JasperBumyahe kami ni elaine papunta ng tagaytay. Pero siyempre hindi ko ipinaalam sa kanya kung saan kami pupunta. Kanina pa nga siya tanong ng tanong eh.
"Huy! Saan ba kasi tayo pupunta?" Iritableng sabi niya 'tas nag crossed arms. Natawa naman ako sa inasal niya.
"Sorry. But i can't tell you." Sagot ko. Bigla naman niya akong hinampas sa braso "aray!" Sabi ko sabay hawak sa braso ko.
"Tsh. 'Sorry. But i can't tell you.'" Pang gagaya niya sa sinabi ko kanina na may kasama pang pagma-make face "...ano bang meron, at hindi ko pwedeng malaman?" Sabi niya sabay ngiwi. Nginitian ko naman siya.
"Wait for it! Malapit na. Hold on." I said, kinuha ko sa bag ko yung hoodie na binili ko kahapon nung pinauwi ako ni mommy.
***flashback***
Nasa kalagitnaan ako ng aking paglalakad nang bigla akong napahinto. May nakita akong hoodie na color pink, pumasok ako sa loob ng store.
"Ah... excuse me? Magkano po sa color pink na hoodie na ito?" Turo ko doon sa hoodie na pink.
"250.00 po sir, kuninin niyo po ba?" Tanong ng babaeng maikli ang buhok, at mukhang nahihiya pa saakin.
Phew -.-
"Oo." Maikling sagot ko
"Para sa girlfriend niyo po ba sir?" Napatingin naman ako sa tanong niya
"Ah... hindi. Sa kaibigan ko lang ito ibibigay."
"Ah...." sabi niya nalang tapos natawa siya.
Nilagay niya na sa paperbag yung hoodie na binili ko, tapos lumabas na ako ng store.
Bigla naman akong napaisip. Teka... bakit ko ba ito binili? Tssh!! At teka... sinabi ko bang ibibigay ko 'to sa kaibigan ko? It means si elaine? What the... napakamot nalang ako sa batok ko.
"Ah alam ko na!!" Sabi ko sa sarili ko. Alam ko na! Ipapasyal ko siya sa tagaytay! Beng! Ayun 'yun! Dahil sa naisip kong iyon tumakbo na ako pauwi ng bahay.
***End of flashback***
"Oh." Sabi ko. Inabot ko sa kanya yung pink na hoodie. Napakunot noo naman siya.
"Anong gagawin ko dito?" Tanong niya. Pheww! Ang slow neto.
"Kakainin mo yan." Sabi ko, tapos tinawanan ko siya, hinampas niya naman ako sa braso. "Aray!! Nakakadalawa ka na ah?! Humanda ka talaga saakin mamaya!"
"Yeah. Yeah." Nginitian niya ako saglit pagkatapos inirapan niya ako. Tumawa na lang ako. Pero hindi niya na ako hinampas, dahil dumungaw na siya sa bintana ng kotse.
"Matulog ka muna. Mga 30 minutes nalang makakarating na tayo sa pupuntahan natin. Wear this jacket. Baka lamigin ka mamaya." Sabi ko sa kanya. Tumango nalang siya at sinuot niya yung hoodie.
Sumandal ako sa upuan at ipinikit ang aking mata. Iidlip lang muna ako.
———*———
Finally!! Nakarating na rin kami sa sky ranch, tagaytay. Gaya nga ng sinabi ko, dito ko talaga siya balak ipasyal.
"So, dito pala tayo pupunta? Kaya pala may pa jacket-jacket ka pang nalalaman, sus!" Sabi ni elaine.
"Opo madam. Baka mamaya lamigin ka diyan ng wala sa oras eh. Lagnatin ka pa!" Sabi ko.
"Whatever." Sabi niya tapos inirapan niya ako.
BINABASA MO ANG
Haters to Lovers (completed)
Teen FictionAS OF (10-8-18) HIGHEST RANK #356 IN TEEN FICTION. Isang transfer student sila Elaine Ramirez at Marry Jean Alcantara sa Dela fuente University. Elaine did not know na ang anak pala ng director ng D.L.U. Ay siya pala ang kinaiinisan niya. Sabi n...