Chapter 48.3

1.7K 64 0
                                    

Jasper

Kasalukuyan'g pababa na ako galing rooftop. Kakatapos ko lang ayusin ang inihanda kong plano para kay elaine.

Pakiramdam ko, slow dance na ata ang kaganapan ngayon? Kasi dinig hangganh rooftop yung electronic na music kanina eh. Tapos bigla na lang natigil.

Dinaial ko ang number ni vince. Para siguraduhing nasa tamang oras na ako sumulpot.

"Hello, vince?" Sabi ko sa kabilang linya, nang masagot na ni vincent ang tawag ko.

"Yow, bakit jas?" Tanong niya.

"Ano na? Pwede na ba akong sumulpot diyan?" Tanong ko din sa kanya.

"Hmm... yeah. Naganounce na din yung host na, slow dance na ang next. Nagpe-prepare lang yung perxeus." Sagot nito. Dinig ko pa ang mga hiyawan ng mga tao sa kabilang linya.

"Perxeus?" Takang tanong ko sa kanya.

"Oo bro, perxeus. Wait... hindi mo 'yun alam?" Tanong nito.

"Oo. Sino o ano ba 'yun?" Tanong ko din.

"Woah, sikat yun dito saatin ah? Banda 'yun bro." Sagot niya.

"Ah... oh sige na, pababa na din ako. Kakatapos ko lang ayusin yung plano ko." Sambit ko.

"Sige bro, bye." Bago pa man niya ito patayin. Rinig na rinig ko ang mga hiyawan ng mga tao sa kabilang linya. Siguro nga dahil do'n sa perxeus.

Ilang saglit pa, nakarating na ako sa gym. Halos lahat ng mga tao na sa gitna ng dance floor. Hinanap ng mga mata ko si elaine.

Sa paghahanap ko sa kanya, sa di kalayuan. Nahagip ng mga mata ko siya. She was wearing pink quinceanera gown. At black maskara. Kahit naka maskara ito, namumukhaan ko agad siya. She was damn beautiful tonight.

Sinimulan ko nang tahakin ang daan papunta sa kinaro-roonan niya. Bumilis ang tikbong ng puso ko, nang tumingin siya saakin. Shit, ang lakas talaga ng tama niya saakin.

Nang makalapit ako sa kanya. Parang kami lang dalawa ang nandirito, ewan ko din ba? Parang hindi ko naririnig ang mga tilian ng mga tao dahil sa bandang nasa gilid ng stage.

Inilahad ko ang aking kamay ko sa kanya. Natigilan pa ito saglit, sabay ibinigay niya ang kanyang kamay sa kamay ko.

She was so damn beautiful, ang mapupungay niyang mga mata. Naakit ako ng sobra, kahit pa nakatakip ito ng maskara.

Hindi ko inalis ang titig ko sa kanya, feeling ko onti na lang, parehas na kaming matutunaw nito.

"You owned me. So stop staring like that, at baka matunaw ako niyan. Ang sarap mo din'g titigan. Parang ayoko nang alisin ang tingin ko sa'yo." Bulong ko sa kanya. Kunti na lang, sasabog na ang puso ko sa sobrang kaba, na ewan? Tsk. Para akong bakla neto.

"J-Ja-Jasper??" Tanong niya na parang wala sa sarili. Shit, ano ba 'tong nararamdaman ko? Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nababakla na ata ako? Ewan ko ba dito. Sasabihin ko na kaya sa kanya?

Tinitigan ko muna siya ng ilang saglit sabay...

"Yes." Sabay ngumiti ako ng abot tainga. Hindi ito nakapagsalita. Tinitigan lang ako nito.

[Now Playing: Thousand Years By Christina Perri]

nagsimula na kaming pumwesto sa gitna ng dance floor, dahil sinisimulan na ng perxeus na tumugtog. 'Thousand years' ang kanta.

...Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave?...

Sinimulan na naming gumalaw, kahit hindi ako marunong nito, sinusundan ko lang ang bawat hakbang niya.

Haters to Lovers (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon