Napakamot nalang ako ng ulo sa pinaggagawa ni mommy sa maleta ko. Halos hindi na nga maisara yung zipper dahil sa dami ng nilagay niya doon na mga gamit.Punong puno kasi. Bago kami umuwi kanina dumaan muna kami sa mall para bumili ng iilang gamit na kailagan ko. Pero ito naman si mommy mukhang napasobra ang bili. Eh wala naman ako magawa kasi sinubukan ko din siya pigilan kanina pero ayaw talaga magpaawat e.
Naiintindihan ko kung bakit ganon nalang si mommy. Ito kasi ang unang beses na iiwan nila ako. Well naiiwan din naman ako sa Italy but I'm not totally alone in our home because we've got plenty of guards and maids to look after me. Eh dito, literal na magisa ako. Walang katulong. Walang bodyguards, or personal driver.
"Ito anak, wag mong kakalimutan na ipahid ito sa balat mo bago matulog ha? Para hindi ka kagatin ng mga lamok doon.Tapos itong skincare products na bigay ng tita mo."
"Hon, hayaan mo na yung anak natin. She probably knows what to do." Paninigurado ni daddy sa kanya.
Napabuntong hininga si mommy sa sinabi ni daddy. Tinanggal niya yung ibang gamit na nilagay niya doon sa loob ng maleta ko tapos isa isa niyang pinatong sa kama ko "Okay fine.Just call me downstairs if you need anything." Tapos ngumiti ako sakanya.
"Opo, mommy. Thank you po ulit."
"You're welcome, baby."
Jusko dito pa sa kwarto ko hinalikan ni papa si mama sa labi. Hello andito po ako.
Pagkatapos namin puntahan kanina yung bagong school na lilipatan ko, napagdesisyunan ko na magdorm nalang imbes na magstay sa isang malaking apartment para daw may magbabantay at magaasikaso sakin na mga katulong at taga hatid na driver. Ayaw sana nila mommy kasi baka daw di ako maging komportable tapos baka rin daw magulo yung makakasama ko.
Eh ang katuwiran ko naman kaysa naman na magisa lang ako sa apartment na balak nilang bilhin para sakin. Mas okay na yung magdorm nalang ako at may kasama pa ako. Atsaka sinabi ko din sa kanila na marunong ako sa mga gawaing bahay kaya hindi nila kailangan magalala. So that's how I got to convince them.
Napatingin ulit ako sa mga gamit na pinatong ni mommy sa kama ko. May iilan ako na kinuha doon tapos yung iba maayos kong pinatong sa lamesa. Nakaramdam tuloy ako ng lungkot nang mapatitig ako sa family picture namin. Sobrang mamimiss ko sila mommy at daddy. Mamimiss ko yung feeling na ginigising ako ni mommy tuwing umaga. Focus, Eva. Baka mamaya nyan umatras ka na.
Imbes na magpakain ako sa lungkot dito sa kwarto nagpasya na ko na bumaba nang makaramdam ako ng gutom dahil amoy na amoy ko na mula dito sa kwarto ko yung niluluto na pagkain sa baba.Tinulungan ko si mommy na ayusin yung lamesa at maglagay ng mga plato at utensils.
"Where's dad?" I asked mom.
"He's in his office. May tumawag na investor e. Palabasin na din yun dahil sinabihan ko na kakain na tayo."
Sunod kong pinatong sa lamesa yung mga ulam na niluto ni mommy. Sakto din yung pagbalik ni daddy kaya sabay sabay na kami kumain.
Natatawa nalang kami ni papa habang kumakain dahil di na magalaw galaw ni mommy yung pagkain niya sa kakabilin sakin. Wag daw kalimutan yung ganito, ganyan. Wag magpapalipas ng gutom, wag na lalabas kapag gabi, etc. Ako naman tango lang nang tango sa kanya.
Tumulong ulit ako kay mommy na magligpit ng mga pinagkainan namin. Si daddy naman nagpaalam agad na babalik sa opisina niya dahil may mga kailangan daw siyang asikasuhin na trabaho. Gusto ko sana na ako nalang maghugas ng mga plato pero ayaw ni mommy. Punasan ko nalang daw yung lamesa at umakyat na daw ako sa kwarto ko dahil maaga pa ako bukas. So, ayun nalang ginawa ko.
BINABASA MO ANG
The Demon
Mystery / Thriller[ROSS SERIES #1] Si Scarllet Eva White, ay isang bagong Transferee sa West Stone University, kung saan makikilala niya ang tatlong magpipinsan na sina Laura Ross, Lucas Ross, at si Christian Chase Ross. Sa unang pagkikita pa lamang ay may maramdaman...