Elaine
lunes na naman! miss ko na si kristell. bruha talaga 'yong babae na 'yon! nagkajowa lang eh, hindi na sumasama saamin. sa pagda-drama kong 'yon bumangon na ako sa kama. agad akong nagtungo sa banyo para maligo na. 7:00 am na kasi.
pagkatapos kong maligo nagbihis. bumaba na ako at nagtungo sa dinning area. natanaw ko sa hindi kalayuan sila manang. nagaasikaso sila ng hapag-kainan. agad naman akong tumakbo papalapit doon.
"manang, si mommy po?" tanong ko kay manang. sabay upo ko
"nasa itaas pa hija, may kinuha lang." sagot ni manang. tumango na lang ako. nagsandok ako ng sinangag, kumuha ako ng tatlong bacon, pork adobo at nilagyan ko ng orange juice ang baso sa harapan ko.
hindi ko na sila aantaying bumaba. sinumulan ko ng kumain. ang sarap ng breakfast shet!!
nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko yung kagabing binigay saakin ni mokong yung T-shirt na sheep. ganito kasi yung nangyari:
***flashback***
nasa tapat na kami ng bahay. pinagbuksan niya ako ng pinto at ihinatid ako hanggang sa loob ng bahay namin.
"ah... jasper? thank you sa araw na ito, naging masaya ako promise." aniko. nginitian ko siya tapos nginitian niya din ako pabalik.
"hindi ka pa ba uuwi? 9:00 na din eh. baka kung anong mangyari sayo diyan. alam mo namang maraming loko loko dito." dagdag ko pa.
"hmm... hold on, may ibibigay ako sayo. diyan ka lang." aniya. lumabas siya at bumalik ulit sa kotse. may kung anong hawak siyang paper bag. napakunot naman ang noo ko nang ibinigay niya ito saakin.
"para saan naman 'to?"
"hmm... wala lang, basta buksan mo nalang 'yan kapag nakaalis na ako." sagot nito. "...ah elaine, alis na ako. basta buksan mo 'yan magugustuhan mo 'yan swear. bye." dagdag pa nito sabay tuluyan nang umalis. isinarado ko ng mabuti ang pinto at nilock ito.
agad akong nagtungo saaking kwarto. tumakbo na agad ako sa kama at nagmamadaling buksan ito. pagkabukas na pagkabukas ko nito, ay agad nanlaki ang mata ko.
geez! its sheep T-shirt then color pink ang color. ang ganda shet! ipinatong ko pa iyon sa katawan ko at nagpagulong gulong sa kama sa sobrang galak ko.
***end of flashback***
at iyon nga yung nangyari. geez! nakatulog akong nakapatong lang 'yon sa katawan ko. hindi ko na nailigpit dahil agad akong nakatulog dahil sa kapaguran.
eksaktong pagtapos kong kumain, ay naririnig ko na ang foot step nila mommy. agad akong tumayo at mabilis na umakyat sa kwarto ko. napakunot noo naman sila mommy sa inasal ko, pero hindi ko na iyon pinansin at pumasok na ako sa kwarto ko.
kinuha ko na ang gamit ko. nagpulbos at nagpabango nalang ako. nagmamadaling lumabas ako ng kwarto ko, pati pagbaba ng hagdan nagmamadali pa rin ako. ewan ko ba kung bakit nagmamadali ako? hindi pa naman ako late, 7:30 palang naman.
akmang bubuksan ko na ang pintuan nang bigla akong tinawag ni mommy.
"anak? bakit ka nagmamadali? did you eat already? maaga pa ah?" sunod sunod na tanong saakin ni mommy. napaharap naman ako.
"ah... the thing is... may aasikasuhin po ako sa school. ah oo tama!! hehehe" natatarantang ani ko. hindi ko na hinintay ang sagot ni mommy. lumabas na ako ng bahay at pumars ng tricycle.
ano ba itong ikinikilos ko? bakit ako nagmamadali? wala rin naman akong apointment? wala rin naman akong gagawin gayong, napakaaga pa.
Nakarating ako sa school ng 7:45 am. Dinala ako ng aking mga paa sa kung saan man. Ewan ko ba? Parang lumilipad ang isipan ko simula pa kagabi. Sariwa pa saaking utak yung sinabi ni jasper sa lalaking tumabi saakin
"One step toward her, You'll see the real hell in front of you."
Pakshet naman oh! He is driving me crazy! Sa paglalakbay ng aking mga paa, hindi ko namalayan nasa tapat na pala ako ng class room.
Wala sa husay akong pumasok sa room.
"Ay kalabayo!!" Muntik na akong hikain nang mabangga ko si jasper.
>>____<<!!
"Huh? Kalabayo?? Ano yun?" Sunod sunod nitong tanong.
"A-ah... ka-Kalabaw na Ka-kabayo y-yon..." shit? Bakit ako nauutal? Hindi ko na hinantay ang sagot niya at dumeretso na ako sa upuan ko.
Napasampal - hilamos naman ako sa nangyaring 'yon! Shet! What was wrong with me? Bakit ganon? Ba't nauutal ako? Bakit bakit?!!! Sunod sunod kong tanong sa isipan ko.
"HOY!!!" Muntik na akong mapatalon nang hampasin ni kristell ang table ko.
"Ay Kalabayo!!" Wala sa sarili kong sabi. Kingina neto! Pag ako talaga inatake ng hika ng wala oras... nako!
"Kalabayo?" Tanong niya.
"Tsh. Don't ask! Umupo ka na nga sa upuan mo! Don't make me embrassed to you!!" Sigaw ko sa kanya. Pinanlakihan niya lang ako ng mata. Hindi na siya sumagot pa at umupo na sa kanyang upuan.
Yumuko na lang ako sa desk ko. Shit naman! Maski sarili ko nawiwirduhan na talaga ako! Ano ba kasing ginawa saakin ng mokong na 'yun?!! Buwiset!!
———*———
Mabilis lumipas ang oras. Balisa at kanina pa lumilipad ang isip ko. Kanina pa ako naiinis dahil bawat segundo/minuto/oras nila ako tinatanong kung anong nangyayari saakin. Umiiling nalang ako. Kung hindi pa sila makuntento gugulatin pa nila ako.
-.-
"...so ayun nga! Nanood kami ng sine ni vince, my gaassh!! Nandun pala kayo ng sabado? I didn't see you around there." Tugon ni kristell.
"Oh? Hindi rin namin kayo nakita doon." Sagot naman ni mj.
Actually sila lang talaga ang naguusap. Naririnig ko yung mga pinaguusapan nila pero hindi na ako sumasawsaw. Maski yung juice ko, ubos na lahat lahat yung juice sinisip sip ko pa din. -.-
"...ay BTW! elaine, infairness! Kahit ganun yung nangyari nung friday sainyo ni jasper, ang galing niyo pa din." Bigla akong napatingin sa sinabi ni kristell.
"H-Ha???" Wala sa sarili kong tanong sa kanya.
"Psh! Ang. Sabi. Ko. Ang. Galing. Niyo ni. JASPER. Last. Friday." Pantig pantig nitong sabi. The heck? Pati ba naman dito jasper pa rin? Ano? Jasper here, jasper there, jasper everywhere?!
Pakshet na 'yan?! Inaasar ba ako ngayon? Hindi ko nalang siya sinagot at nag 'tsk' nalang ako.
"Elaine, Can i talk to you?" Bigla ko nang mabitawan yung hawak kong juice nang biglang nagsalita si...
Oo na! Si jasper na! >>___<<
"Oh... speaking off!!" Sabat naman ni kristell. Inirapan ko siya pagkatapos napahilamos ako sa mukha.
"OKAY FINE!!" sigaw ko kay jasper. Tumayo na ako at inunahan ko na siya papalabas.
Arghh!!!
————————————————
BINABASA MO ANG
Haters to Lovers (completed)
Teen FictionAS OF (10-8-18) HIGHEST RANK #356 IN TEEN FICTION. Isang transfer student sila Elaine Ramirez at Marry Jean Alcantara sa Dela fuente University. Elaine did not know na ang anak pala ng director ng D.L.U. Ay siya pala ang kinaiinisan niya. Sabi n...