CHAPTER 18

2.5K 72 0
                                    

"Wake up, sweetie." Aniya ni mommy habang hinahaplos ang buhok ko.

Hinanap agad ng kamay ko ang cellphone ko sa side table ng kama ko. Nasisilaw pa ko sa linawag ng screen nang tignan ko ang oras. "Mom, it's still too early."

"But you promised me yesterday that we're going out today." Nagtatampo siyang saad. Kahit hindi ako nakaharap sa kanya alam kong nakapalabi siya ngayon. Mahina ko siyang tinawanan.

"Okay po, mommy. Babangon na po ako. Hintayin niyo nalang po ako sa baba."

Agad naman napalitan ng ngiti ang mga labi ni mommy. Si mommy talaga, kahit nanay ko siya sa tuwing ganito siya sa akin manlambing para talaga kaming mag-bestfriends. Pinagbigyan ko na siya ngayon na bumangon na agad at makapagayos. Huling bonding na din kasi namin ito ngayon dahil bukas ng umaga ay babalik na siya ng Italy.

"Alright. Ihahanda ko lang yung breakfast namin. Don't take too long, okay? Masama na pinaghihintay ang pagkain."

"Opo, mommy."

Pagkalabas ni mommy, inayos ko agad yung higaan ko. Wala ako sa dorm ngayon dahil nagdesisyon ako na samahan muna si mommy dito sa bahay na kinuha niya nang ilang araw lamang habang nandito siya. Ayaw niya daw kasi magstay sa hotel. Nagsawa na daw kasi siya na kaka-stay sa hotel. Sabagay, isa sa mga negosyo namin ay hotel kaya siguro gusto din ni mommy na subukan din mag-stay sa bahay mismo muna. Hindi gaano kalakihan ang bahay na kinuha niya pero hindi rin siya maliit.

Gustong gusto ko nga itong bahay na kinuha ni mommy dahil simple lang ito tignan. Sa pagkakaalam ko, ito sana yung bahay na kukunin nila para sa akin noon nung pinapapili nila ako between sa apartment or bahay. But, I chose to stay at the dormitories.

Nagtungo agad ako sa cr para maligo nang mabilis. Ayoko magtagal at baka pagalitan ako ni mommy. Ayaw na ayaw kasi niya na pinaghihintay ang pagkain e.

Simpleng rose gold na silk dress ang sinuot ko. Ito kasi yung gustong ipasuot sakin ni mommy ngayon dahil bago lamang ito at pinadala pa mula sa kaibigan niya. Bumagay siya lalo sa suot kong sandals na may konting taas dahil sa heels.

Nagustuhan ko din ito. Kaya naman kinuha ko yung cellphone ko para kuhaan ang sarili ko sa salamin tapos sinend ko iyon kay Christian.

To: Christian,

Whatchu think? Pinadala 'to ng kaibigan ni mommy sa akin kahapon.

after ko i-send ang message sa kanya. Kinuha ko lang yung sling bag ko tapos lumabas na ko ng kwarto ko para puntahan si mommy sa baba.

"You look great, anak. Dapat ko talaga pasalamatan yung kaibigan kong iyon para sa dress na yan. Bagay na bagay sayo."

"Thank you, mommy. Oo nga po e, paki-send na din po sakin yung number niya para makapagpasalamat din po ako personally."

"Sure, sweetie. Let's eat na para maaga tayo makaalis."

Patapos na maghain ng mga pagkain ang mga katulong nang makarating kami ng dining room. Binati ko na din sila ng "good morning" bago sila nagpaalam. Habang kumakain kami ni mommy, biglang lumapit ang assistant ni mommy at inabot ang cellphone nito sa kanya.

"Hi, hon. How's it going there?... Yes, she's here... Okay, wait. Let me open the camera."

Napangiti ako agad nang i-harap sakin ni mommy ang screen at makita ko ang tatay ko doon. Kumaway ako agad sa kanya. I missed my dad so much. Ngayon lang siya nakatawag kasi ilang araw ko na din siya sinusubukan tawagan ngunit ang assistant niya lamang din ang sumasagot lagi at sinasabi sa akin na busy si daddy.

The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon