chapter 3

4.6K 154 0
                                    


Elaine


Alam niyo yung feeling na ungentleman niya?! Buwiset!! Sarap tirisin nung mokong na yun rawrr!!



"Oh andito ka lang naman pala ee"

"Ay kalabaw!" Nagulat kong sabi kasi bigla bigla ba namang sumusulpot etong babaitang ito

"Asan? Wala naman ah?" Sabi ni mj

"Tch! Diba sabi ko sayo kanina nandito lang ako sa history fiction!!"

"Wag kang sumigaw, inano ba kita?"

"Wala! Nabadtrip lang kasi ako sa lalaking inagaw yung history book na matagal ko ng binabalik balikan sa book store! Ako naman kasi talaga unang nakakita nun ee tapos bigla bigla niya nalang hinahablot oh diba bastusan lang?!" Paliwanag ko

"Oh easy lang maghanap ka nalang sa ibang book store"

"Maghanap?! Ikaw pahanapin ko ee ang hirap nun hanapin Marry Jean!" Pinagdiinan ko yung pangalan niya "Paminsan lang yun may stock sa mga book store!"

"Tss.. maghanap ka nalang ng ibang libro jan Elaine!" Pinagdiinan niya yung pangalan ko

"Ayoko na! Bumili yun naman talaga yung pinunta ko dito ee yung librong yun!"

"Tss. Hintayin mo na lang ako dun sa labas babayaran ko lang tong mga notebook natin, nakalimutan mo na hindi pa tayo nakakabili ng mga note books inuna mo pa yang pagdadrama mo sa librong yon" inirapan ko nalang siya at lumbas na ako ng book store at hinintay siya





At maya maya lumabas na din siya dala dala yung mga binili niya sinabi ko kay mj na tumambay muna kami sa isang coffee shop at ang pangalan ng coffee shop ay 'Happy Coffee' HAHA!


ang galing naman ng nagisip ng pangalan ng coffee shop na ito paano kaya kapag malungkot yung tao? So pupunta siya dito para maging masaya? HAHA!




"Mukhang happy ata yung nagisip ng pangalan ng coffee shop nila ah?" Natatawang sabi ko ky mj

"Haha! Yaan mo na laine, trip nila yan kaya hayaain na, tara pasok na sa loob" at binuksan niya yung pinto ng coffee shop umupo kami banda sa dulo tapat ng may salamin aba! Basta gets niyo na yun hirap i explain

"Ano bang order mo?" Tanong ni mj

"Caramel Macciatto, favorite ko yu--" naputol yung sinabi ko kasi umalis na siya agad at pumunta na ng counter! Psshh! Ang bastos kausap -_-


------*------




Teka... bat parang ang tagal naman ni mj umorder? 15 minutes na ako naghihintay dito oh! Punyemas! Tumayo ako sa upuan at pumunta dun sa counter






Well andun nga siya naghihintay. Teka? Bakit ba ang tagal naman?




"Oh bakit ka umalis dun? Umupo ka lang dun!" Sabi niya

"Ehh?? Ang tagal mo kaya" reklamo ko

"Ehh?? Edi sakanila ka magreklamo hindi sakin!" Duro niya dun sa counter at natawa naman yung service crew

"Woookey!"

"Tss bumalik ka na dun sa upuan natin, mamaya may umupo na dun ee paalis-alis ka pa kasi dun hindi marunong maghintay" sermon niya

"Tsk oo na nga ee!" Padabog akong naglakad papunta doon sa inupuan namin kanina nang may bumangga saakin na lalaki psshh!!





WHAT?!! SIYA ULIT?! PUNYEMAS!!





Haters to Lovers (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon