Elaine
7:50 pm, nakarating na kami sa gym. Ng school, medyo marami rami na din ang mga tao dito. Agad ko namang inilibot ang mga mata ko sa loob ng gym, pero sawi akong hanapin si jasper.
"Uy!! Andito na pala kayo elaine, jm eh!" Muntik na akong mapatalon ng bigla'ng lumapit at magsalita si kristell kasama niya si vince, sa harapan namin.
"Ay hindi, nasa bahay palang kami." Sarcastic kong sabi.
"Baliw! Anyway, you two are look stunning tonight." Nakangiting sambit nito.
"Ikaw din, wow! Mukhang rainbow theme ata ang suot mo kris?" Tanong ko rito.
"Aba shempre naman ano?! Rainbow quinceanera gown 'to! Color ng unicorn!" Sabi nito.
"Sabagay." Sabi ko na lang.
"Jm! Omg! Ikaw ba talaga 'yan? You're so damn beautiful tonight. Ngayon lng kita nakitang naka make up- and wait! Bakit ka naka black gown? May lamay ba?" Tuloy tuloy nitong sabi kay mj.
"Walang lamay, paborito ko kasi ang black, ayoko ng pink. Pang bata." Seryoso'ng sabi ni mj. Nataman naman ako sa sinabi niya.
"Grabe ka mj! Hindi naman sa pang bata yung pink eh!" Dipensa ko.
"Basta, gano'n na din 'yon." Sabi pa ni mj. Hindi na kami nagsalita pa, at naghanap na kami ng table namin.
Actually, kanina ko pa gustong itanong sa kanila kung nasaan si jasper, pero nahihiya ako. Siguro, late lang 'yun.
Napalingon naman kaming lima, nang may biglang may nagsi 'woah' sa gym.
Well, well, well. Wala talagang kukupas sa bruhang malandi. Yayks! Hindi talaga 'to papatalo! She was wearing, navy blue gliterry gown, with heart shaped tube. Cocktail yung sa dulo ng gown niya.
Naka curly ang kanyang medyo brown na buhok, sabay ng kapal ng make up niya, sa kapal din niyang pagmumukha.
Mas lalo kong pinagmasdan kung sino yung date niya. And wait! Parang si... si louise! Landi talaga nitong babae na 'to lahat papatusin.
"Masquarade queen na siya niyan?" Sarcastic na sabi saamin ni kristell, habang nakatingin sa bruhang sam.
"Well, ano pa nga ba? Campus queen siya eh, shempre masquarade queen 'yan." Sarcastic ko din'g sabi.
"Ang hot ni sam." Nabaling kami'ng lahat nang biglang sumingit si vince sa bulungan namin ni kristell.
"Anong sabi mo?!!" Iritableng tanong ni kristell kay vince.
"Ang sabi ko, ang hot ni sam-" naputol ni vince ang kanyang sasabihin, dahil hinampas ni kristell si vince sa braso niya.
"Hot? Ah gano'n? Edi pumunta ka do'n kay sam. Mag-attack on titan kayo!!" Iritable nitong sabi.
"Uy! Joke lang 'yun bebe ko. Ang sabi ko, ang hot lang ni sam. Pero ikaw sexy." Napangiwi naman kaming dalawa ni mj, sa corny ng pambobola ni vince, sabay si jigz naman tumawa.
"Ew! Ang corny mo vince." Natatawang sabi ni kristell.
"Pero mahal mo." Sagot ni vince, natigilan naman si kristell.
"Hep! Tama na nga 'yan! Sobrang PDA niyo nang dalawa eh." Singit ni jigz.
"Sus, hindi mo lang talaga tanggap na busted ka na agad kay mj, kahit hindi mo pa siya nililigawan." Sabi ni vince, sabay ngumisi ito.
"Oh? Bakit ako nasali diyan? Magsitigil na nga kayo, maguumpisa na oh!" Sermon ni mj sa dalawa.
Eksakto namang umakyat na sa stage yung host. I was wondering, asan kaya si jasper? It's already 8:16 pm.
BINABASA MO ANG
Haters to Lovers (completed)
Teen FictionAS OF (10-8-18) HIGHEST RANK #356 IN TEEN FICTION. Isang transfer student sila Elaine Ramirez at Marry Jean Alcantara sa Dela fuente University. Elaine did not know na ang anak pala ng director ng D.L.U. Ay siya pala ang kinaiinisan niya. Sabi n...