Chapter 48.1

1.9K 67 0
                                    

Elaine

One week had passed. At eto ang pinakahihintay kong araw. Ang masquarade ball.


Gumaan ang pakiramdam ko, mula nung magkaayos kami ni jasper. Ewan ko ba? Parang matatanggal na yung puso ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko, nang halikan niya ako.


Parang lahat ng inis at galit ko sa kanya, nawala lang sa isang halik niya. Hindi ko maipaliwanag sa sarili ko, kung bakit bigla agad akong bumigay.


Nakakabaliw ang sensasyong bumalot sa buong sistema ko, kaunti na lang sasabog na ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.


Matapos ng pangyayaring iyon, ipinasyal ako ni jasper sa Sm fairview, quezon city. Linggo no'n nang bigla niya akong ayain.

***flashback***

Napabalikwas ako sa aking kama, nang biglang magring ang cellphone ko. Agad ko naman itong kinuha sa side table ng kama ko.

Nang malaman ko kung sino 'yung tumatawag, bigla akong napangiti nang parang asong ulol.

"Hello?" Sabi ko sa kabilang linya.

"Hello lei, mag date tayo ngayon." Ani nito. Bigla naman akong napabangon sa kama ko, dahil sa sinabi niya.

"Ano?!" Gulat kong tanong.

"Oo, mag 'da-date' tayo." Pinagdiinan niya talaga 'yung salita'ng 'date' eh.

"Ngayon na ba?" Tanong ko.

"Malamang. Nasa labas na ako ng bahay niyo. Magbihis ka na." Napatayo ako sa kama ko, sabay kumaripas ng takbo, papuntang veranda.


Nahagip ng mga mata ko siya, na nakasandal sa kotse nila. Nakalagay ang kanyang cellphone sa kanyang tainga, at seryoso ang kanyang mukha.


"I see. Sige, hintayin mo na lang ako diyan. Bye." Sabi ko.

"Okay, I love you." Pagkarinig ko ng huli niyang sinabi, parang may kung anong dumaloy sa sistema ko sa sinabi niya. Ang puso ko, parang gusto na nitong kumawala, sa bilis ng tibok ng puso ko.

"Haha. I love me." Sagot ko, agad ko nang pinatay ang tawag niya. Para hindi ko na marinig ang kanyang pag-protesta.


Kumaripas naman ako ng takbo, papuntang walk-in-closet. Dali dali ko namang hinanap ang pink na formal dress ko, sabay isinuot ito. Nang maisuot ko, kinuha ko naman ang gray na blazer ko, pati ang maliit kong sling bag.


Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko, at tinahak ang daan patungo sa baba.

---*---

"So saan ba tayo pupunta?" Tanong ko, nang magsimula nang patakbuhin ng driver ni jasper ang sasakyan.

"Basta." He said in chorus.

"Seriously?" Tanong ko sa kanya. Tinawanan lang ako nito.

"Basta kasi." Natatawa niyang sambit.

"Bahala ka nga. Kuya, pa play nga po ng radio." Sabi ko. Tumango ito saakin, sabay pinindot ang play button ng radio.

[Now Playing: Perfect by ed sheeran]

I found a love for me
Darling just dive right in
And follow my lead
Well I found a girl beautiful and sweet
I never knew you were the someone waiting for me...

Pag ka play ng music. Agad akong nagulat. One of my favorite music of ed sheeran ngayon.

Pagka chorus agad ko itong sinabayan.

Haters to Lovers (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon