Elaine
Pagkatapos ng mga nangyaring iyon. Hindi ko alam kung ano bang ire-react ko. Kung matutuwa ba ako o maasar sa kanya?
Nasa canteen pala kami ngayon. Kasama kong kumakain sila kristell at mj. Buti nga nasama na saamin si kristell eh. Akala ko forever na siyang sasama dun sa boyfriend niya tsk!
"Anyway, sabi pala ni miss morado, Yung home room teacher natin. May papasok daw na transferee after lunch break." Tugon ni kristell
"Huh? Sino raw? Babae ba o lalaki?" Sunod sunod kong tanong.
"Hmm. Lalaki daw eh. My god!! Sana wafuu!!" Kilig na kilig na sagot ni kristell.
'Tong babae talaga na ito!
"Nako! Sumbong kita kay vince ha?!" Pagbibiro ko. Agad naman siyang natigilan sa pagkabaliw niya sa kilig at sumeryoso ang mukha nito.
"Lah! Nagbibiro lang naman eh." Aniya. Hindi ko siya sinagot, sa halip tinawanan ko na lang ito.
"Okay! Okay! Tama na yan. Kumain na kayong dalawa diyan. Magaasaran nanaman kayo eh." Seryosong sabi ni mj. At parehas naman kaming napabalikwas ni kristell.
Pagkatapos naming magasaran,magkwentuhan at kumain, agad na kaming pumunta sa room section B.
Jusko! Sino kaya yung bagong transfer? Kinakabahan tuloy ako.
---*---
Matapos namin tahakin ang daan papuntang section B. Ang homeroom namin kay ms. Morado. Agad na kaming pumasok sa loob. Mukhang andito na nga sila. Pero shempre umupo kaming tatlo sa pinakadulo.
"Okay class. Settle down. Kaya ko kayo pinatawag dahil meron tayong bagong transferee." Ani ms. Morado.
"Ano raw? New student?"
"Kaya nga transferee diba?!"
"Tsh! Lalaki kaya o babae?"
"Sana bes, lalaki ano!"
"Oo nga!! Tas ang gwapooo kyaah!!"
Ayan ang mga naririnig kong bulungan ng malalandi naming kaklase. Kaloka 'tong mga babaitang ito.
"Pasok ka na hijo." Tugon ni ms. Morado sa lalaking nasa labas.
Sino kaya siya??
Agad naman nalalaglag ang panga ko, nang pumasok na yung lalaking transferee. Napatingin naman ako kay mj. Maski siya nanlaki din ang mata niya.
"What the fuck?!" Bulong ni mj na may halong inis. "Bakit siya pa? Kingina naman oh?!" Bulalas pa nito.
"Jusko!" Napa sampal nalang ako sa mukha ko at yumuko nalang. Para hindi niya ako mamukhaan. Ghad! Sa dami-dami ng pwedeng transfer student bakit siya pa?
"Can you intruduce your self hijo?" Tanong ni ms. Morado sa kanya. Tumango lang ito at pumunta sa harapan.
"Hello my fellow classmates. I am Louise Eavans Maravilla." Sagot nito.
"Kyaahh!! Ang gwapo ng boses!!"
"Omg!! Ang gwapo din niya!!"
"Kyaaahhh!! Akin ka nalang!"
BINABASA MO ANG
Haters to Lovers (completed)
Teen FictionAS OF (10-8-18) HIGHEST RANK #356 IN TEEN FICTION. Isang transfer student sila Elaine Ramirez at Marry Jean Alcantara sa Dela fuente University. Elaine did not know na ang anak pala ng director ng D.L.U. Ay siya pala ang kinaiinisan niya. Sabi n...