"Congratulations sa atin, Bestie! Grabe, ang ganda ng speech mo." Sigaw ni Bestie nang matapos na ang ceremony namin. Nagyakapan kaming dalawa ng sobrang higpit na akala mo 'di kami nagkita ng ilang taon.
"Taray Bestie, Suma Cumlaude ngayong taon." Dugtong niya.
Mahina naman akong napatawa. "At Magna Cumlaude ka naman." Nagtawanan kaming dalawa tapos sabay apear. Friendship Goals talaga kami ni Laura. Hindi lang kami parehong biniyayaan ng kagandahan, pareho pa kaming biniyayaan ng talino.
Maiyak iyak kaming nilapitan ng mga magulang namin. Napatingin ako sa likod nila dahil may kasama din silang dalawang magasawa. Alam kong magasawa yun dahil magkahawak kamay sila. Pero kung huhulaan niyo yung edad nila, I think nasa mid 30s lang sila tignan.
Sino sila? Siguro isa sa mga kaibigan nila mommy o ka-business partner.
"Mommy! Daddy! I'm so happy at nakarating kayo!" Wait.. Tama ba yung narinig ko? Tinawag na mommy at daddy ni Bestie yung isang magasawa?! Then ibig sabihin nun mga Ross din sila? O my God!
Alangan, Eva, duh. Sure ka bang Suma Cumlaude ka? Jusko! Nababaliw na ata ako mga bes.
Yung isa pang magasawa ay magulang pala ni Lucas. Nagulat din ako dahil may nakakatanda pala siyang kapatid na babae. Napakaganda ng kapatid ni Lucas. Noong una ay napagkamalan ko siyang model dahil sa itsura at tangkad nito. Kaloka, ang gaganda at ang gagwapo nila. No wonder kung bakit ang ganda ng lahi nila. May pinagmanahan eh. Atsaka super young looking nilang lahat.
"Congratulations, anak. We are so proud of you. Wala na kaming hihilingin pa ng daddy mo." Umiiyak na sambit ni mommy. Niyakap niya ako ng mahigpit at ganun din si daddy. Masaya din ako dahil napasaya ko sila. Masaya din ako At nakita nila lahat ng efforts ko para lang maabot itong simpleng pangarap ko para sa kanila. Iba kasi yung feeling kapag proud sayo yung magulang mo.
Isang kamay ang naramdaman kong dumapo sa gilid ng bewang ko. Napangiti ako nang tumingala ako ng konti para harapin siya. Isang halik sa noo at labi ang natanggap ko mula sa kanya. Oh God ! Feeling ko pinagpapawisan na ko sa kahihiyan. He kissed me in front of my family and his family.
"I'm so proud of you, baby." Sabi niya tapos sabay siniil ulit ako ng halik. Aba nakakarami na siya ah. Inaabuso masyado ang kissable lips ko.
"Chase, hijo, congratulations din sayo. Mas lalong gumwapo ang pamangkin ko ah." Papuri sa kanya ng ina ni Bestie. Nang bumaling sakin ang tingin niya ay agad siyang napangiti.
"Mind to introduce us to this lovely lady, hijo?"
Malawak na ngumiti si Christian sa kanya at marahan akong hinarap sa kanila na 'di nawawala ang kamay niya sa bewang ko. "Tita, tito. I want you to meet, Scarllet Eva White. my soon to be my wife."
Namangha ang babae sa sinabi ni Christian. "Oh wow! I didn't know you're already engaged. Congratulations to both of you. I'm so happy for you, Chase. Kailan ang kasal niyo?"
"We're still planning on it po, tita. Hopefully by this year ay ikasal na po kami." Magalang kong sagot sa kanya.
Nang dumating naman yung asawa niya at si Bestie. Bigla naman may binulong si Bestie sa kanila dahilan para lumaki ang mata nila sa gulat. Ano na naman ang sinabi niya? Wag naman sana kung anong kalokohan yan Bestie. Masisira ang First impression ko sa lovely parents mo.
"Oh my goodness. I should've knowm. My apologies, I didn't know that you're... Diablo.." Pabulong nalang niya naisabi yung huling salita.
"It's okay po, tita. No need to be too formal po. Magiging iisang pamilya din naman po tayo."
BINABASA MO ANG
The Demon
Mystery / Thriller[ROSS SERIES #1] Si Scarllet Eva White, ay isang bagong Transferee sa West Stone University, kung saan makikilala niya ang tatlong magpipinsan na sina Laura Ross, Lucas Ross, at si Christian Chase Ross. Sa unang pagkikita pa lamang ay may maramdaman...