Chapter 39

1.7K 56 1
                                    

Elaine

Matapos lumipas ang dalawang subject namin, ay agad na kaming dumiretso sa soccer field. Hindi muna kami magmi-mirienda. Kanina pa kasi tanong ng tanong si kristell, about sa letcheng ex. Ko.



Nag indian sit kaming tatlo sa may soccer field. Buti nalang walang masyadong tao rito. Nasa canteen lahat ng mga estudyante.


"So ano na? Hindi ko kayo magets." Pagsisimula ni kristell. Bumuntong hininga muna ako bago magsalita.

"Bakit ba kasi gusto mo pang malaman? Nakakainis ka talaga." Pagbibiro ko. Sabay pabiro ko siyang hinampas sa braso.

"Eh kasi... andaya niyo'ng dalawa. Ako lang yung hindi nakakaalam. Ano ba kasing nangyari? Ang gwapo pa naman ni fafa louise." Kilig na kilig na tugon nito.

Ano raw? 'Fafa' kajejehan netong babaita'ng ito!!

"Fafa?" Tanong ko sa kanya.

"Ah... hehe. Oy ano na? Anong nangyari, at bakit nagbreak kayo?" Pangbalik nito sa usapan namin. Bumaling muna ako kay mj. Sumangayon na lang siya at tinitigan nalang ang soccer field.

"Me and mj, caught him flirting with girl sa cr. So siyempre hindi lang dun yun. Pinag-antay niya pa kami sa labas ng mall nun? Tapos may kalandian lang pala siyang haliparot? Kapal ng mukha niya!!" Gigil kong tugon.

"Really? Did he do that? Pero walang second chance?" Sunod sunod nitong tanong saakin. Bigla akong napatingin sa kanya.

"Second chance? I don't believe in second chance." Matabang kong sagot sa kanya.

"Why?"

"Basta. Wag mo nang tanungin okay?"

"Okay. Pero i believe in second chance." Aniya.

"Bakit naman? May experience ka na?"

"Nope. Para bang si popoy at bashang diba? Why don't you give him a 2nd chance?"

"Seriously, kristell? Bakit nadamay sila popoy at bashang dito?"

"Wala. Favorite movie ko kasi yun. Hehe."

"Well. Hindi kami si popoy at si bashang—" naputol na tugon ko nang biglang tumayo si mj at nagsalita.

"Tara na. Gutom na ako." Ani mj. Tumayo na kaming dalawa ni kristell. Sabay kinuha ang mga gamit namin.

"Tara." Ani ko. At tinahak na namin ang daan papunta sa canteen.

———*———

Teka... bakit ang dami naman atang tao sa canteen ngayon? Ano bang meron?



Pumunta ako sa direksyon kung saan, ang daming nagkukumpulang tao. Teka... bakit ganito naman ata karami ang tao dito sa canteen? May artista ba? Andito ba si ed sheeran? O kaya si taylor swift??


Nakisingit ako sa mga babaeng nagkukumpulan, malapit sa counter.


"Oy mga haliparot! Magsitabi nga kayo!! Nakaharang kayo diyan sa counter oh?!" Sermon ko sa kanila at pinagtutulak ko sila. Nakaharang kaya sila tsk. Pagkaalis ng mga haliparot na nagkukumpulan dito, nalaglag ang panga ko kung sino pinagkakaguluhan nila.

Si louise -.-

Kala ko naman kung sino? Kala mo naman talaga ngayon lang nakakita ng gwapong lalaki eh.


Wait... what? Gwapo ba si louise? Hmm... dati oo??? Pero ngayon, mukha siyang pakboy.



"Excuse me. Doon po ang table hindi dito." Sarcastic kong sabi sa kanya sabay turo muna sa mga table dito sa canteen at binalik ko ang turo dito sa counter.

Haters to Lovers (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon