CHAPTER 6

3.8K 116 0
                                    

Eva's POV

Dalawang buwan na lumipas simula nang dumating ako dito. Mas komportable na yung pakiramdam ko dito kesa noon at malaki na din yung naging adjustments na nagawa ko. Kamusta naman kami ni Laura dito sa dorm bilang mag-roommates sa loob ng dalawang buwan? Ito, besties na kaming dalawa ngayon. Syempre hindi lang si Laura ang naging ka-close ko. Pati yung dalawang pinsan niya na si Lucas at Chase.

Si Lucas, ganon pa din. Babaero pa din syempre. Pero hindi niya na ko masyadong nilalandi ngayon kagaya dati. Parang pabiro na panlalandi ang ginagawa niya sakin e.

Si Chase naman, ganon pa din siya. Tahimik at suplado pa din pero sobrang lalapitin pa din ng mga babae sa school or kahit saan man. MInsan siya din ang kasama ko pumunta sa mall kapag wala si Laura. May times din kasi na nagiging busy si Laura sa practice ng cheerleading kaya nagpapasama ako kay Chase na mamili ng grocery.

As usual, na iinis pa din ako kasi hindi niya ko pinagbabayad ng mga pinamili ko. Kapag naman kumakain din sa labas ayaw niya din. Pambawi ko nalang din minsan ay ang bilhan ko din siya ng ice cream. Or should I say, hati pa din kami sa ice cream na binili ko para samin. Ewan ko ba dun, ayaw niya na bilhan ko siya para sa sarili niya para hindi na siya nakikihati sakin.

At totoo nga na bumili siya ng bagong kotse kapag sinasamahan niya ko sa mall. Mas malaki na yung storage ng kotse niya para mas madami mailalagay.

Kapag weekends naman, madalas pumupunta sila sa dorm para manonood kami ng movie buong maghapon.

Sa totoo lang hindi ko nga feel na dalawang buwan palang ako dito eh. Mas feel ko na almost isang taon na ko dito. Ang dami kasi nagbago sa loob ng dalawang buwan eh.

Hindi na ko pinagkakaguluhan ng mga tao sa school. Medyo nagiging common student na din ako, which is great. Nakakapagod kaya kapag lagi akong pinagkukumpulan ng mga tao.

Ito namang mga nakakaraang mga araw madalas na nakakatanggap na ko ng bulaklak at mga maliligaw. Minsan nga uuwi ako sa dorm na may dalang isang bag ng chocolates at flowers e dahil lahat yun nasa locker ko.

Hays hirap pala maging maganda no? Joke lang.

Hindi lang ako nagkaroon ng mga manliligaw sa school. Nagkaroon din ako ng langaw sa buhay. sSino yun? Syempre walang iba kundi si Bianca Tiu. Taray ng last name niya no? Parang pinapaalis. I also found out na sila yung may-ari ng isa sa mga airlines dito sa Pilipinas kaya ganon nalang siya ka confident na mag reyna reyna-han dito sa campus.

Minsan nga ang sarap ahitin ng kilay niya eh. Ay sandali. Anong aahitin ko sa kilay niya? Eh ginamitan niya lang naman yon ng eyebrow pencil dahil wala talaga siyang kilay.

"Hi, gorgeous." Wag niyo na hulaan kung sino yan. Isang tao lang naman ang tumatawag sakin ng gorgeous eh walang iba kundi si Lucas. "Hi Lucas." Bati ko at ngumiti ako sakanya.

Pinatong niya sa harapan ng lamesa ko yung dala niyang paper bag at nilabas ang laman nun. "Here. I just brought this for you." Sabi niya at binigay sakin yung dala niyang pagkain. Agad kong binitawan yung ballpen ko at kinuha yung pagkain na bigay niya.

Pagkabukas ko nun ay nakita ko na baked lobster tail iyon. Mainit init pa siya at halatang masarap talaga dahil sa amoy pa lang.

"Oy Lucas! Siguraduhin mo lang na walang gayuma 'to kundi patay ka talaga sakin." Banta ni Laura sa tabi ko.

"Pfft! Kung pwede ko lang sana gawin yun edi sana matagal ko na nagawa." Tapos kumindat siya sakin. "Thank you Lucas." Sabi ko sa kanya at ngumiti ako.

The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon