CHAPTER 31

2.1K 46 0
                                    

\

Eva's POV

Tatlong mga lalaki ang lumapit sakin at nang tumigil sila sa harapan ko ay sabay silang yumuko habang ang kanang kamay ay nasa kaliwang dibdib. Ganito sila magpakitang galang sakin.

"Nandyan na po sila."

"Dalhin niyo ko sa kanila." Sabay silang tumango at nauna yung isa sa kanila na maglakad para ipakita sakin ang daan.

Nang buksan nila ang pinto, bumungad sakin ang mga tauhan kong nakatayo sa gilid. At sa gitna ay nandoon ang isang lalaking nakagapos ang magkabilang kamay sa likod ng upuan kung saan siya nakaupo.

Agad siyang natakot sa pagngisi ko. "FInally. We meet again. Kilala mo pa ba ako?"

"I-ikaw?! I-ikaw?! Patay ka na." Nanginginig na saad niya. Nakakatawa siyang tignan. Yung para bang ilang saglit nalang ay maiihi na siya sa sobrang takot sakin. Dapat lang naman talaga siyang matakot. Lalo na sa mga kaya kong gawin ngayon sa kanya.

"Buti naman at naalala mo pa ako. Ayaw ko na sana patagalin 'to pero sige, maglaro muna tayo. Madali lang naman ang mechanics ng game. It's called Question and Answer. Salitan lang tayo nang pagsagot at ng pagtanong. Kapag mali ang isasagot mo syempre may parusa."

"Anong parusa?"

Tinaas ko ang kanang kamay ko para senyasan ang isa sa mga tauhan ko. Ilang sandali lang ay bumalik sila na may kasamang babae na nakatakip ang bibig at nakatali din ang mga kamay.

"Mga hayop kayo! Pakiusap pakawalan niyo siya! Wag niyo siya idamay dito!" Sigaw sakin ng lalaki. Wala akong pakielam kahit magiyakan pa sila sa harapan ko.

Binigyan ako ng upuan ng isa sa mga tauhan ko para magkaharap kaming dalawa tapos nakatayo sa bandang kanan na tabi ko yung dalawang tauhan ko habang hawak hawak nila ang kasintahan ng lalaki.

"Oops! Wait ka lang. Wag ka muna masyadong excited pwede? Hindi pa nga tayo nagsisimula, nagre-react ka na agad." Natatawang sabi ko.

"Anong kailangan niyo sakin?"

"Ako lang ang may kailangan sayo. Hindi kasama ang mga tauhan ko dito. Ito ang unang tanong ko sayo. Sino ang nagpautos sa inyo na ipapatay ako nung gabing yun?"

Nakita kong napalunok siya sa tanong ko. Hindi na din siya makatingin sakin ng deretso at mas lalo siyang nanginginig sa takot.

"H-Hindi ko maalala. M-Matagal na y-yun kaya h-hindi ko na m-maalala kung sino yung nagutos sa amin nung gabing yun."

Pumalakpak ako. Jusko! Best Liar ever! Talagang gusto niya na pinapahirapan siya. Agad akong tumayo at mahigpit siyang sinakal tapos malakas ko siyang pinako sa pader.

"Pagbibigyan ulit kita nang isa pang pagkakataon para magsabi sa akin ng totoo. Sino ang nagutos sa inyo na ipapatay ako?"

"H-Hindi ko nga maalala."

Nakaramdam ako ng pagkapikon kaya pinalutang ko ang babaeng kasintahan niya gamit ang kapangyarihan ko.

"Wag! Nagmamakaawa ako! Wag niyo siyang papatayin! Ako nalang! Ako nalang ang patayin niyo basta wag lang siya. Wala siyang kinalaman dito." Pagmamakaawa niya dahilan para tumawa ako ng malakas.

"Bakit ako makikinig sayo? Nung nagmamakaawa ako sa inyo nung gabing yun, pinakinggan niyo ba ako? Hindi 'di ba? Ngayon magdusa ka!"

Unti unti kong sinara ang kamao ko, at nang tuluyan ko na maisara ay kasabay nun ang pagsabog ng babaeng kasintahan niya kaya nagtalsikan ang dugo sa buong paligid.

The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon