Chapter 35

1.7K 67 4
                                    

Jasper

Hindi parin maalis sa utak ko yung sunabi ni coach. The heck?! Sino naman kaya yung ugok na 'yun?

Papasok pa lang ako sa entrance ng D.L.U. nang salubungin ako nila vince at jigz.

"Bro? What's with the face? 'Nyare?" Sunod sunod na tanong saakin ni vince.

"Tsk. Kahapon pa talaga ako badtrip!" Ani ko at nagsipasukan na kami sa entrance.

"Oh ano namang ikinabadtrip mo kahapon?" Tanong naman saakin ni jigz at bumaling ang tingin ko sa kanya.

"Napaisip kasi ako sa sinabi ni coach kahapon. Kung sino kaya yung ugok na madadagdag sa team natin." Sagot ko.

"Ah... kaya pala badtrip ka ngayon? Don't worry, ikaw naman ang captain ng team diba? So let him be." Tugon naman ni vince.

"Pero bro, na cu-curious talaga ako dun sa ugok na 'yun!!" Iritableng sigaw ko sa kanilang dalawa.

"Hay nako! Gutom lang yan jas. Tara sa canteen." Sabat naman ni jigz.

Tignan mo nga naman 'tong lalaking 'to! Dinaan na lang sa pagkain. Kahit kailan talaga. -.-

Habang tinatahak namin ang daan papuntang canteen. Hindi sa kalayuan, tanaw na tanaw ko si elaine. Actually, kahapon pa talaga ako nawiwirduhan sa ikinikilos niya. Hindi ako sanay na ganun siya. Nakasanayan ko na lagi niya akong sinisigawan -.-



"Uy!! Si elaine oh!" Siko saakin ni vince.

"Bakit may pagsiko pang ganap? Tsk. Tara na nga! Don't mind her." Sagot ko

"Luh! Sungit mo naman ata ngayon?"

"Ewan ko sayo vince, magsama kayo ng kristell mo!"

"Sus! Dinamay pa kami ni bebe ko. Puntahan mo na lang kasi si elaine." Sabi niya. Sabay ngiti ng nakakaloko. Kinotongan ko nga!

"Shut up! Tigil-tigilan mo ako vince, kung ayaw mong masapok ko yang pagmumukha mo!" Bigla naman siyang napatigil sa kanyang pagtawa at ako naman itong napatawa HAHA!

Sa pagkwe-kwentuhan naming tatlo, hindi namin namalayan na nasa tapat na pala kami ng canteen.



Pagkatapos naming kumain dun, ay agad na kami nagsipuntahan sa kaniya kaniyang 1st subject.

———*———

Nakakatamad ang klase sa last two subject. Kanina pa ako sulyap ng sulyap kay elaine. She is in the same. Ganun pa rin siya katulad kahapon! Tulala at parang ang lalim ng iniisip.



Tsk yung totoo? Na bo-bother na ako sa ikinikilos niya! Gusto ko siyang tanungin kung may problema ba? O ano?




Nang magdismissed si mrs. Castillo, agad kong kinuha ang cellphon ko sa bulss at tinext si elaine.


Ako:

Let's talk later. Susunduin kita sa bahay niyo ng 7pm.




Pagka send ay agad ko siyang nilingon sa likod. Kinuha niya yung cellphone niya ss bulsa niya.




Elaine:

Bakit?

Agad ko naman siyang nireplayan nang magmessage agad siya.

Ako:

Basta. Susunduin nga kita sa bahay niyo mamaya. Magsuot ka ng simple lang. I'll text you later.




Hindi ko na hinintay ang reply niya at lumabas na ako ng room dahil lunch break na.



Paglabas ko ng room, nakita ko sila vince at jigz na nakatayo. Mukhang hinihintay nila ako.


"Tara??" Pagyaya ni jigz.

"Ah... guys, may kukunin lang ako sa locker. May nakalimutan kasi ako." Tugon ko.

"Sige. Sumunod ka ha?" Sabi ni jigz at niyakap ako sabay tinap ang likod ko.



Tinahak ko na ang daan papunta sa locker. Hmm... yung note book ko pala sa filipino! Baka sermunan ako nun ni ms. Fernandez mahirap na!




Pagkarating ko sa locker ay bigla akong napaatras at nagtago sa gilid ng halaman.

"So ano bang plano mo?" Familiar yung boses. Sumilip ako ng kaunti. Parang si sammantha?? Hindi ako masyadong sigurado. Pero parang may kausap siya na lalaki na outsider??


"Wag mo akong tanungin sam. Nasisira yung plano ko! Tanong ks ng tanong!" Sagot nung lalaki. And wait! Familiar din yung boses ng lalaki.

"Darn you eavans! Puro ka ganyan! Naiinip na ako sayo!" Iritableng sabi ni... sammantha?!


Nang malaman kong si sammantha nga iyon hindi ko sinasadyang matapakan yung soda can na nakakalat sa gilid ng halaman.




Napatingin naman silang dalawa sa direksyon ko. Pero bago pa man nila ako makita ay may biglang may humila saakin.




"Ano bang ginagawa mo dun sa halaman? Nambo-boso ka ba?!" Sabi niya saakin.

"Tsk! Kinabahan ako dun! Buti hinila mo ako!" Bigla naman siyang napatakip ng bibig.

"Oh my god! So namboboso ka nga? Waaah!! Pervert!!" Nanlaki naman ang mga mata ko sa pinagsasabi niya. At tinakpan ko ang bibig niya. Baka marinig kami.

"Baliw! Hindi yun yung tintutukoy ko! Naguusap kasi yung babae tsaka lalaki. Baka makita nila ako na nakikinig sa usapan nila." Panlilinaw ko. Agad naman niyang inalis ang kamay ko sa bibig niya.

"Chismoso!"

"Shut up elaine."

"Oh? Iba-block mail mo nanaman ako? Tigilan mo ko! Hindi mo ako makukuha sa ganyan ganyan mo!" Sagot niya. Bigla naman akong napangisi sa sinabi niya.




Lumapit ako sa kanya, napaatras naman siya sa ginawa ko. Nang masandal siya sa pader. Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa pader. Dahilan para hindi siya makatakas. Napapikit naman siya sa ginawa ko. At ako naman ang napangisi.



"Sigurado ka elaine?" Nakakaakit na bulong ko sa tainga niya.

"O-o-oo!!!" Sigaw niya at tinulak niya ako ng malakas.

"PERVERT!!!" sigaw niya at tumakbo papaalis.




Natawa nalang ako sa reaction niya at naglakad na papunta ng canteen. Mamaya ko nalang kukunin yung note book ko.


Third Person's POV

"Muntik na tayo dun!" Ani ng babae

"Bakit ba kasi dito pa tayo naguusap? Pwede naman sa rooftop!" Iritableng sabi ng lalaki sa babae.

"Shut up eavans! Please lang? Make move!!" Sigaw ng babae sa lalaki.

"Kaya nga makikipag kita nga ako sa kanya mamaya! Okay?!"

"Good! Yun lang. Pagbutihin mo!" Sabi pa ng babae. At tuluyan na itong umalis sa harap ng lalaki.


Agad namang kinuha ng lalaki ang cellphone niya sa kanyang bulsa.


To: elaine.

Let's meet up around the plaza.

~louise

—————————————————

Haters to Lovers (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon