[December]
Elaine
Months had passed. diperas ng pasko ngayon. Ito ang unang pasko na, kasama namin si jasper. sabi ni tita janice, saamin daw sila magpapasko.
Nung nalaman nga ni tita janice na sinagot ko na si jasper, sobramg tuwa nito.
***Flashback***
Kasama nami'ng pumunta sa bahay nila jasper sila; vince, kristell, mj at jigz. habang ako naman, walang ideya kung ano ba ang gagawin namin sa bahay nila jasper.
kasalukuyan'g nasa tapat na kami ng gate nila jasper. nagdoor bell naman si jasper, agad naman'g pinagbuksan kami ng pintuan ni manang.
Agad naman kaming sinalubong ni tita janice pagkapasok na pagkapasok pa lamang namin sa loob.
"Oh!! Tapos na ang party anak?" Malaumanay na sambit ni tita janice kay jasper. Tumango naman ito.
"Oh bakit naparito kayo?" Tanong naman ni tita janice saamin.
"Tita may good news po kami sainyo." Naeexcite na sagot ni vince kay tita. Napangiti naman si tita sa sagot ni vince.
"Really? What was it?" Sambit ni tita
"Si jasper na po mismo ang magsasabi sainyo tita." Sabi ni vince. Tumango si tita, sabay bumaling si tita kay jasper. Sinenyasan naman ako ni jasper na sumunod sa kanya. Umupo kaming tatlo sa couch, banda sa tv.
"Ma, 'wag ka po'ng mabibigla sa sasabihin ko ah?" Seryosong sabi ni jasper, sabay hinawakan nito ang kamay ko ng mahigpit.
"Ma... girlfriend ko na po si elaine." Seryosong tugon nito kay tita. Natigilan naman si tita saglit, sabay nagulat kami ng bigla itong tumili at nanlaki ang mga mata niya.
"Really? Ngayon lang? Omg!!" Napatakip naman si tita sa kanyang bibig, dahil base sa kanyang expresyon. Hindi ito makapaniwala.
"Yes ma." Nakangiting sagot ni jasper. Agad naman'g niyakap ni tita si jasper.
"Binata na ang anak ko." Paglalambing ni tita, dahilan para matawa ako sa kanya.
"Ma!!" Pagsaway ni jasper kay tita, natawa lang si tita sa inasal ng kanyang anak. Napatingin ito saakin.
"Elaine, tara nga dito. Alam mo ba 'tong si jasper-" pinutol na agad ni jasper ang sasabihin ni tita ng agad niya itong sinuway.
"Ma! Stop it!" Parang batang inapi si jasper sa kanyang expresyon.
"Haha, nevermind. Kain muna tayo doon." Pagyaya ni tita. Agad naman akong umiling. Busog pa ako god!
"'Wag na po tita, busog pa po ako." Sabi ko.
"Anong tita, tita ka diyan? Mula ngayon, call me ma or mommy too." Nakangiting sabi ni tita saakin.
"O-Okay po t-tita- ay este ma. Hehe." Para akong tanga sa inasal ko ngayon. Ang aukward phew!
"Ma, hatid ko na si elaine sa bahay nila. 11pm na rin kasi ng gabi." Pagiiba ng usapan ni jasper. Tumango naman si tita- ay mommy pala. Sabay tumayo ito, hudyat na ihahatid kami sa labas.
"Hindi na ba talaga muna kayo kakain dito?" Pahabol na tanong ni tita.
"Hindi na po!" Sigaw naming lahat.
"Oh sige, ingat kayo ha?" Sabi ni tita, sabay inihatid na kami sa labas.
***End of flashback***
BINABASA MO ANG
Haters to Lovers (completed)
Teen FictionAS OF (10-8-18) HIGHEST RANK #356 IN TEEN FICTION. Isang transfer student sila Elaine Ramirez at Marry Jean Alcantara sa Dela fuente University. Elaine did not know na ang anak pala ng director ng D.L.U. Ay siya pala ang kinaiinisan niya. Sabi n...