanto niya na ako ang sumalo ng mga bala na dapat sa kanya tatama. Nang magkatingin kami mata sa mata, halos malaglag ang panga niya sa gulat nang makita niyang ang pagiba ng kulay ng mata ko.

Puputukan sana ulit ako nung lalaki kasama ng iba niyang kasamahan pero sa bilis ko, gamit ang kapangyarihan ko, tinapat ko ang mga kamay ko sa kanila sabay sabay na pinalutang ko ang mga baril nila sa ere tapos kasabay ng pagsara ng mga palad ko ay halos maging abo nalang lahat iyon. Ngumisi ako sa kanila nang magulat sila sa ginawa ko.

"Ano pa hinihintay niyo?! Patayin niyo na sila!" Sigaw ng isa sa kanila.

Isa-isa na din inatake nang tatlong magpipinsan ang mga lalaking tumatakbo palapit sa amin. Their knives and pistols are useless to me. Those can't never be compared to my powers.

Dalawang lalaki ang lumapit sa akin habang hawak ang patalim nila. Kahit anong subok nila na saksakin ako ay nakakailag lang ako. Hinawakan ko ang kamay niya at pinulupot iyon sanhi para mabitwan ang hawak niyang patalim. Bago pa mahulog sa lupa iyon ay nasalo ko na at sinaksak agad siya sa leeg.

Sunod naman ay sinaksak ko sa binti ang kasama niya tapos lumipat ako sa likuran niya. Binalot ko ang mga braso ko sa leeg niya at pinaikot iyon.

Just within few more seconds, all of them were laying on the ground and dead. Except for the last guy who is seems to be their leader. His face is pale as a corpse, I can see how frightened he is as I walk closer to him.

I grabbed his neck tight.

"Sino ang nagutos sa inyo na sundan sila dito?" Yung tatlong magpipinsan ang tinutukoy ko dahil alam kong hindi ako ang pakay ng mga 'to. Kaso mukhang walang balak magsalita nito. Gusto niya din talaga na pahirapan pa ang sarili niya.

Walang alinlangan kong sinaksak sa binti niya ang kutsilyo na nakita ko gilid. Sumigaw siya sa sakit.

"Sino ang nagutos?"

"S-Si T-Tyler Ross. Ang b-boyfriend m-mo."

Malakas ko siyang hinagis sa harapan ng tatlong magpipinsan. Sinubukan niyang tumakas sakin pero hindi ko siya hinayaan na makagalaw dahil sa kapangyarihan ko. Nakangisi lang ako nang magsisigaw muli siya dinudulot kong sakit sa ulo na ginagawa ko sa kanya. Tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo.

"Bestie!" Gulat na sabi ni Laura sakin.

"Sabihin mo sa kanila kung sino ang nagutos sa inyo na sundan sila at ipapatay!" Sigaw ko.

Inaabangan nila ang sasabihin ng lalake na hawak ko. "Si T-Tyler. Siya ang n-nagutos s-sa amin na sundan sila at p-patayin kayo."

"Sabi na nga ba eh!" Napatayo pa si Lucas habang nagagalit.

"Salamat sa impormasyon. Pero hindi na kita hahayaan na mabuhay pa." Pagkatapos kong sabihin yun, binalibag ko siya sa sahig at nang pumaibabaw ako sa kanya nagulat sila Chase nang kinain ko ng buhay ang lalake sa harapan nila.

"AHHH !!" Sigaw ng lalake habang marahas siyang kinakagat sa bandang leeg niya. Sa talas ng mga kuko ko, malakas kong binaon ang kamay ko sa dibdib niya para kunin ang kanyang puso. Pati ang puso niya kinain ko.

The heart was always the best part.

Nang matapos na ko. I deeply inhale as I let the fresh blood flow though my throat. Umalis na ko sa ibabaw ng lalake. Punong puno na naman dugo ang damit ko pati na din ang mukha ko. Pinahid ko ang mukha ko gamit ang likod ng kaliwang palag ko. Naglakad ako papunta sa lawa para maghilamos ng mukha.

The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon