Eva's POV
Hayyy... Sa wakas! Nakarating na din kami dito sa Italy. Ang tagal din kaya ng byahe namin. Well, hindi naman kami napagod dahil alam niyo na.. Immortal kami. Kaya yung boyfriend ni Bestie na si Andrei, at si Samantha lang yung may jetlag. Halatang halata nga na pagod sila.
Pagbaba namin ng private jet namin, sinalubong kami ng tatlong kotse sa labas. Yung nasa gitna na kotse ay yung itim na limousine at yung nasa harap at likod na kotse ay sasakyan ng mga bodyguards ko.
Ganito ka-protective ang parents ko tuwing uuwi ako dito sa Italy. Minsan nga feeling ko tuloy daig ko pa yung presidente eh.
"Dyan tayo sasakay, Ate Eva?" Hindi makapaniwala si Samantha sa nakikita niya kaya 'di niya din napigilan na magtanong. Nakangiti naman akong tumango sa kanya.
Binati muna kami ng mga bawat isa sa mga bodyguards namin. Ngumiti lang naman ako sa kanila at tumango. Pinagbukasan kami ng pinto ng isa sa kanila at pinauna kong pinapasok sa loob sila Bestie. Katabi ko si Christian sa tabi ng pinto tapos sa gilid sila Lucas at Samantha. Tapos sa harapan yung lovebirds.
Halatang inaantok pa si Samantha. Hindi yata siya sanay sa ganitong byahe kaya pinasandal muna siya ni Lucas sa balikat niya. Ate na ang tawag sakin ni Samantha dahil nalaman niya na mas matanda pala ako sa kanya ng dalawang taon. I don't really mind being called by that. Actually, natutuwa pa nga ako dahil siya palang yung nakakatawag sa akin ng "Ate".
Ang ganda nga niya eh. Sobrang girly niya pero hindi siya maarte sa katawan o kahit saan. Mahiyain siya at tahimik pero sobrang bait kapag nakausap mo. Halata din sa kanya yung pagiging sobrang inosente. Hindi na ko magtataka kung isang araw aamin nalang sa amin si Lucas na may gusto na siya kay Samantha. Sana nga magkatuluyan sila. I feel like she could be the reason if Lucas would change for the better.
Si Laura at Andrei naman, alam kong magkakatuluyan yang dalawang yan. Nakita ko na yung future nila eh. But unfortunately, marami pa silang pagdadaan para ma-testing ang pagiging matatag na relasyon nila. Which is normal naman sa bawat relasyon. Lahat naman talaga magdadaan sa pagsubok.
"Bentornato a casa, Signorina White." = (Welcome Back home, Ms. White.) Bati sakin ni Butler ng makarating na kami sa mansion. Yes mansion, kahit gusto kong sabihin bahay, mansion pa rin ang tingin ng lahat dito.
"Grazie, maggiordomo." = (Thank you, Butler.)
"Where is mommy and daddy? Are they home?" Kawawa naman kasi sila Laura, nakakunot noo lang sila at baka dumugo na yung ilong nila dahil 'di nila maintindihan yung pinagsasabi namin.
"They're still in the company, SIgnorina. They still had to attend some meetings with the board members." Napa-pout nalang ako. Sayang akala ko pa naman sila ang sasalubong samin paguwi. Pero okay lang. Dito din naman sila dederetso eh. Normal naman na yung ganito sa amin kaya naiintindihan ko. 'Di bale, hihintayin nalang namin sila.
Si Butler lang naman ang marunong magsalita ng english dito eh. The rest hindi. Italian language lang ang alam. Pero yung mga katulong na babae, may alam silang english words kaso puro basic english words lang. Okay lang naman, madali lang naman matutunan ang English kung talagang gusto.
"We have already cleaned all the rooms for your friends, Signorina. Including yours."
"Oh. That's good. Thank you. Please kindly ask the maids to bring our luggage in our rooms."
Tumango lamang siya atsaka siya umalis sa harapan ko. Tinignan ko ang mga kaibigan ko na ngayon ay nakanganga habang lumilibot ang paningin nila sa paligid.
BINABASA MO ANG
The Demon
Mystery / Thriller[ROSS SERIES #1] Si Scarllet Eva White, ay isang bagong Transferee sa West Stone University, kung saan makikilala niya ang tatlong magpipinsan na sina Laura Ross, Lucas Ross, at si Christian Chase Ross. Sa unang pagkikita pa lamang ay may maramdaman...