CHAPTER 47

1.8K 37 1
                                    

Lucas' POV

"Anong kailangan mo sakin?" Pasigaw na tanong ko. Kumukulo talaga ang dugo ko sa bampirang 'to eh. Isang ngisi pa talaga at papatayin ko siya na magisa dito ngayon din.

"Alam kong alam mo kung anong kailangan ko, Ross." Nakita ko na lumipat yung tingin niya sa likod ko. Nang mapagtanto ko na kay Samantha siya nakabaling, hinarangan ko agad siya.

Napasingap siya at napapikit. "She smells really good... Do you mind if I get to taste her a little bit?"

F*ck! Binastos niya na si Samantha. I won't let him get away with that.

"F*ck you, Draco!" I shouted as I attacked him but unfortunately he got to miss my punch. No matter how hard I tried. I can't get to punch him. It's so f*cking obvious that he's playing games with me.

"Come on, Ross. I know you can do better than that." This time I used my ability to read his mind. At naging matagumpay naman, nababasa ko yung bawat galaw na gagawin niya kaya nasasalubong ko.

"AHHH! LUCAS! TULUNGAN MO KO!" Mabilis ko siyang nilapitan nang makita ko na sapilitan siyang hinihila nang dalawang bampira palabas ng kotse ko. No!

Sinakal ko yung isang bampira at malakas ko siyang hinagis palayo.

"Argh!" I hissed when I felt a bullets hitting one by one on my back.

Buti nalang 'di Death Bullet yung tumama sakin at mga ordinaryong bala lang iyon. Kundi baka tuluyan na nila makuha si Samantha mula sa akin. Napadali lang din yung paghilom ng sugat kung saan ako tinamaan. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ng isang bampira na akmang kakagatin na si Samantha.

I twisted his arm causing for his bones to break in pieces. After that I took his throat out off his neck. When I was about to face Draco again. He was already holding a gun pointing straight at me.

Nagpakawala siya nang ilang putok pero 'di ko inaasahan na titigil yung mga bala as in sa harapan ko. Literal na parang nag-froze yung mga bala at lumutang sa ere. Nang makita ko kung sino yung may gawa, halos gusto kong bumigay dahil sa pagligtas sa amin ni Chase.

Sandali.. Si Chase ba talaga yun? O si Eva na nagpapanggap na si Chase? The scent is kinda different from his usual.

"Chase Ross.. Finally you've got the chance to join us."

Hindi siya umimik. Subalit, nagawa niyang ibahin ang direksyon ng mga bala. Imbes na sakin tatama, bumalik sa kanya lahat ng yun. Bakas sa mukha ni Draco ang sakit dahil sa mga Death Bullet tumama sa iba't ibang parte ng katawan niya.

"Damn you!! Pagbabayaran mo 'to, Ross! Hindi pa tayo tapos!" Pagkatapos niyang magbanta, dali dali silang nawala kasama yung mga tauhan niya.

"Lucas! Okay ka lang?!" Nagaalalang tanong sakin ni Samantha habang chine-check niya ko. Nakita ko na tahimik kaming tinitignan ni Chase pero yung mga tingin niya sakin ay sadyang nakakapangilabot. Oo, ganun kasama ang tingin niya sakin.

"Kuya Chase.." Aniya ulit ni Samantha nang nahalata niya na din yung tingin sakin ni Chase.

"Talaga bang matigas ang ulo mo, Lucas?" Yup, si Chase nga siya. Ganyan kasi siya magalit sakin. Akala ko talaga si Eva iyon na nagpalit lamang ng anyo. Ngunit nagkamali ako.

Hindi ko napansin na nasa likod na pala namin si Eva kasama ang ilang tauhan niyang mga demonyo. Punong puno ng dugo yung shirt niya at may dugo pa na tumutulo sa kamay niya. Binigyan agad siya nang kahit panyong tauhan niya at ginamit niya yun pangpunas sa kamay niya..

The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon