CHAPTER 27

2.1K 50 1
                                    

"Mahal ko siya."

Lahat kami natigilan sa sinabi niya. Nakakailang ang mga titig niya sakin pero dahil sa mga titig na yan, kitang kita ko na totoo ang inamin niya sa harap namin lahat. Mas lumakas ang pagkawala ni Christian sa amin kaya huli na bago pa namin siya na mapigilan.

Kinwelyuhan niya ito at agad na binigyan ng malakas na suntok dahilan para tumilapon siya.

"F*ck you, Tyler! Wag na wag mong gagamitin si Scarllet para lang makaganti sa amin. Lalo na sa akin. At wag mong sasabihin sa amin na mahal mo siya dahil ang isang kagaya mo ay walang alam pagdating sa pagmamahal!" Galit na sigaw ni Christian.

Muli niyang hinawakan si Tyler sa leeg gamit ang kapangyarihan niya. Malakas niyang hinagis si Tyler sa pader dahilan para mauntog niya doon. Pati yung mga nakasapit sa pader na mga frames ay nahulog na din at nagkalat yung salamin nito sa tiles.

Dumudugo na ang putok niyang labi ngunit makailang segundo lang ay kitang kita ko ang mabilis na paghilom nun.

"Chase, tama na yan! Baka biglang may dumating." Awat ni Laura sa kanya.

"Dude, let's go. May naririnig na kong parating."

Binantaan pa muli ng isang beses ni Christian si Tyler. Pagkaharap niya sa akin ay hinila niya na ako palabas ngunit tumigil ako. Nagtaka siya kung bakit ako tumigil.

"What is it?"

Hinawakan ko ang pisngi niya. Nakita ko kung paano umigting ang panga niya bago siya unti-unting pumikit. I can really feel his anger. "Calm down, baby. Your eyes are still glowing red. Hindi tayo pwede lumabas habang ganyan ka pa."

Madali lang siyang pumikit para bumalik sa normal ang kulay ng mata niya. Bago pa kami makalabas ay lumingon pa ko ng huling beses sa likuran ko. I was shocked the way how he looked at me. Para siyang nasasaktan at nagagalit at the same time.

Buti nalang vacant class ako. Pumunta muna kaming lahat sa likod ng university at umupo sa bench na nandoon sa ilalim ng malaking puno. Alam kong hindi dapat ako naii-stress dahil masama 'to para sa mga bata. Pero sadyang hindi ko maiwasan lalo na ngayon.

Hindi ako natatakot na masaktan. Kung ako lang ay papayag ako. Pero hindi e. Natatakot ako na baka ang mga anak namin ay madamay sa mga nangyayari. Kung pwede lang sana na isilang ko muna itong kambal atsaka nila ako saktan.

Napaubo ako bigla nang makaamoy ako ng usok ng sigarilyo. Mula kay Christian at Lucas iyon. Hindi ko na pala namalayan na naninigarilyo na sila dito sa harapan ko dahil sa lalim ng iniisip ko. Tinakip ko ang ilong ko gamit ang palad ko.

"Lucas! Chase! Wag kayo dito manigarilyo!" Bulyaw ni Laura sa kanila.

"Oh sh*t! My bad. Sorry, Eva." Lucas apologized. Hinulog niya yung sigarilyo na hawak niya tapos tinapakan niya iyon.

"Bro, stop smoking." Pati yung sigarilyo ni Christian ay kinuha niya at tinapakan din iyon sa lupa.

"What the hell, Lucas?! I wasn't done yet. Tss."

Noon pa naman ay naiirita at nababahuan na ko sa usok ng sigarilyo. Pero ngayon ay mas naging sensitive na yata ako.

Napatingin ako sa kaliwang kamay ko nang hawakan iyon ni Christian. "I'm sorry for what I just did. I'm sorry kung natakot man kita."

I smiled at him at caressed his handsome face. "It's okay, Babe. I understand why you did that. Thank you for saving me again."

"I'll never let anyone hurt you. Never again, baby."

The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon