Elainemy god! eto na yung araw na sasayaw kami, hay nako! nakakaloka talaga! hindi pala kami pumasok ni mj ngayon, sabi namin wag na kaming pumasok ipunin nalang namin yung lakas namin para mamaya. wala naman sigurong gagawin sa school eh, may event kasi
it's 10:00 am na pala. lumabas na ako ng kwarto at bumaba na sa hagdan papunta sa dining area. nakita ko sila dung nakain na, ano ba yan! hindi man lang ako pinatawag ni mommy. umupo na ako sa upuan at kinuha ko yung sinangag, bacon, sunny side egg, longganisa, hot dog. saraaapp!!!
"baby? ang dami naman ata ng kinuha mo? nagutom ka ba?" tanong saakin ni mommy, napatigil naman ako sa pagsubo
"ah... eh... hindi naman po sa gutom ako, ang sarap kasi talaga ng breakfast mommy eh" sagot ko, napatawa naman si mommy
"ah okay baby, dahan dahan lang sa pagkain baka mabilaukan ka ha?" malambig na sabi ni mommy, god! oo aaminin ko tomguts talaga ako! nagca-crave ako sa baconssss!!
maya maya pa ay natapos na akong kumain. sinenyasan ko si mj na pumunta kami sa garden, dahil may sasabihin ako sa kanya
sumunod naman siya saakin sa garden at umupo kami sa may bench
"oh bakit?" tanong niya saakin
"kinakabahan ako mj" sagot ko
"tss, bahala ka, ikaw pa naman ang lead dancer dun tas kakabahan ka ng ganyan, don't worry andun naman si jasper eh" sabay ngiti niyang nakakaloko, hinampas ko nga "aray!!"
"seryoso kasi ako" sabi ko sabay irap sa kanya
"wag mo ako iniikutan ng mata jan, tanggalan kita ng mata. anyways, sinasabi ko sayo wag kang kabahan, andun naman kami eh! hindi ka nagiisa oy!"
"oo na, pero kasi nakakakaba talaga mj, baka mamaya pahatirin ako ng bruhang sammanthang yun! napaka pa naman nun psh!"
"hayaan mo, kapag may ginawang kagagaguhan sayo si sammantha makakalbo yun haha!!" at tumawa kami ng tumawa
"thank you ng marami talaga mj" sabi ko sa kanya at niyakap ko siya, inalis niya naman ako sa pagkakayakap ko sa kanya
"tss, ang corny mo" sabi niya at tumayo na siya. bumalik nanaman siya sa pagiging cold niya pshhh. tumayo na rin ako at umakyat na sa taas.
jusko!! kinakabahan talaga ako, ano kaya itsura ni mokong? gwapo kaya siya? what the?! ano ba tong pinagiisip ko? mukha akong tanga psshhh!!! pumasok na ako sa kwarto ko at sinara ko ng malakas yung pintuan, humiga ako sa kama ko. hay nakooo!!!! mababaliw na talaga ako
-----*-----
lumipas ang oras at 11:40 na inaayusan pala kami ni mj ng buhok. ang arte kasi ni mommy eh, sabi ko kami nalang ang magme -make up eh, talagang mapilit si mommy nagdala talaga ng parlorista dito pshh
maya maya pa ay natapos na kaming ayusan ng buhok at minake up-an
"baby, you're so beautiful" sabi saakin ni mommy, nginitian ko naman siya
"thanks mom" masayang sagot ko
"tara na, baka andun na silang lahat" sabi naman ni mj, at lumabas na kami ng kwarto. sumakay na kami ng kotse at nagpunta na sa school
after a while, nakarating na kami sa school. my gosh! ang crowd sa gym, bakita namin si ms. fernandez, pinadaan kami sa likod kasi masyadong crowd kapag sa main entrance kami dumaan, nag bye bye kami ni mommy sabi ko sa kanya pumunta na siya dun at okay na kami ni mj dito
"god girls, bakit ang tagal niyong dumating? nasa practice room silang lahat kanina pa kami nagpa-practice dun, at isa pa! wala pa si mr. dela fuente! my god! ms. ramirez, kayo pa man din ang lead dancers pero late na kayong dumating!" panenermon ni ms. fernandez saamin, napayuko naman ako sa sinabi ni ms
"sorry po ms." sabi namin
"ah! tara na nga sa practice room, 30 minutes nalang magstart na"
at pumunta na kami sa practice room. pagkarating namin doon, oo nga andito na nga sila. hinanap ng mga mata ko si mokong, wala siya dito? anyare dun? umupo kami ni mj. sa dalawang upuan sa likod
"asan yung partner mo? lead pa man din kayo nun" sabi ni mj
"malay ko ba dun? bat' mo saakin tinatanong? ano ko ba siya? psh" asar kong sagot
"tss, diba may number ka ni jasper? itext mo gaga!" sabi niya
"eh?? paano mo naman nalaman? ikaw ba yung nagbigay sakanya ng number ko?"
"oo"
"BAKIT MO BINIGAY?!" sigaw ko sakanya, napatingin naman saamin yung mga members namin shit!! bwisit kasi tong si mj!!
"ang ingay mo"
"buwisit ka kasi"
"ewan ko sayo, tawagan mo na si jasper dalian mo! anong oras na oh? kailangan natin ng last practice ano ba!"
hindi ko nang nagawang magprotesta at dinaial ko na yung number ni mokong
*ring.... ring... ring...*
argh!! bat' ang tagal niyang sagutin? nakakabadtrip!! maya maya pa ay...
[the number you dialed is bussy right now, please call later]
aishh!!!!
"oh ano?" tanong ni mj
"hindi niya sinasagot!!!" sigaw ko
"ay fuck! paano na?"
"ewan ko? wait i message ko siya"
To: mokong
hoy! mokong! asan ka ba? are you insane? kanina ka pa namin hinahantay dito sa practice room! nagagalit na si ms. fernandez! pati ako sinesermonan na!!
*sent*
"oh? nagreply ba?" tanong ni mj
"pwede ba mj? wag mo nga akong tanungin lalo ako nababadtrip eh!"
"okaaayy!"
*ting!!*
agad kong binuksan yung phone ko at thanks naman at nagreply si mokong
From: mokong
Rooftop.
O___o?! bakit siya andun? tumayo ako sa upuan ko at tumakbo papalabas. narinig ko sila ms. fernandez at mga members namin na tinatawag nila ako pero hindi ko sila nilingon umakyat ako papunta sa rooftop
grabe 5th floor pa kaya yun! psh! buwiset ka talagang mokong ka! ang haggard ko na arghhh!!!
nakaakyat na ako sa rooftop, hinanap ng mga mata ko si mokong at ayun! nakita ko na pinuntahan ko siya at hinampas sa braso
"aray!! ano namang hampas yan?!" sigaw niya saakin
"letche ka! pinaakyat mo pa ako dito?! alam mo bang kanina ka pa hinahanap ni ms. fernandez?! pati ako pinapagalitan na din eh! tinatawagan kita hindi mo sinasagot tapos andi---" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi
O______O
O___________O
at the second time, hinalikan niya ako. tinutulak ko siya papalayo pero hindi ko makaya dahil ang lakas ng pagkakahawak niya sa braso ko. hindi ko rin maintindihan dahil napapikit narin ako, hindi ko alam kung bakit sinusunod ko yung paghalik niya saakin, hindi ko rin alam kung bakit nagustuhan ko yung mga halik niya.
bigla naman akong natauhan, dahil sa ginawa ni mokong tinulak ko siya ng napakalakas at napasandal siya sa ding ding.
shit?! anong ginawa mo elaine?!
--------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Haters to Lovers (completed)
Roman pour AdolescentsAS OF (10-8-18) HIGHEST RANK #356 IN TEEN FICTION. Isang transfer student sila Elaine Ramirez at Marry Jean Alcantara sa Dela fuente University. Elaine did not know na ang anak pala ng director ng D.L.U. Ay siya pala ang kinaiinisan niya. Sabi n...