(A/N: ayan po sa itaas si louise😊)
Louise
Kasalukuyang pinatay ko ang radio, dahil natatamaan ako sa lyrics ng kanta. Ewan ko ba dito kay elaine, kung bakit gustong gusto niya yung mga kanta ni ed sheeran?
"Sige na kasi!! Alam mo namang adik na adik ako kay ed sheeran eh, tapos 'yun kaya yung bago niyang kanta ngayon." Pangungulit niya saakin. Pinark ko muna yung sasakyan ko sa galid ng kalsada bago magsalita.
"Ayoko nga! Natatamaan ako sa lyrics!" Sambit ko sa kanya.
"Bakit ka naman natatamaan? Eh ang ganda kaya ng ly—" I cut her words.
"Sa chorus!!" Sagot ko. Bigla naman siyang natigilan.
"Ah... 'yung eto ba?...." she clear her throat before she sing -.-
"SO DON'T CALL ME BABY!! UNLESS YOU MEAN IT!..." halos mabingi ako ako sa pagkanta niya. Paano? Isigaw ba naman daw?
"Stop it elaine!!"
"No! I won't stop" aniya. Ngumiti ito saakin ng nakakaloko, sabay tinawanan ako.
"Why are you laughing?!!" Iritableng sabi ko sa kanya. Imbes na tumigil siya, mas lalo pa niya akong inasar.
"Hahaha!! Yung 'Baby' ba?? That is our Call sign before." Natatawang sabi nito. "...kaya ba natatamaan ka? Kasi 'don't call me baby'?" Dagdag niya pa
"Oo! Kaya please lang? Mamaya ka na magpatug-tog."
"Haha! Okay. Saan ba kasi tayo pupunta?" Sumeryoso ito.
"Basta. It's a surprise. Matulog ka na lang muna." Sunod-sunod kong sambit sa kanya. Tumango nalang siya at sumandal sa passenger seat.
Actually, pupunta kami sa Venice Grand Canal. Kung saan, doon ako sinagot ni elaine. Matagal ko na talaga itong pinagplanuhan.
Kaya ko lang naman nagawa 'yun sa kanya, dahil pinag-aral ako ni mommy sa canada. Gustohin ko man na mag stay dito, kaso nakaplano na ang lahat. Kaya ko nagawang makipaglandian sa babae na 'yon.
Akala ko, hindi na ako makakauwi dito sa pilipinas. Hindi ko alam kung bakit nagawa ko 'yun sa kanya. 'Yun dapat ang araw na ma-mamaalam ako sa kanya. Kaso hindi ko inasahan na mangyari na mahuli nila ako ni mj.
All those years, walang araw na hindi ko siya inaalala. Sinubukan ko siya na kalimutan, nakipag landian na ako sa mga babae, pero wala eh. Ang tanga ko!!
Kaya ngayon, hindi ko na papalagpasin pa.
———*———
Nakarating na kami sa taguig ng 7:10 pm. Pinark ko muna yung sasakyan ko bago ko ginising si elaine.
"Elaine, wake up. We're here." Nakangiti kong sabi sa kanya, habang ginigising ko siya. Dinilat naman niya yung mga mata niya.
"Asan tayo?" Tanong niya saakin.
"Secret. I'll show you later. Get up." Sunod sunod kong sabi sa kanya. Kinuha naman niya yung mga gamit niya. Sabay lumabas ako ng kotse ko. Dumaan ako sa harapan ng kotse, sabay pinagbuksan ko siya ng pintuan.
Naglakad na kami papasok ng venice.
"Remember this?" Nakangiting tanong ko sa kanya.
"Oo." Sagot niya.
"Dito mo ako sinagot." Nakangiting sabi ko sa kanya. At pumasok na kami sa loob.
Maganda dito tuwing gabi. Lalo na yung grand canal. Patungo kami sa tulay. Kung saan dito niya ako sinagot. Nilagay namin yung padlock dito. Sabay tinapon namin sa tubig yung susi.
BINABASA MO ANG
Haters to Lovers (completed)
Teen FictionAS OF (10-8-18) HIGHEST RANK #356 IN TEEN FICTION. Isang transfer student sila Elaine Ramirez at Marry Jean Alcantara sa Dela fuente University. Elaine did not know na ang anak pala ng director ng D.L.U. Ay siya pala ang kinaiinisan niya. Sabi n...