Marry Jean
Una palang pansin ko na talaga, simula lang nung sumayaw kami at nagpartner sila, lagi silang naguusap, lagi nila akong pinapauna. that's why ako lang lagi magisa nauwi.
Hindi ko lang pinapakita sa kanya na napapansin ko na, pinapalagpas ko lang noon, but now? muntik na nila akong iwan. sabi ko naman kay elaine hintayin niya ako saglit.
pero, wala! simula nung nanliligaw si jasper kay elaine, Unti-unti ko nang napapansin na minsan niya nalang ako kausapin. simula't simula pa lang. hindi naman ako tanga para hindi mapansin 'yon!
Wala siyang karapatan na pagsabihan ako ng 'Selfish' kaibigan niya ako. dapat alam niya yung oras niya saaming kaibigan niya. Dati naman hindi kami ganito, lagi siyang madaldal, pero ngayon? nawala na.
Hindi muna ako umuwi sa bahay nila elaine, dahil lagi akong na-diretso sa bahay ng tropa ko noon. Dalawa silang babae sabay isang lalaki.
———*———
"Oh? bakit napadpad ka nanaman dito Jean?" tanong saakin ni Joan, kaibigan ko.
"Pwede ba'ng papasukin mo muna ako sa loob?" masungit kong sagot sa kanya.
"Nasaan pala si Ian at Ivy?" tanong ko sa kanya ng makaupo ako sa couch.
"lumabas, may binili lang." sagot nito.
"bakit kailangan'g dalawa pa sila?" tanong ko.
"Aba! malay ko? itanong—" hindi na naituloy pa ang sasabihin ni joan, dahil eksatong dumating yung dalawa.
"oh! why are you here again jean?" Tanong ni Ivy.
"wag niyo nga akong questionin ng gan'yan! parang ayaw niyo akong patuluyin sa apartment niyo ah?" seryosong sabi ko sa kanila. pero natawa naman silang tatlo.
"masama ba magtanong alcantara ko?" sabat naman ni Ian. Bumaling naman ako sa kanya, sabay sinamaan ko ng tingin.
"Hindi mo ako pagma-may-ari Ian." Sarcastic kong sambit sa kanya.
"ow! basted na agad ako!" pagbibiro nito.
"Noon palang basted ka na talaga." sabi ko. nag 'aaww' naman sila Ivy at joan sa sinabi kong 'yun.
Noon palang kasi talaga. Grade 7, magkakaibigan na talaga kami noon. si Ian lang talaga ang natatangin lalaki sa barkada.
Paminsan inaasar nga namin siyang bakla eh, kung bakit saaming babae siya nasama, hindi sa lalaki. sabi niya naman, mas maganda daw kasama ang babae keysa lalaki. Bad influence daw kasi ang mga lalaki, kaya ayun!
Sobrang tagal ko na silang kaibigan, never kaming nagkalimutan, kahit may boyfriend na si Ivy, nasama pa rin siya saamin.
Hindi alam ni elaine na may kaibigan akong iba. Wala akong balak na ipaalam sa kanya, wala naman siyang pakialam eh.
"oy tama na 'yan! bakit ba kasi ayaw mo kay Ian? Gwapo naman siya ah?" sabat naman ni joan.
"Bakla kasi 'yan." Sagot ko.
napatingin naman silang lahat saakin at pinandilatan ako ng mata. grabe 'tong mga to.
"Bakla pala? halikan kaya kita gusto mo?" sambit ni Ian, sabay ngumisi siya.
"ayieeee!!" panunukso naman ng dalawa.
"halikan your butt, sapakin kaya kita gusto mo?" bigla naman siyang napaseryoso ang mukha. at 'yung dalawang bruha, ay natigilan din.
BINABASA MO ANG
Haters to Lovers (completed)
Teen FictionAS OF (10-8-18) HIGHEST RANK #356 IN TEEN FICTION. Isang transfer student sila Elaine Ramirez at Marry Jean Alcantara sa Dela fuente University. Elaine did not know na ang anak pala ng director ng D.L.U. Ay siya pala ang kinaiinisan niya. Sabi n...