Maaga akong nagising para asikasuhin ang mga anak ko. 'Di ko na muna ginising si Christian dahil alam kong ilang oras palang siya nakakatulog. Panay kasi ang iyak ni Hunter kaninang madaling araw kaya nagigising siya para buhatin si Hunter.
Aba! Gising na pala anag prinsesa namin. Akala ko pa naman tulog pa siya dahil 'di siya umiiyak. Agad siyang napangiti nang makita niya ko kaya binuhat ko siya. Pinaghahalik ko siya sa pisngi kaya nagtitili siya sa tawa. Nagpasya ako na bumaba muna kami para hindi magising ang kuya niya at ang tatay niya.
"Good morning, Bestie! Oh goodness! Good morning sa maganda kong pamangkin." Masayang bati niya tapos kinuha niya sakin hinalikan niya si Jade.
"Good morning, Ate Eva." Bati din ni Samantha.
"Good morning din."
Iniwan ko muna sa kanila si Jade dahil narinig ko agad na umiiyak na si Hunter sa taas. Saktong pagbalik ko sa kwarto, nadatnan kong pinapatahan na siya ni Christian sa mga bisig nito.
Nilapitan ko sila at binuhat ko si Hunter. Kaya pala umiiyak eh, puno na yung diaper niya. Naalala ko yung sinabi ni Christian kagabi na gusto niya na turuan ko siya sa pagaalaga ng anak namin.
"Babe." Tawag ko.
"Wanna help me change Hunter's diaper?" Nakangiti pa ko habang tinatanong siya. Hindi naman siya tumanggi at pumayag naman siya kaya dahan-dahan kong pinahiga si Hunter sa kama namin at hinubad ang shorts niya.
Syempre hindi pa ko muna ipapagawa sa kanya 'to. Panunuorin niya muna ako kung pano ko lilinisan si Hunter. Nang matanggal ko na yung diaper, binuhat ko ulit si Hunter papunta sa C.R at doon ko siya nilinisan sa may sink.
Ito talaga yung gustong gusto ni Hunter eh, yung nililinisan siya ng tubig. Lagi kasi siyang tumatawa kapag naramdaman niya na yung tubig sa katawan niya.
Pati kami ni Christian, di na napigilan na tumawa dahil sa anak namin. Pagkatapos ko na siyang linisan bumalik ulit kami sa kwarto at doon ko na tinuruan si Christian kung paano punasan ang katawan ni Hunter. Pati yung pagsuot ng bagong diaper at damit ay tinuro ko na din.
"Nasaan si Jade?" Tanong ni Christian.
"Nasa baba na. Kasama si Bestie at Samantha."
Saktong may kumatok sa pintuan. Sila Bestie at Samantha iyon. buhat-buhat ni Laura si Jade.
"Bestie, may naghahanap sayo sa baba." Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ko nang malaman ko kung sino yung tinutukoy niya pagkatapos kong basahin ang iniisip niya.
Ano na naman ang gusto ng mga yun? Sabi kong wag nila ako susundan hanggang dito sa Italy eh. Tumayo ako atsaka lumabas. Sumunod naman sila Christian sakin pero syempre 'di niya kasama ang mga bata.
Si Samantha lang ang naiwan doon sa loob. Siya na daw kasi muna ang bahala sa mga bata. Ayaw din kasi siya bababain ni Lucas dahil sa pagaalala nito. May punto din si Lucas. Mas mabuti nang 'di siya makita sa baba para hindi siya makilala.
Sabay sabay silang lahat na yumuko para magpakitang galang sakin. Kung noong mga nakaraan na beses na dumating sila dito, tatlong Elders lang lagi pero ngayon lima na sila. At mas maraming tauhan na demonyo mula sa Underworld.
"Anong ginagawa niyo dito? Hindi ba sabi ko sa inyo na hintayin niyo ko sa Pilipinas?! Bakit sinundan niyo pa ko dito?!" Kabwisit ! Balak ba talaga nilang sirain ang araw ko ngayon.
"Paumanhin, Diablo. Ngunit kailangan namin ipaalam sa inyo itong balita. Pinatay na po ni Tyler Ross si Bianca Tiu noong isang gabi. Natagpuan nalang po ang katawan nito sa kwarto niya."
BINABASA MO ANG
The Demon
Mystery / Thriller[ROSS SERIES #1] Si Scarllet Eva White, ay isang bagong Transferee sa West Stone University, kung saan makikilala niya ang tatlong magpipinsan na sina Laura Ross, Lucas Ross, at si Christian Chase Ross. Sa unang pagkikita pa lamang ay may maramdaman...