Chapter 36

1.6K 61 2
                                    


Elaine

Papunta sana ako sa c.r. ng mahagip ng mata ko si jasper na nagtatago sa gilid ng halaman. Napa kunot-noo naman ako.

Ano kayang ginagawa neto? Namboboso???

***craackk!!***

Narinig kong naapakan niya yung soda kan sa gilid ng halaman. Pero bago pa man tumingin sa kanyang direksyon yung babae na parang may kausap na lalaki. Hinila ko siya papalayo doon.

"Ano bang ginagawa mo dun sa halaman? Nambo-boso ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Tsk! Kinabahan ako dun! Buti hinila mo ako!" Sagot niya. Nanlaki ang mata ko at napatakip ang bibig ko sa sa sinabi niya. Totoo?? My ghaad!

"Oh my god! So namboboso ka nga? Waaah!! Pervert!!" Sigaw ko. Nanlaki naman ang mata niya. Sabay tinakpan niya ang bibig ko.

"Baliw! Hindi yun yung tinutukoy ko! Naguusap kasi yung babae tsaka lalaki. Baka makita nila ako na nakikinig sa usapan nila." Panlilinaw niya. Agad ko namang tinanggal yung pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko.

"Chismoso!" Tugon ko.

"Shut up elaine." Sabi niya. Feeling ko i ba-block mail nanaman ako neto eh.

"Oh? Iba-block mail mo nanaman ako? Tigilan mo ko! Hindi mo ako makukuha sa ganyan ganyan mo!" Bigla naman akong kinalibutan dahil sa pagngisi niya.

And now, he is moving towards me. Napapaatras naman ako sa ginagawa niya. Gosh! Eto nanamang style niya!

Shit! Im doomed! Napasandal na ako sa pader dahil wala na akong maatrasan. Mas lalo pa akong nagulat sa ginawa niya. Nilagay niya agad yung dalawang kamay niya sa pader. Dahilan para matrap ako.

Napapikit ako dahil nilalapit niya yung mukha niya sa mukha ko! Shit! Ayoko na!!

"Sigurado ka elaine" nakakaakit nitong sambit. Shit! May kung anong dumapo sa sistema ko sa pagbulong niyang iyon sa tainga ko.

"O-o-OO!!!" Sigaw ko. Tinulak ko siya ng malakas para makaalis ako sa posisyon na iyon. Tumakbo na ako papalayo sa kanya.

Buwisit! Paano ko pa kaya siya kikitain mamaya? Eh lalo niya pa akong binabaliw?!

Wait...

What???!!

"Argh!!" Sigaw ko nalang. At tumakbo na papuntang canteen. Hindi na tuloy ako nakapag c.r.

———*———

"Oh? Bakit parang pawis na pawis ka elaine?" Tanong ni mj. Umupo muna kami sa table dito sa canteen.

"Ah kasi..." hinahabol ko yung hininga ko. Shit! I can't breathe! Baka hikain ako neto? Bakit ba kasi ako nagtatakbo?!

"Huy! Baka hinihika ka na?! Tumakbo ka ba?!"

"Ah... o-oo." Sagot ko. Habang hinahabol pa rin ang hininga ko. God!!

"Shit! Nasaan yung inhaler mo?!" Natatarantang tanong ni mj saakin.

"N-nasa b-bag." Agad akong hinila nila mj at kristell.

"Tara muna sa clinic! Ang layo pa ng locker dito!!" At ayun mabilis nila akong ipinunta sa clinic. Actually katapat lang ng canteen yung clinic dito.

Pagkapasok namin sa clinic, agad akong ihiniga nila mj at kristell.

"Anong nangyari?" Tanong ng nurse.

"Hinihika po siya." Sagot ni kristell.

"Sige wait lang. Kukunin ko yung inhaler. Diyan lang kayo." At agad namang tumakbo yung nurse at may kinuha sa first aid kit.

Ibinigay niya saakin yung inhaler at agad kong ginamit ito. Shit! Bakit ba kasi kailangang tumakbo elaine? Hindi mo naman dala yung inhaler mo!

Pagkatapos kong gamitin iyon. Nakahinga-hinga na ako ng maluwag. Nakakaloka!

"Are you okay now?" Tanong saakin ni mj. Nang tumayo ako sa kama. Tumango nalang ako.

"Tara?" Sabi ni kristell. Nag thank you muna kami sa nurse at lumabas na kami ng clinic.

Napatigil ako sa aming paglalakad ng may mareiceve ako na unknown number.

Unknown number:

Let's meet up around plaza.

~louise.


Muntik ko nang mabitawan yung cellphone ko nang makita ko kung sino yung nagtext saakin.



How did he get my number? Nagpalit na ako ng bagong number para hindi niya na ako kulit-kulitin. Pero paano??



"Elaine? Bakit natigil ka ata?" Tanong saakin ni kristell. Nang mapansin niyang napatigil ako.

"Ah... it's nothing." I lied. Tsaka nginitian ko siya.



Makipag kita kaya ako? Parang gusto ko na ayaw ko? Gusto ko din siyang kamustahin. Kamusta na kaya siya ng malanding gf niya? Tsk.



"Anong order niyo?" Tanong ni mj. Nang makarating kami sa canteen.

"Ikaw na bahala." Sagot ko. Binaling ko si kristell. At nag anong-sayo- look. Ngumiti lang siya saakin, sign na ganun na din sa kaniya. Tumango na lang rin si mj. At pumunta na dun sa counter. Umupo na kami ni kristell.



Makipag kita kaya ako?? Pero paano su jasper?? Napailing na lang ako sa kawalan at tumingin sa paligid.



———*———

Mabilis lumipas ang oras at uwian na. Jusko! What to do? Kay jasper? O kay louise?!



Habang na sa tricycle kami ni mj, hindi ko pa rin talaga alam ang gagawin ko. Kanino ba ako papanig? Kay jasper or kay louise?



Nakarating na kami lahat-lahat sa bahay. Lutang parin ang isip ko. Agad naman akong sinalubong ni mommy ng yakap at kinamusta.



"How's school anak?" Tanong ni mommy.

"It's okay ma. Akyat na po ako sa itaas." Sagot ko. Tumango nalang si mommy at ginulo ang buhok ko.



Umakyat na ako sa taas at nagpunta na sa kwarto ko. Jusko! Bakit ka pa kasi nagparamdam louise? Kung kailan nasa stage na ako ng kinakalimutan ka na. Tsaka ka pa dunating!!



Nagpalit na ako ng pambahay na damit sabay humiga ako sa kama. Binalot ko ang aking sarili sa kumot ko at nagpaikot ikot sa kama.



"Kanino ba talagaaa?!!" Sigaw ko sa aking sarili.



Sa posisyon kong iyon ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

———*———

Nagising na lang ako sa hindi ko namalayang oras. 7:20 na pala. Agad akong tumayo at nagbihis ng simple lang.



Shit! Kanino ba talaga ako sasama? Pero, parang gusto ko talagang kamustahin si louise. Pero, parang gusto ko ding makasama si jasper?



Hatiin ko kaya katawan ko?



Aish!! Tutal maaga pa naman. Makikipag kita muna ako kay louise. Sorry jasper, kakamustahin ko lang si louise.



Pagkabihis na pagkabihis ko ay agad na akong bumaba. Nakita ko si mommy na naghahanda ng pagkain.


"Anak? Saan ka pupunta?" Tanong ni mommy.

"Ah... pupunta lang po sa plaza. May bibilhin lang." Sagot ko.

"Pero madilim na anak. Baka ma paano ka pa diyan?"

"No, mommy. Saglit lang naman po ako dun." Hindi na nakapag protesta pa si mommy at pinayagan ako.



Lumabas na ako ng bahay at nagpara na ng tricycle. Sorry talaga jasper.

————————————————

Haters to Lovers (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon