Lucas's POV
It's already around 7pm and everyone is already in their rooms upstairs. Since I wasn't feeling tired yet because it's too damn early, I decided to go downstairs to find myself a drink at the kitchen. I almost cursed in shocked when I saw Eva standing beside the counter after I turned the lights on.
"What the hell, Eva?! Bakit nandyan ka?" I asked.
"Same as you. 'Di din ako makatulog eh." Anas niya at muling ininom ang isang basong tubig na hawak niya.
Napansin ko na parang natulala siya na parang ba may malalim na iniisip kaya 'di ko rin napigilan ang sarili ko na subukan basahin ang iniisip niya. Akala ko mababasa ko na yung iniisip niya pero wala pa din akong makita. It's totally blank.
Narinig ko siyang mahina na tumawa kaya bumaling ang tingin ko sa kanya. "Bakit kasi pinipilit mong basahin ang iniisip ko, kung pwede mo naman akong tanungin."
She got a point. Bakit nga ba 'di nalang ako nagtanong.
Sumandal ako sa pader malapit sa refrigerator pagkatapos kong kumuha ng bote ng beer at nagkabit balikat ako.
"Fine. So, what's wrong? Mukhang malalim ang iniisip mo."
I heard her took a deep breath as she close her eyes. "Pinuntahan ko si Bianca kanina kasama ang mga tauhan ko. I was supposed to kill her until I found out that she's pregnant."
'Di na ko nagulat dun. Dahil nung huling beses namin siyang nakita nalaman ko din na buntis nga siya.
"She's pregnant with her boyfriend's child." Alam ko din yun. I guess si Chase at Laura lang ang hindi nakakaalam tungkol doon.
Tumalikod siya sakin dahilan para makita ko muli ang tattoo sa likuran niya. Nakasando lang kasi siya kaya kitang kita ko yung malaking tattoo niya doon.
She is Diablo, indeed.
"Malapit na ang birthday ni Christian." She said.
"Yeah, you got any plans for him?"
She smirked causing for me to feel a little excited. Eversince she changed, I started to feel excited whenever she shows that kind of smirk because I am sure something good is gonna happen.
"Balak kong isama kayong tatlo sa Italy." Sagot niya tapos nilagpasan niya na ko.
"Huh? Bakit sa Italy pa kung pwede naman—" Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil pagtalikod ko para harapin siya ay wala na siya dun. Napakamot ulo nalang ako sa ginawa niya pagiwan sakin dito. Bastos nito, kitang kinakausap ko pa basta basta nalang mawawala. Porket mas malakas siya sakin pwede niya gawin yun.
Wala naman akong magagawa dito at 'di din naman ako natutulog. Makalabas nga muna at makahanap nang mabiktima. Natatakam na naman ako sa dugo e. Who the hell are these people standing in front of our house? Or demons rather.
Bumaling ang tingin nila sakin nang mahagip nila ako. Kumunot ang noo ko nang yumuko sila sakin.
Balak ko sanang magtanong pero nakita ko yung tattoo nila. Yung isa nasa bandang leeg, tapos yung isa sa braso, at sa pulso. Katulad na katulad nila yung tattoo ni Eva. Mga tauhan niya siguro 'tong mga 'to.
Sumakay ako sa kotse ko at nagdi-drive nalang ako kung saan saan para makahanap ng mabibiktima. Pero wala akong makita na kahit sinong babae na magisa lang na naglalakad dito.
Then, maybe I should just head into some club or bar.
Napadaan ako sa tapat ng isang eskinita at nakita ko na may isang babae na nakasuot ng uniporme ang naglalakad papunta doon. Lalagpasan niya sana yung mga lalaki doon na nagiinom pero huli na dahil hinarangan na siya ng mga 'to.
BINABASA MO ANG
The Demon
Mystery / Thriller[ROSS SERIES #1] Si Scarllet Eva White, ay isang bagong Transferee sa West Stone University, kung saan makikilala niya ang tatlong magpipinsan na sina Laura Ross, Lucas Ross, at si Christian Chase Ross. Sa unang pagkikita pa lamang ay may maramdaman...