Bumangon akong nakasuot lang ng brassiere at underwear lang. Sinilip ko si Tyler sa likod ko na kasalukuyang natutulog pa sa kama. Pinulot ko yung mga damit ko sa sahig at mabilis na nagbihis. Bago ako umalis doon, nagiwan muna ako ng sticky note sa lamesa.
Binati muna ako ng katulong niya at inalok ako ng makakain pero tumanggi ako. Nakiusap nalang ako na sabihin nalang kay Tyler na umalis na ko.
Pinaandar ko ang kotse ko atsaka ako nag-drive patungo sa bahay. Kailangan kong magpalit ng damit. Sa bahay ni Tyler ako natulog kagabi dahil sa kagustuhan niya. Ayoko na din makipagtalo kay Tyler kaya pinagbigyan ko na.
Hindi naman gaano kalayo ang bahay ko mula sa bahay ni Tyler. Mga isang oras lang ang byahe. Pagdating ko doon, sinalubong ako ng ilan sa mga kasambahay ko. Isa isa nila akong binati at ganun din ako.
Wala akong balak na magtagal dito sa bahay dahil may kailangan pa akong puntahan. Maliligo lang ako at magpapalit ng damit atsaka ako aalis ulit.
Saktong pagkalabas ko mula sa bathroom ay tumunog ang cellphone kong nakapatong sa side table ng kama ko. Si Tyler yung tumatawag.
"Hello, Hon."
["Good morning, Honey. Bakit 'di mo ko ginising bago ka umalis?"] I rolled my eyes when he tried to sound sad.
"Ang himbing kasi ng tulog mo kaya di na kita ginising pa."
["Oh okay. Are you gonna do something today ?"] Tanong niya.
Niloud speaker ko muna yung phone ko para habang kausap ko siya ay nakakapagbihis din ako. Pumili lang ako ng kahit anong pantalon na makita ko at itim na t-shirt. Tapos nagsuot na din ako ng hikaw sa magkabilang tenga ko.
"Wala naman. Makikipagkita lang siguro ako sa kaibigan ko sa mall. Ikaw?"
["May kailangan lang akong gawin mamaya. I'll call you when I get back."]
"Sige. Bye."
Napasilip ako sa bintana ko. Napangisi ako ng may nakita akong isang lalaki na nagtatago 'di kalayuan sa bahay ko. May patago tago pang nalalaman. Akala mo 'di ko makikita.
["I love you, Hon."]
"Love you too." Nang ibaba ko na yung tawag nilagay ko agad sa bulsa ko yung cellphone ko atsaka ako muling bumaba. Yumuko ang mga tauhan ko ng lumabas ako ng bahay. Pinagbuksan muna ako ng isa sa kanila ng pinto sa kotse ko. Nakita ko sa rear mirror ko na pumasok sa loob ng kotse yung lalaki.
Akala ko magisa lang siya pero nagkamali ako. Parang tatlo silang nasa loob ng kotse e dahil naamoy ko sila mula dito. Pinaandar ko yung kotse ko paalis sa bahay ko at nagsimula na magmaneho paikot muna dito.
Tama nga ako, sinusundan ako ng mga 'to. Gusto niyo magpagtripan ah? Sige pagbibigyan ko kayo. Madali lang naman akong kausap. Mas binilisan ko ang takbo ng kotse ko at nakikita ko na nakakahabol pa din sila sa likod ko. Alright, keep on going.
Hinayaan ko silang sundan nila ako. Naalala ko na may malapit na abandonadong warehouse dito. Kaya doon ako pumunta. Saktong sarado ang harapan at tanging sa likod ka lang makakadaan.
Sumilip muna ulit ako sa rear mirror bago ako bumaba. Mabuti madilim ang loob ng warehouse dahil walang ilaw tanging ilaw lang na meron dito ay ang mula sa liwanag ng araw mula sa iisang malaking salamin sa itaas ng bubong.
This is gonna be fun.
"Nasaan na siya?!" Tanong nung isa. May bitbit silang malaking baril at may nakadikit din doon na maliit na flashlight.
BINABASA MO ANG
The Demon
Mystery / Thriller[ROSS SERIES #1] Si Scarllet Eva White, ay isang bagong Transferee sa West Stone University, kung saan makikilala niya ang tatlong magpipinsan na sina Laura Ross, Lucas Ross, at si Christian Chase Ross. Sa unang pagkikita pa lamang ay may maramdaman...