ElaineNagulat ako sa sinabi ko kay mokong, maski siya ay gulat na gulat sa sinabi ko. Sino ba kasi si jassy? Sino yung childhood friend ko? Sino ba siya? Kailangan ko na talagang tanungin si mommy dahil gulong gulo na ako
Bigla naman nagsalita si mokong
"S-sigurado ka ba talaga elaine?" Nauutal niyang tanong saakin. Huminga ako ng malalim at tumayo ako ng dahan dahan at umupo sa kama.
"Oo yun 'yung dahil kung bakit sumakit yung ulo ko kanina. Sino ba kasi si jassy?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko talaga maintindihan eh. Kailangan na talaga umuwi nila mommy dito, dahil sasabog na utak ko sa dami ng pumapasok na ala-ala
"Ah... sa totoo lang elaine, yan kasi yung sinabi ko sa bestfriend ko nung bata pa kami, sabi ko sa kanya na 'Jassy' nalang ang itawag niya saakin, tapos 'lei' naman ang itatawag ko sakanya" sagot niya. Hindi ko talaga maintindihan eh
"Ah... kailangan na talagang umuwi ni mommy para luminaw na ang lahat, gulong gulo na talaga ako" ani ko, at humiga na ulit
"Labas lang ako" sabi niya. tumayo siya sa inupuan niya at lumabas na
Haynako! Gulo na talaga ako sino ba kasi yang 'jassy' na yan pakshet!!
---*---
4:00 pm na rin nang na-discharge ako sa hospital at nagpapahinga na ako dito sa kwarto ko. Kinuha ko yung phone ko sa side table at nagonline. Hinanap ko yung name ni mommy at buti nalang talaga online si mommy
Me: My? Kailan ka uuwi dito? I have to ask you something
Typing...
Mommy lisa: why don't you ask now?
Me: my, its better to talk that in personal, so kailan po ba kayo uuwi?
Mommy lisa: im not sure 'nak, but in month of august uuwi kami ng tita jane mo.
Me: really? Yey! Thanks my, miss you and i love you
Mommy lisa: miss you to 'nak, sige bye na, i have something to do. Magpakabait kayo ni mj ha?
Me: yes my! Byeeee!
Nakahinga naman ako ng maluwag, dahil sa sinabi ni my, sana naman umuwi sila sa eksaktong sayaw namin para mapanood niya kami
Inilagay ko sa side table yung phone ko. Inayos ko yung kama at humiga ako. Naka titig ako sa may kisame at inaalala kung sino si 'jassy' sino ka ba kasi jassy? Gulong gulo na ako eh sabi ko sa isipan ko
Isang oras na ang nakalipas. Kanina pa ako paiba-iba ng pwesto dito dahil hindi ako makatulog ng maayos. Pagod ako!! Pakshet!! Gusto kong matulog anubaaa!!
Bigla naman akong napatayo at lumabas ng kwarto ko. Makapunta na nga lang sa kusina nagugutom na ako. Nakita ko si mj sa lamesa na nagbabasa ng libro. Hindi ko siya pinansin at binuksan ko nalang ang ref.
May nakita akong Cloud nine, kumuha ako ng tatlo at kinuha ko yung isang garapon ng stick-o at kinuha ko din yung chocolate juice.
"Ang saraaap!!" Pagkasabi ko nun sinarado ko yung ref. At napakunot noo namang nakatingin saakin si mj "oh bakit? Gusto mo?" Pangaasar na tanong ko sa kanya
"Sinabi ko ba?" Sarcastic niyang sabi
"Kaya nga tinatanong diba?" Pagkasabi ko nun ay umupo ako sa upuan. Katapat ko si mj, seryoso siya sa binabasa niya, hindi novel ang binabasa niya kundi academics. Unlike me mahihilig ako sa novels, pero kung sa academic history yun!
Natigilan naman si mj sa kanyang pagbabasa tas nilapag niya muna yung libro sa lamesa. Tumingin siya sa wall clock na nakasabit malapit sa ref.
"6:15 pm na pala! Kain ka ng kain jan, hindi ka man lang nagsaing, tamad talaga" sabi niya. Kinuha niya yung librong binabasa niya inipit niya doon yung book mark, tinabi niya muna yung libro atsaka tumayo na
Habang nagluluto siya hindi ko namalayan na naubos ko na pala yung isang garapon ng stick-o, my god! Paano ako makakakain nito eh nabusog na ako dito? Mamaya na nga lang
"Mj, mamaya na ako kakain, nabusog na kasi ako sa kinain ko eh. Hehehe" i said, at tinapon ko sa trash can yung mga pinagkainan ko
"Ayan kasi! Kumakain ng wala sa oras"
"Aba! Nakaramdam ako ng gutom eh kaya kumain ako!" Pagdipensa ko
"Sus! Edi sana hindi mo naubos yung isang garapon ng stick-o? Hindi ka man lang nagtira, alam mo bang ako ang bumili niyan?" Hala! Bigla naman akong napakamot sa batok, what the f!
"Hehehe. Sorry eh kasi ikaw di mo man lang sinabi saakin na ikaw pala bumi nun, kaya ayan tuloy na kain ko" tugon ko at yumuko ako sa kahihiyan, bigla namang tumawa si mj
"Anong drama yan elaine ramirez ha?" Natatawang tanong niya
"Anong drama? Nagsosorry ako"
"Haha! Ewan ko sayo, kahit wag mo nang bayaran ilibre mo nalang ako sa lunes!" Nakangiting sabi niya at pinatay niya na ang apoy tsaka niya nilagay sa mangkok yung niluto niyang sinigang. Ayos! Its my favorite, lalo na kapag luto ni mommy yan
"Wow ang sarap!" Sabi ko na napatalon-talon pa. Bigla namang natawa si mj
"Haha! Para kang bata, sumabay ka na kasi saakin gusto mo din naman eh," sabi niya at nilagay niya sa lamesa yung ulam. Gusto ko man kumain kaso wala akong magawa dahil busog pa ako, buwiset naman
"Gusto ko man kumain mj, wala akong magagawa dahil busog ako, baka pag pinilit kong kumain magsuka suka naman ako niyan"
"Okay, if you say so, ipagtatabi nalang kita if ever na magutom ka, nakatakip lang dito sa lamesa yung ulam okay?" Sabi niya sabay upo. Tumango nalang ako at pumasok na sa kuwarto ko,
I forgot! May practice pala kami bukas, pakshet! Hindi na muna ako magpa-practice, dahil masakit pa ang ulo ko baka pag pinilit ko mahimatay naman ako dun ng wala sa oras.
Humiga nalang ako sa kama. At natulog nalang. Maya maya pa ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang hawak ko yung librong binabasa ko
-----------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Haters to Lovers (completed)
Teen FictionAS OF (10-8-18) HIGHEST RANK #356 IN TEEN FICTION. Isang transfer student sila Elaine Ramirez at Marry Jean Alcantara sa Dela fuente University. Elaine did not know na ang anak pala ng director ng D.L.U. Ay siya pala ang kinaiinisan niya. Sabi n...