CHAPTER 48

1.7K 45 1
                                    

Saktong pagkarating namin sa bahay ko, sinalubong ako ng mga personal makeup stylist ko. Hindi lang yun, dala-dala din nila yung mga gown at suits na susuotin namin para sa gaganapin mamayang gabi.

Bago pa kasi kami makarating dito, tinawagan ko na sila na pumunta sa bahay. And I almost forgot, mga demonyo din sila. Inayusan kami ng mga babae dito sa kwarto ko tapos sila Christian at Lucas naman sa Guest room sa kabilang kwarto.

Malaki naman itong kwarto ko kaya pwede kaming ayusan ni Bestie nang sabay. Sinabihan ako ng isa na magpalit muna ng bath rope. Binigay muna nila sakin yung lingerie kong kulay itim. 'Di ko alam kung bakit kailangan ganito pa yung inner garment ko. Kung pwede naman yung normal lang. Bahala na nga.

Basta naiilang ako kapag lingerie yung suot ko. Actually, pangalawang beses ko palang na magsuot ng ganito. And I gotta say, hindi ako komportable sa first time ko. Grabe yung pagkailang ko na magsuot ng ganon.

Pagkatapos kong masuot yung lingerie, pinagamit nalang nila ako ng bath rope para after nila akong lagyan ng makeup deretso ko na daw susuotin yung gown ko. Tahimik lang akong nakapikit habang hinahayaan ko sila na ayusan ako. Si Bestie naman may nilalaro sa cellphone niya.

"Bestie.." Tawag niya sakin sa tabi ko.

"Hm?"

"Hindi ka na mawawala sa amin 'di ba?" Natigilan ako. Anong ibig niyang sabihin? May nakita na ba siya sa future kaya ganyan na yung tanong niya?

Bakit ganun? Wala akong maisagot sa kanya. Sa totoo lang, 'di ko pa nga alam kung ano ang maaaring maging resulta ng gagawin namin mamaya. Malaki din kasi yung chance na pumalpak kami.

"Di ko alam, Bestie... I seriously don't know..." Halos pabulong ko nalang nasabi yun sa kanya. "Kung ano man ang nakita mo sa future, wag mo munang sasabihin kay Christian. Ayaw kong magalala pa lalo yun." Kahit halatang ayaw niya, pumayag pa rin siya sa huli.

"Siguro kung 'di lang bumalik yung mga bampira, edi sana inaayos niyo na ni Chase yung mga plano niyo para sa kasal niyo." Yeah, she's right. Dapat nga matagal na namin pinaguusapan yung tungkol sa kasal namin. Kahit gustong gusto ko na magplano kami para sa isang special day ng buhay namin ni Christian, talaga 'di namin maisingit sa sobrang hirap ng sitwasyon ngayon.

Malumanay akong tumingin sa kanya nang hawakan niya yung kamay ko. "You're gonna be Mrs. Ross soon. But you became my Bestfriend first before you met him. We may not be sisters by blood, but we're definitely sisters by heart. So that means, I won't let you fight alone."

'Di ko alam kung papakawalan ko ba yung mga luha ko o hindi. Kasi kung papakawalan ko yung mga luha ko, edi masisira yung makeup ko. Sayang din. Mamaya na nga lang ako iiyak pagkauwi namin. Kasi naman si Bestie eh, nagawa pang mag-drama ngayon. Wrong timing masyado e.

Inabot din kami nang ilang minuto nang matapos na talaga yung pagaayos samin. Kawawa naman sila, Christian sa baba. For sure kanina pa sila naghihintay sa amin doon.

Bumalik ulit ako sa loob ng walk-in-closet ko para suotin yung gown na hinanda nila. Pagpasok ko doon, bumungad sakin ang napakagandang pulang long gown sa harapan ko.


Shet! Pulang pula talaga yung long gown ko. At kumikinang pa siya. Tinulungan ako ng isang babae na ipasuot sakin yung long gown na hindi masisira yung buhok ko. Saktong pagkasuot ko na nitong long gown ay biglang may kumatok sa pinto.

Sinenyasan ko siya na buksan yung pinto at tumango siya bago sumunod. I smiled when I saw him at the mirror standing behind me. I can say that he's shocked from the way I look. So am I. My fiancé looks so pefect in his black tuxedo which made him also look more masculine because of his muscles.

The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon