Sabrina
Pinaandar ko ang kotse ko,di ko alam kung saan ako pupunta,basta liko lang ako ng liko hanggang sa tumigil ako sa sementeryo.Lumabas ako ng kotse at tumakbo papunta sa puntod ni Paps.
Shawn Michael Lacson
Umupo ako at niyakap ko ang mga binti ko at nagsimula na akong umiyak ng umiyak.
"Paps,di ko tanggap ang mga nangyayari,wala ka na kasi,kung andito ka pa,bukod kay Kuya Sean,inaaway mo na sila para sakin*sob*Inaaway nila ako Paps eh"sinasabi ko sa kanya lahat ng nararamdaman ko maski na di ko sya nakikita,nararamdaman ko naman sya"Ansakit na kasi,Paps.Ngayon pa sya bumalik,akala ko masaya na ako eh *sob* di pa pala.Paps,miss na miss na kita.Wala nang nagtatanggol sakin sa school,si Kuya kasi eh,inuuna nya girlfriend nya,ambad nya Paps,pinapabayaan nya Princess mo"
Wala namang nakakarinig sakin eh kaya okay lang.
Dwayne
Nakikinig ako sa lahat ng sinasabi nya sa puntod ng Kuya nya.Nasa likod lang kasi nya ako.Pinapakinggan ko lang din syang maglabas ng sakit na nararamdaman nya.
Nagsalita na naman sya...
"Paps,ambad bad ni Fey Paps.Bakit sya ganun?lagi na lang nya akong inaaway,parati na lang syang ganyan,maski na nung elementary,binubully nya ako pero pinoprotektahan mo naman ako nun eh,kaso wala ka na ngayon,wala na akong Paps *sob*.Bakit kasi anlayo ng school mo?edi sana doctor ka na ngayon tapos gagamutin mo pa ako pag nagkasakit ako eh *sob* pinupuno ko na din ng mga favorite nating books yung bookshelf natin Paps!pinaggawa na din kita nung scrap book na sabi mo sakin,promise yun di ba?wag kang magaalala,babasahin ko sayo yung mga nakasulat dun sa birthday mo *sob* Paps,tinabi ko din yung Journal mo,ayaw mo kasing ipabasa kaya okay lang haha *sob* inaalagaan ko din yung first birthday present mo sakin na batman,ayaw kong ipagalaw sa iba eh *sob* sayang Paps,next month na ang birthday ko eh,wala ka,kakainis ka naman kasi eh,iniwan mo kami agad,di ba sabi mo magiging girl friend mo pa si Selena Gomez?niloloko mo naman ako eh"
Mahal na mahal pala nya ang Kuya nya,kakainis naaawa ako sa kanya,ansakit na makikita mo syang ganyan.Sya yung tipong masaya at matapang sa harap ng iba pero,nasasaktan sya sa harap ng Kuya nya.
"Paps,sorry kung umiiyak na lang ako lagi pag nasa harapan mo ako,sorry ha?namimiss lang kasi kita at ikaw lang ang nakakaintindi sakin.Sorry kung lagi mong nakikitang umiiyak si Princess.Wag kang magalala Paps,next time na pupunta ako dito,nakangiti na akong totoo,masaya na ako at tears of joy na ilalabas ko promise.I miss you Paps,love you,muss ka na ni Princess at ni Taba haha"pinunasan nya yung luha nya.
Siguro yun yung tawag nung Kuya nya kay Kuya Sean haha.
Tumabi ako sa kanya kaya medyo naiyak na naman sya.Yumakap naman sya sakin.
"Namimiss ko na sya Dwayne.Grabe,tas ansakit pa nang nararamdaman ko *sob*"hinagod ko naman yung likod nya.
"Wag ka nga,nakadaan na din ako sa ganyan,nawalan din ako ng kapatid,makakapag move on ka din"sabi ko.Napatingala naman sya sakin,medyo namumula pa yung ilong nya,mata at tenga sa kakaiyak.
"Nawalan ka na din ng kapatid?"tanong nya.
"Oo,babae,bata pa sya eh,haha,matagal ko nang sinisisi yung sarili ko dahil sa nangyari sa kanya,pero may nagsabi sakin dati na wag ko daw sisihin yung sarili ko kasi hindi naman daw talaga ako ang may kasalanan kung bakit sya nawalan ng buhay.And I think Kuya mo pa ang nagsabi nun"kwento ko sa kanya.
Mas maaga kasi akong nawalan ng kapatid kesa kay Sab,nasa puntod nya ako nung icomfort ako nung Kuya nya.
Medyo bata pa ata ako nun,namatay si Dana kasi ansama kong Kuya.Pinabayaan ko syang umalis sa bahay kaya nasagasaan sya ng kotse.
Mas pinili ko pa kasi ang matulog eh.Pero okay na ako ngayon.
"Bakit ba lagi mo akong binibigyan ng advice?"tanong nya.
"Kasi halos lahat ng pinagdadaanan mo ngayon,napagdaanan ko na noon"sagot ko.
"Thank you nga pala"sabi nya habang nakayakap pa din sakin.
"Bakit?"
"Kasi naging bestfriend kita lagi mokong pinapasaya at binibigyan ng advice,lagi kang andyan maski di mo alam na kailangan kita,right timing ka palagi,di ka nagkakamali"andramatic naman masyado ng amazonang toh.
"Syempre,lagi kasi akong nakabuntot sayo eh ^_^"sabi ko hehe.
"Grabe naman toh ginawa akong aso!"
"Ganun talaga,kung kumain ka nga eh parang as---aray!aray!joke lang!sabi ko nga ang ganda mong aso ka!"pano ba naman kasi hinatak buhok ko,feeling ko tuloy na tanggalan ako ng anit.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!"atlast na rinig ko na syang tumawa.
"Kasiyahan mo talaga ang saktan ako :<"
"Uy!sorry na!wag ka nang magtampo!"hahaha.
"Oo na,oo na.Baka sabunutan mo na naman ako pag di ko tinanggap,or worse,tanggalan mo na ako ng anit"sabi ko.
"Buti alam mo hahahaha"sama talaga.
"Awan sayo,tara!ice cream tayo!"aya ko.
"Parang nagditch na din tayo ng class"sabi nya.
"Wala pang 7:00,bilis,pampasaya ang ice cream!"a pagpupumilit ko kaya tumawa na naman sya,hayyy,pag talaga ganun ang ugali ko natatawa sya,di na nga ako magaaya sa susunod >.<
Bumalik na kami sa kotse ko,nagulat ata sya nung makita yung dalawa sa likod.
"Ang arte mo talagang babae ka,gusto mo pang hinahabol ka ni Dwayne eh"sabi ni Hannah.Namula ang tenga ko nun ha!ganon talaga pag gwapo,tenga ang namumula,para kasing bading pag mukha.
"Hoy!di ah!"angal nya.
"Ikaw naman Dwayne,todo kapa kanina!nagawa pa kaming tawagan para tanungin kung nasan si Sab eh noh???"hays.Mga baliw talaga tong mga toh.
"Hoy!kung anu anong sinasabi ng mga toh!parang nagpanic lang eh!"sabi ko.
"Oo na,oo na!ice cream!ice cream!yeyyy!"para talaga syang bata,ang cute talaga nya.
Pinaandar ko na yung kotse ko at pupunta na kami sa ice cream shoppp!!!
Masaya ako na ako ang nagpasaya sa kanya ulit,este,yung ice cream pala :<
___________
A/N:thats how Sab and the ice cream lived happily eating after...
Charought!!!XD
BINABASA MO ANG
Ms.Amazona meets Mr.Playboy[COMPLETED]
Teen FictionHighest rank:#22 in teenromance Higehst rank:#71 in teenfiction Ang isang Amazonang katulad nya?nainlove sa playboy na kinaiinisan nya? Started:August 19,2017 Completed:November 10,2017