Ano ba yan. May nagawa ba ko? Ako ba yung may kasalanan kaya siya nagalit? Hindi naman ito yung unang beses na sabay kami umuwi pero usually good mood siya e. Ngayon lang siya nagkaganito.
Jusko, bakit ba kasi ako kinakabahan? Eh gusto niya lang naman na sabay kaming umuwi ngayon. Hindi naman big deal yun. Diba?
Aish! Parang alam ko na kung bakit. Siguro dahil wala siyang mahanap na babae na iuuwi niya kaya ako naman ang pinagti-tripan niya. Tama! Tama! Yun nga. These past few days kasi halos araw-araw may kasabay siyang babae tuwing uwian eh. Hindi iisa babae ang lagi niyang kasabay ah. Iba't iba yun kada araw. Pero syempre halos lahat yun maganda.
What a damn manwhore.
Pero hindi ako sure ah? Nabalitaan ko lang kasi yun e kasi usap-usapan din minsan si Chase dito sa school. So, di ako sure kung totoo ba o hindi. Pero kung totoo nga hindi na ko magtataka. Gwapo naman si Chase, sobrang yaman at habulin ng mga babae. Kung ikukumpara mo siya kay Lucas na talagang kinikilalang babaero dito, mas madami pa din ang nagkakagusto kay Chase.
Nang dahil sa kaba ko. Medyo na inis ako dahil sa mga sumunod na klase ko talagang hirap na hirap ako makapag-concentrate sa klase. Ginawa ko naman yung best ko para mawala sa isip ko si Chase at para makapag-focus sa klase pero talagang ayaw e. Wala na, talagang wala akong naintindihan ni isa sa mga lessons kanina. Hays.
At ayun na nga. Talagang natapos na yung klase ko na wala akong naintindihan kahit isa. Tulala lang ako doon sa loob habang iniisip kung ano ba nagawa ko. Dumaan muna ako sa locker ko para iwan yung iilang textbooks ko. Dalawang textbooks lang ang dala ko ngayon para makapag revise ako mamaya sa dorm. Kinuha ko yung cellphone ko mula sa bulsa ng palda ko nang maramdaman ko ang pag-vibrate nun.
It was a text message from Chase. Grrr.
From: Chase,
I'm already here at the parking lot.
Ewan ko sayo. Sa inis ko hindi ko siya nireplyan. Dahil sayo wala akong naintindihan sa sinabi ng dalawang professor ko sa dalawang magkaibang klase.
Wag ko kaya siputin 'to? Wala naman siguro mangyayari kung hindi ako makipagkita sa kanya doon diba? Dala ko naman yung kotse ko. So, kailangan ko nalang magisip kung saan ako pwede dumaan na hindi niya ko makikita. Sa pagkakaalam ko meron pa isang exit dito patungo sa gilid ng school.
At ayun nga ang ginawa ko. Hinanap ko yung exit na yun at medyo malayo lang ng konti kumpara sa main entrance sa tapat ng school pero okay lang. Nagtago ako sa isa sa mga kotse doon at unti-unting sumilip para makita kung sakaling nandoon si Chase.
Wala siya. Okay. Kinuha ko agad yung susi ng kotse ko atsaka maingat na naglakad habang tinitignan ang paligid ko.
"Are you planning not to show up on me?"
Natigilan ako ng marinig ko ang malalim niyang boses mula sa likod ko. Paglingon ko sa kanya ay nakapamulsa siya at nakangisi sakin. Uh oh.
"H-huh? Hindi a-ah. Hinahanap nga k-kita e. Kanina k-ka pa?" Nauutal pa ko. Jusko panigurado halatang-halata na kabado bente na ko sa ngayon sa harapan niya.
"Nice try. Let's go." Natatawa niyang sabi sakin at hinawakan niya ko sa kamay ko at hinila ako papunta sa kotse. May nakita na isang lalaking naka-itim na suit. Nakatayo lang siya sa tabi ng sports car ni Chase. "Give me your car keys." Utos niya.
Nagtataka ako sa sinabi niya kaya umangat ang parehong kilay ko sa kanya. "Huh? Bakit?"
"He'll drive your car back to the dorms. Unless you want your car just to be here."
BINABASA MO ANG
The Demon
Mystery / Thriller[ROSS SERIES #1] Si Scarllet Eva White, ay isang bagong Transferee sa West Stone University, kung saan makikilala niya ang tatlong magpipinsan na sina Laura Ross, Lucas Ross, at si Christian Chase Ross. Sa unang pagkikita pa lamang ay may maramdaman...