CHAPTER 12

3.2K 97 2
                                    

Chase's POV

She's smiling sweetly at me while she's holding the energy drink in front of me. I blinked my eyes a couple of times just in case I am just dreaming about her. She's wearing her uniform. I can't see her bandages or her arms because of her blazer but I can still see the band aids on her hands.

She is actually standing in front of me. She is real.

"Hi, Chase.." She said and sat beside me. Inabot niya sakin ang dala niyang energy drink at muling ngumiti sakin. "Oh, bakit ganyan ka makatingin? May dumi ba yung mukha ko?"

Hinawakan ko ang maganda niyang mukha para makasigurado kung totoong nasa harapan ko siya. Pero tinawanan niya lang ko. "Para kang sira, Chase. Hindi ka makapaniwala na nandito ako 'no? Totoo ako baliw." Natatawang tanong niya at sinubukan pa ko kurutin sa tagiliran.

"Hindi ka natatakot sakin?" Iyon ang unang lumabas sa bibig ko. Napalabi ako ng tawanan niya na naman ako.

"Ako? Matatakot sayo? Bakit dahil dun sa nakita ko?" Tumingin siya sa mga mata ko. Her expressions suddenly becomes serious. "Hindi ako natatakot sayo or kahit sino sa inyong tatlo. Sa totoo nga lang, mas natakot pa nga ako dun sa lalaking muntik nang manggahasa sakin. Dapat nga pasalamatan pa kita eh dahil niligtas mo ko. Paano kung hindi ka dumating diba? Edi malamang wala ako dito sa harapan mo ngayon at panigurado habang buhay na kong kinakain nang trauma ko."

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi siya natatakot sakin? Does that mean...

"I'm not scared after what you've done and from what I've saw. Oo, nagulat lang talaga ako sa nangyari pero maniwala ka, hindi ako nakaramdam ng kahit anong takot nung nakita kitang ganun." Paliwanag niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya nang mahigpit. Naramdaman ko naman na gumanti siya sa yakap ko.

"Thank you... Thank you for understanding.. and for coming back" Bulong ko sa kanya.

I can feel my heart pounding so hard and I'm sure she can feel it too because I am holding her close. Way too close. But I don't care.

I missed her. I didn't know that I've missed her this much just the past three days.

"Chase ito na yu— B-bestie?" Nauutal na sabi ni Laura nang makabalik sila ni Lucas. May dala silang pagkain.

Kumawala sakin ng yakap si Eva at sinamaan ng tingin si Laura kaya medyo namutla siya.

"Hoy Laura! You've got a lot of things to explain!" Sigaw niya tapos sakin naman lumipat ang masamang tingin niya.

What did I do? Akala ko ba okay na kami?

"Pati ikaw Chase at Lucas. Akala niyo makakatakas kayo sakin?!"

Whoo... Seems like we've got alot of explaining to do.


Eva's POV

Nagising ako na medyo nakakaramdam pa din ng sakit sa may sikmura ko. Pangatlong araw na ito simula nang mangyari ang insidente na iyon. Tatlong araw na kong nagkukulong dito sa dorm at hindi pumapasok. Tinatawagan na ulit ako ni mommy pero hindi ko sinabi sa kanya yung nangyari.

Panigurado kasi kapag sinabi ko yung nangyari magaalala talaga iyon sakin lalo na si daddy. At kapag nangyari yun ay baka agad-agad nila akong sunduin dito pauwiin pa ko pabalik sa Italy.

Nadismaya ako nang makitang wala manlang nagbago sa living room ng dorm ko. Malinis pa din ang buong living room at ganon din ang kitchen. Ganon din sa kwarto ni Laura. Hindi siya umuuwi dito simula noon. Basta nagising nalang ako sa kwarto ko tapos may mga bandages na yung kamay ko at ginamot na din yung iilang sugat ko sa braso.

The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon