ElaineNagising ako dahil sa liwanag ng bintana sa kwarto ko. Medyo nainis pa ako dahil ayoko pang bumangon.
Nagtungo ako sa c.r. maghilamos at magtooth-brush.
Pagkatapos kong magtooth-brush at maghilamos lumabas na ako ng kwarto tsaka bumaba na.
Naabutan ko sila mommy at ang mga katulong na nagaayos ng hapag-kainan. Umupo naman ako.
"Mom? Asan po sila tita?" I asked.
"Ayun! Tulog pa. Pinaakyat ko na si manang lilia para gisingin yung mag-ina." bigla naman akong natawa sa sinabi ni mom.
Himala mj!!
"Jinjja mommy? Eh nung nasa apartment nga kami, siya yung laging nauuna saaking gumising eh."
"Baka nasarapan sa pagtulog or baka namiss niya yung malambot na kama!" 'Tas tumawa kaming dalawa ni mommy.
Sa katuwaan naming dalawa, hindi naming namalayan na nasa harap na pala namin si mj at nakakunot ang noo niya
"Anong katuwaan niyo diyang mag-ina? Aber?" Sabay taas ng kaliwang kilay niya.
Woaaah! Taray!
"WALA!" sabay naming sabi ni mommy at nagtawanan ulit kami.
"Stop laughing lisa, elaine. Let's eat." Seryosong sabi ni tita at tumigil na kami sa pagtawa.
Sinimulan na naming galawin yung mga pagkain sa mesa. At nagsikainan na.
-------*-------
"Mommy! Ang sakit na ng paa ko!" Pagrereklamo ko 'tas upo sa may bench malapit sa mcdo.
Paano ba naman kasing hindi sasakit ang paa ko? Eh mga nasa tatlong oras na ata kaming naglilibot dito eh.
Idagdag mo pa, ang dami naming bit-bitin. Ang dami kasing pinagbibili ni mommy eh, hindi na rin ako makapamili dahil kung saan-saan nag pupunta 'to si mommy. Jusko!
"O sige. Tara, kain muna tayo ng lunch, it is 12:30 pm na." sambit ni mommy. Pumasok na kami sa loob ng mcdo.
My god! Ang daming tao ngayon. Sabagay sabado eh tas 12:30 pm na rin. Nagulat naman ako, dahil bigla akong hinila ni mj pa-akyat sa 2nd floor.
Naghanap-hanap kami ng pwede naming mauupuang apat, at exactly! Umupo agad kami sa may umalis na apat na tao doon sa may dulo.
"Mj, ano na kayang nangyayari kila vince at kris? Mukhang wala nang paramdam yung dalawang 'yon ah? Busy na busy sa letcheng love life nila!" Sabay ngiwi ko.
"Hayaan mo yung dalawang mag-asawang 'yon. Pansin ko rin yun, hindi na natin madalas makasabay sa paglunch/pagrecess yun si kristell. Palaging sama sa kanyang lintik na asawa." Sabi niya. Sabay irap sa kawalan. Napangisi naman ako sa ginawa niya.
I smell something fishhy huh?!
"Nako ha! Mj! Naiinggit ka ba? Why don't you date jigz? Bagay naman kayo i swear." Sabay ngiti kong nakakaloko. Tinadyakan naman niya ako "aray!"
"Tigilan mo ko elaine! Nakakadiri 'yong hinayupak na yun!" Iritableng sagot niya
"Aysus! Pakipot pa ang badgirl na si mj." nagma-make face na sabi ko sa kanya.
Asar to! Haha!
"Stop me or else... you are buried." Seryosong sabi niya.
"Okay easy! Triggered ka na niyan?"
"Stop me! Or else..." natigilan siya saglit
"Or else ano?!" Panghahamon ko
"Sasabihin ko kay tita na i-pakasal kayo ni jasper." This time siya naman yung tumawa at pinanlakihan ko naman siya ng mata.
BINABASA MO ANG
Haters to Lovers (completed)
Teen FictionAS OF (10-8-18) HIGHEST RANK #356 IN TEEN FICTION. Isang transfer student sila Elaine Ramirez at Marry Jean Alcantara sa Dela fuente University. Elaine did not know na ang anak pala ng director ng D.L.U. Ay siya pala ang kinaiinisan niya. Sabi n...