Elaine
ilang araw na rin ang lumipas, pero hindi pa rin ako pinapansin ni jasper. gusto ko siyang kausapin, pero sa tuwing may chansa, nilalagpasan niya lang ako.
Hindi niya rin sinsagot mga tawag ko, maging sa texts wala. hayst hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
sabado ngayon, at nandito lang ako buong maghapon sa kwarto ko, nakahiga, nakatitig sa kisame, naghihintay ng text ni jasper.
what to do? what to do?
---*---
Limipas ang oras, 3:00 pm na ng hapon. Naisipan kong ayain si mj sa labas.
Lumabas ako ng kwarto ko, sabay tinahak ang daan papunta sa kwarto ni mj. Actually, nasa dulong dulo yung kwarto niya, pero hindi naman ganong kalayuan eh.
Pagkatapat ko sa pintuan ng kwarto niya, kumatok muna ako bago ko pinihit ang door knob.
"Oh? Ba't naparito ka laine?" Tanong ni mj saakin, habang nagsusulat siya sa study table. Pumunta naman ako sa kanya at umupo sa kama niya.
"Mj, gala tayo?" Pagkasabi ko naman, napatigil naman siya saglit sa kanyang pagsusulat, pero itinuloy niya ulit ang pagsusulat.
"Oh saan naman?" Sabi nito, habang patuloy pa rin sa kanyang pagsusulat.
"Hmm... nakakasawa na sa mall eh, diyan na lang sa plaza." Sagot ko.
"Sige, hintayin mo na lang ako sa baba, magbibihis lang ako." Sambit nito. Sinarado niya ang kanyang notebook sabay tumayo na.
Tumayo na din ako sa kama ni mj, sabay lumabas ako sa kwarto niya. Tinahak ko ang daan papunta sa salas.
Maya maya pa ay, nakabihis na rin ito. Nagpaalam muna kami kay tita taka kay mommy na diyan lang kami sa plaza magpupunta.
"My, tita, diyan lang po kami sa plaza." Pagpaalam ko sa kanilang dalawa na, nanonood ng TV.
"Sige, ihja, wag lang magpapaabot ng sobrang gabing-gabi na." Bilin saamin ni tita.
"Yes po, sige po tita, my, alis na po kami." Sambit ko. Nagbeso beso ako kay tita, sabay kay mommy naman, niyakap ko ito at lumabas na kami ng bahay.
Nang makalabas kami sa bahay bigla namang nagsalita si mj.
"Ano bang gagawin natin sa plaza?" Tanong ni mj saakin. Bumaling naman ako sa kanya.
"Wala lang. Bored ako eh." Sagot ko sa kanya. Napataas naman ito ng kilay.
"Ah... bored din ako sa kwarto eh." Tumango na lang ako. Eksakto namang may dumaan na tricycle, pumara kami sabay sumakay.
"Sa plaza nga lang po." Sabi ko sa manong driver. At umandar na ang tricycle.
I wonder na sana, hindi na nagtatampo si jasper. Hayst, sana naman kausapin niya na ako.
Napabuntong hininga naman ako sa pagkaisip ko no'n, naramdaman kong parang tumingin saakin si mj.
"May problema ba?" Malumanay na tanong saakin ni mj. Napalingon naman ako sa kanya.
"H-Ha?" I asked out of the blue.
"Tss, sabi ko. Kung may problema ka? Napansin ko kasi napabuntong hininga ka diyan." Paguulit nito.
"Ah... w-wala." Utal kong sagot.
"Tatawagan ko si kristell, para hindi ka malungkot diyan." Napatingin naman ako sa kanya ng -hindi-makapaniwala-look.
BINABASA MO ANG
Haters to Lovers (completed)
Teen FictionAS OF (10-8-18) HIGHEST RANK #356 IN TEEN FICTION. Isang transfer student sila Elaine Ramirez at Marry Jean Alcantara sa Dela fuente University. Elaine did not know na ang anak pala ng director ng D.L.U. Ay siya pala ang kinaiinisan niya. Sabi n...